Chapter Fifteen: What A Horrible Day!

84 2 2
                                    

CHAPTER 15

TITLE: WHAT A HORRIBLE DAY!

“Amet’s POV”

Medyo nagulat pa ako ng bigla akong akbayan ni CD. Hindi ko kasi namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Busy akong panoorin sila. Nakakadala kasi yung emosyon sa loob ng crib. Nasaksihan ko lahat ng pangyayari at nagawa ko din ng maayos ang part ko. Masaya naman ako sa resulta. Sa tingin ko naging maganda ang pagtatanghal naming sa araw na ito.

Ayos! One down, two to go and I’ll be free. Can’t wait for that day.  >__<

Ngumiti si CD sa akin at nagsalita.

“Ah siya nga pala, awhile ago, you were asking kung sino ang planner nito. Let me introduce to you, the Dean’s Lister of St. Paul College, Amethyst Louisse Buenavista” pagpapakilala ni CD sa akin habang akbay niya ako at inakay papunta sa direksyon ng mga kaibigan niya.

Habang papalapit kami ng papalapit sa kanila, hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Ewan kung bakit, siguro ay dahil sa lalaking iyon.

There’s something in his aura na hindi ko gusto. O dahil lang sa takot ako sa magiging reaksyon nito sa akin?

Nakups! Ano kaya gagawin niya sa akin? Babatukan niya din ba ako gaya ng ginawa niya sa mga buddies niya. Mukha kasi siyang sadista eh. Yun tipong bawat kilos niya ay nananakit kahit pa biro lang niya.

Bigla ko tuloy naalala yung mga sinabi niya kanina na lalong nagpa-kaba sa akin.

“WTH! Who planned this? Makikita niyo. Of all people, ako pa talaga pinagtripan nyo ah, mga ungas kayo!” at pinagbabatukan pa niya ang mga ito.

“Jesus! Spare me with his cruelty, please!” Panalangin ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakayuko ako hanggang sa makalapit kami sa kanila. Pilit kong kinukubli ang tension na nararamdaman ko ngayon.

“Yani, I want you to meet my girl, Amethyst” pabirong sabi ni Tyler.

Pinalo ko naman siya ng marahan sa balikat niya. Hindi kaya magandang biro yun no! Tumawa lang ito sa akin.

“O-oh! You’re newest girl? Tsk tsk! Di ka pa rin nagbabago buddy.” Biro nito sa kaibigan bago niya ko lingunin. “Hey! You look familiar!” komento ni pinuno sa akin. Noon lang ako tumingin sa kanya ng direcho….

Geez!!!!!! Parehong nanlaki ang mga mata namin the moment na nagtama ang mga ito.

“I-ikaw?!!!!!!!!!” O_O  sabay naming salita at pati pagturo namin sa isa’t isa ay sabay rin. Halatang pareho kaming nagulat at di inaasahan ang mga pangyayari.

“OF ALL PEOPLE WHY HIM FOR GOD SAKE!” sigaw ng isip ko.

Spell AWKWARD!!!!  O_0

Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng buong katawan ko, feeling ko nga pulang-pula na ko ngayon eh! Bwisit naman kasi! Bakit ko pa nakitang muli ang hinayupak na walang modong lalaking ito?!!!! Napakaswerte ko nga naman.. Grrr!!! D*mn this day!

“Teka-teka lang ahh…. Magkakilala kayo?!!” gulat na tanong sa amin ni Tyler. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

“Oo nga, matagal na ba kayong magkakilala?!” segunda ni Khalil.

“H-huh?!! Ano bang pinagsasasabi niyo dyan? Mga buddy, h-hindi ko k-kilala ang babaeng yan!” todong tanggi nito.

“Makatanggi wagas?! Relax buddy. Mas lalo kang nahahalata eh!” naiiling na sabi ni Blake dito. Kunway hinimas pa ang likod nito.

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon