Chapter Sixteen: The Unforgettable Past

67 2 1
                                    

CHAPTER 16

TITLE: THE UNFORGETTABLE PAST

“Amet’s POV”

“Bessy, something really annoying happened to me last summer vacation! I haven’t told you this story yet so please listen carefully and I’m gonna tell you the whole story now.  Honestly, I wanted to keep this to myself for I really hated that horrible day but something came up today that reminded me of that unreasonable event. So, I guess I have to share this with you. Do you get me?”

“Yeah. I’m listening bessy.”

“Uhm, the story goes like this……………..”

***FLASHBACK***

Masaya ako sa araw na ito. Excited na excited na kong pumunta sa Tagaytay. Sa wakas madadalaw ko ulit si Inang Pacing sa flower farm niya. Makikita ko na naman ang kanyang paraiso na namumutiktik sa mga magaganda niyang pananim na halaman at bulaklak.

Tuwing bakasyon lang kasi ako nakakadalaw kay Inang. Siya na lang ang kaisa-isang malayong kamag-anak ni mama dito sa Pinas. Kaya naman sa kanya na rin kumukuha si mama ng aming mga panindang bulaklak sa flower shop namin sa Manila na sa akin ipinangalan ni mama.

But on the other hand, malungkot din kasi di ko kasama si Casey ngayon dahil nga nasa Korea siya kasama ang buong family niya. At malang sa malamang ay busy rin ito ngayon dun kasi io-orient na rin siya ng kanyang dad sa business nila doon. Haaay! Nakakamiss talaga yung isang iyon. Lagi kasi kami magkasama pag pumupunta kami kay Inang. Mahal na mahal din kasi niya si Inang at ang lugar na iyon. Pareho kasi kaming mahilig sa flowers.

Pagdating na pagdating pa lang namin ni mama eh agad akong tumakbo papunta sa munting kubo ni Inang, isa sa paborito kong tambayan doon. Haaay! Ang saya! Isang linggo na naman akong mamamalagi sa magandang paraiso na ito.

Agad kong nabungaran si Inang kaya naman niyakap ko siya at nagmano sa kanya. Tuwang-tuwa siyang makita kami ni Mama. Matapos ang konting kwentuhan ay nagpunta na kami sa mumunting mansion ni Inang at doon kumain ng pananghalian. Matapos ito ay agad akong nagpaalam at humingi ng permiso kina mama at Inang na maglilibot-libot muna sa flower farm. Alam nila kung gaano ako ka-excited makita itong muli.

“Sige iha, alam ko naman na kanina mo pa gusto magpunta roon eh. Mag-ingat ka ah at magpasama ka na din kay Desiree, malamang eh nasa tabi-tabi lang iyon.” Si Desiree ang ampon ni inang na katu-katulong niya sa pag-aalaga ng mga bulaklak. Kahit pa ampon lang ito, itinuring na rin namin syang tunay na kamag-anak. Mas bata nga lang ito sa akin ng dalawang taon.

“Ayy! Oo nga po inang, hindi ko pa pala siya nakikita. Alam po nya na ngayon ang dating namin?” taking tanong ko.

“Aba’y oo, ewan ko ba sa batang iyon eh. Kanina lang kasama ko siya sa kubo bago kayo dumating, sa muka’t mukat ko ay wala na pala siya sa tabi ko. Hayaan mo at magkikita din kayo nun sa farm. Sige na’t naghihintay na sayo ang mga yellow tulips mo.” Nangingiting sabi ni Inang sa akin.

“Inang naman eh, yung yellow tulips po ang kay Cassandra, akin po ang stargazer.” Napapakamot ako sa ulo ko, lagi na lang kasi ito napagbabaligtad ni “Inang. Ulyanin na kasi siya eh.

“Ganun na rin yon iha.” Natatawang sabi ni Inang.

Humalik muna ako sa noo ni Inang bago tuluyang lumabas ng muting mansyon.

Nagmasid-masid muna ko sa paligid, nagbabakasakaling makita ko si Desiree. Pero tila walang tao ngayon dito. Marahil ay mga nanananghalian pa. Dahil dito ay nagpasya na lang akong dumirecho sa flower farm. Okay lang naman siguro kung ako lang mag-isa tutal kabisado ko na naman ang lugar at kilala na rin naman ako ng mga trabahador ni Inang rito kaya kampante na rin ako na walang masamang mangyayari sa akin dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon