Chapter One: We Are Who We Are

176 11 21
                                    

CHAPTER 1

TITLE: WE ARE WHO WE ARE

“ HAAAY! Naku, nakakatamad naman pumasok. After vacation parang ayoko ng bumalik ulit sa school. Paniguradong madugong pag-aaral na naman ang gagawin ko nito, mamaintain ko lang ang aking scholarship sa university na ito.”~ yan ang sabi ng utak ko habang binabagtas ko ang kahabaan ng East wing ng Saint Pio College (SPC).

“Oh! By the way, readers, let me introduce myself to you. I am Amethyst Louise Buenavista, 18 years old, taking up Mass Communication at naniniwala ako sa kasabihang.....

“MAGANDA AKO, ang kumontra panget, bow!..waahaha!

“Oh my! What am I doing? Why am I talking to myself?! Guess I’m totally bored now” Weird ba? Pasensya naman,walang magawang matino eh.. hehe! Nagkibit- balikat na lang ako at sabay hikab, tanda ng pagkabagot ko sa araw na ito.

Maya-maya’y may yumakap mula sa likuran ko. Ito ay walang iba kundi si…..

“Anyeonghaseyo,chingu!” (Hello!,my friend) pambungad na bati ng aking bestfriend na si Cassandra Monteverde o mas kilala sa tawag na “Casey”. Bestfriend ko na yan mula first grade kaya naman parang kapatid na ang turingan naming sa isa’t isa. Siya ang tinaguriang lovely fella ng grupo dahil bukod sa napakaganda ng kanyang mukha eh napakabuti din ng puso niya.

Well, I must say na lahat naman kami sa grupo ay magaganda, pwera biro ah! Walang itulak kabigin sa amin. Sadya nga lang nangingibabaw ang beauty nya. Siya na ang mestiza!

Nginitian ko naman sya at nagsalita,” Bessy,imiss you so much!’At niyakap ko sya ng mahigpit.

So far, ito na yata ang pinakamatagal na di naming pagkikita simula ng maging magkaibigan kami. Madalas kasi kaming magkasama nito kahit sa anumang lakad, mahirap kami paghiwalayin. Well, kung di ko pa nga siya pinilit sumama sa family getaway nila sa South Korea, hindi ito pupunta doon. They stayed there for one and a half month, mahabang panahon na yon for us though we call each other every single day to tell our stories etc. Pinilit naman niya ko sumama sa kanila doon since meron naman silang house there, eh I chose to help my mom managing our flower shop this last summer vacation. My mom needs me anyway.

“My gosh! Bessy,noreul bogoshipoyo.” Sabi nito habang nahayakap pa rin sa akin.

Natatawang sinagot ko siya.” Haha! Bessy, I know you went to Korea but that doesn’t mean na you have to speak in Korean.” Natawa din ito.

“Oh! Sorry, na-carried away lang ako. Anyway, ang ibig sabihin lang naman nun ay I Miss You! ” Paliwanag nito sa akin.

“Yeah, I know that bessy. Nakalimutan mo atang ako kasama mo pag nanonood ka ng mga Korean dramas kaya may alam din ako kahit papaano noh!..” sabay kaming natawa.

Nasa kasarapan kami ng pag-uusap ng biglang may sumingit sa amin.

“Bonjour! Tu me manques…” (Hello! I miss you!) bati nito sa amin.

Sabay kaming napalingon ni Casey sa nagsalita. Nakangiti siya.

“Lester, my dear!” sabay naming bati dito.

Gayunpaman, mukhang hindi niya kinatuwa ito.

“My dearest fellas, one and a half month lang tayong di nagkita, nalimutan n’yo na atang ayaw kong tinatawag sa name na yan. Sige kayo di ko bibigay ang pasalubong nyo from Paris.” Banta nito sa amin pero nakangiti naman sya.

“O-oh! Mianhamnida!” Pagpapaumanhin ni Casey.

“IKR! (I know right?!) Lei, our dear,how was your vacation?” Bawi ko naman sa kanya to set his mood up.

Siya nga pala si Lester Batungbakal este Lester Reed, FilAm, pero ayaw niya ng real name niya kasi ang lakas daw makalalake eh di naman daw siya tunay na lalake. In fact,lalake din ang gusto niya. Bwahaha! Maloko lang!.. Tama,isa siyang dyosa…Dyosang beki, ang pinakamagandang beki sa SPC. Siya lang naman ang nag-iisang heredero este heredera ng Reed clan. Kung ayaw n’yo masabunutan nito, better not to call him….errr her?!! Lester.. hahaha! Gwaveh kasi mag-alburoto yang si beki… Peace fella!

Sasagot na sana siya sa tanong ko after niya kami yakapin ni Casey kaso may sumulpot na dalawang kabute sa harapan namin.

“Konnichiwa1 Ogenki desuka?!” (Hello! How are you guys?!) bati ni Sasa sa mga kaibigan.

Ooops! Eto na si Stella ‘Sasa’ Aquino, ang sweetheart fella ng grupo. Kung titingnan mo siya para ang siyang 16 years old because she looks young than her age. Siya ang pinakaamong mukha sa amin, innocent-looking in other words, at siya din ang pinakamalambing kaya naman tinawag naming siyang sweetheart.

Sa Japan naman niya ginugol ang bakasyon niya with her li’l brother, Shanon and her boyfriend, Jasper Quizon.  Itong si Jasper actually ang nag-invite sa kanya na mag-vacation dun since doon naman na namamalagi ang pamilya nito dahil sa negosyo. Pero para di awkward, sinama na din nila si Shanon, na sobrang cute sa age na 14!

“Sa was dee! Khit teung maak.” (Hi! I miss you so much!) pasikat na bati ni Megan, the stouthearted fella. Ito na yata ang pinaka-matapang na babaeng nakilala ko. Grabe sa guts! To the highest level! Fearless! Panalo! Bongga! Wapak! Ikaw na talaga Megan Cruz, fresh from Thailand! Iche-check ko yan!.. harhar.. ^^

“Teka lang guys ah! Hindi tayo magkakaintindihan nyan kung iba-ibang language ang gagamitin natin!” natatawang saway ko sa kanila.

Haist! Na-miss ko talaga ang grupo. Grabe lang! One and a half month din nila ko iniwan ditto sa Pinas ah! Oo, tama kayo ng basa! Ako na walang malay lang naman ang nag-iisang nagpakaburo at nagpakadakilang anak nitong bakasyon.

I did not go abroad kahit pa inofferan ako ng aking mama dear na mag-fly abroad. Aba! Paano ko naman magagawayun knowing my mom’s working hard here in the Philippines. Kunsensya ko ata yun! Pero ok lang, enjoy naman kasama  ang mga mababangong bulaklak at saka hello! It’s more fun in the Philippines kaya noh!.. Yeah right, I’m obviously convincing myself here… kkk

Well, masaya din naman talaga at memorable ang naging bakasyon ko maliban nga lang sa isang araw na may bwisit akong na-encounter na lalake but I was able to forget about it na naman so keribels lang ang summer ko sa Pinas. Ay! Basta dapat lang na lahat sila ay may pasalubong para sa akin ngayon para naman matuwa ako sa kanila… hehe!

“I agree!” Sabay-sabay na sang-ayon ng apat na nauwi sa malutong na tawanan. Halatang-halata na na-miss naming ang isa’t isa. Walang humpay na tawanan at kwentuhan. Tila ba’y wala ng bukas. Wagas- wagasan lang ang drama! Hahaha..

“Fellas, guess it’s time to go inside our new class room.” Aya ni Casey matapos tingnan ang orasan. 9AM ang first class namin, ngayon ay 8:55 na, any moment ay magriring na yung bell.

Nagsisunuran naman kami kay Casey na animo’y mga anino nya…

Ito na!... Welcome school year 2012-2013…

We are “The Ravishing Fellas”

“Move! Give way! We’ll make your day havey!”

Yan lang naman ang chant na madalas bigkasin ni Lei, ang may pakana ng kabaliwan ng grupo. Ginawa niya yan with all his…..err! her HEART!.. Hayaan nyo na ah kung waley… baka kasi mabatukan pa kayo nyan eh! Yan kasi ginawa nya sa’min ng di kami umayon sa gusto niya… waaahehe! :P

Author's Note:

Hope you guys like it!

Please pa-fan, pa-vote and pa-comment na din if you still have time.

Thanks so muchy fellas!!! ^^

Saranghae,

Maskedgirl02

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon