Chapter Ten: Reconciliation

55 5 3
                                    

CHAPTER 10

TITLE: RECONCILIATION

“Tyler’s POV”

Alam kong hindi inaasahan ni cam girl na magpaparamdam pa ko after ng ilang araw na hindi ako nagpakita sa kanya.

Well, it was all planned. To give thrill to this game of mine, I decided to give it a twist. Para may shocking or surprising moment on her part at para din hindi na siya makapag-isip pa ng ipanlalaban sa akin.

Isa pa, I had to do some research about her bago ako tuluyang makipaglaro sa kanya. Sa ilang araw na missing in action ako, wala akong ginawa kundi tuklasin ang pagkatao nitong si Amethyst Louise Buenavista. I know that she’s not just an ordinary girl so I must know first kung paano ko siya gagamitin sa mga plano ko.

It may sound terrible or harsh, but believe me, I mean no harm here. In fact, I’m doing her a favor. She should thank me at the end of the game. <evil grin>

“We’re here now.” Andito na kami sa tagong espasyo ng SPC. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko sa kanya dahil sobrang iritang irita na siya dito. Grabe! Hindi ba alam ng babaeng ito ang salitang kilig? Hindi ba siya kinikilig sa mga gestures ko? Kung iba lang yan baka himatayin pa eh, pero siya hindi, galit pa!

Nampucha talaga! Feeling ko tuloy ang pangit pangit ko. Siya lang nakagawa sa’kin nito ah. Nakakafrustrate, amppff!

“So, buhay ka pa pala? Kala ko nilamon ka na ng lupa eh, sayang naman! Ipinagdasal ko pa naman yun ng mabuti. Pero sabagay, ang masamang damo nga daw matagal mamatay!” OA nitong sabi. Eh siya kaya ipalamon ko sa lupa? Nakakapika na siya ah.. Kumokota na sa’kin tong babaeng ito.

“Pero kalma lang Ylay, nagsisimula pa lang ang laro. Bawal mapikon or else ikaw ang uuwing talunan!” suway ko sa sarili ko.

“Aysus! Kunwari ka pa Amet, na-miss mo lang ako eh, kaw talaga! Wag ka na mahiya, sanay na naman ako sa mga ganyang uri ng admiration.” I’m trying to tease her with my sweetest smile. Sobrang gwapo ko kaya pag naka-smile, ewan na lang kung di pa siya tablan niyan.

“Spell admiration?!!” sarkastikong sabi nito.

“Akala ko ba DL ka? Admiration lang di mo pa ma-spell?!” kunwari’y di ko na-gets ang sarcasm niya, tingnan lang natin sino ang mapikon sa aming dalawa.

“Ay shunga! Ewan ko sa’yo. Wala naman laman yang utak mo kung hindi pagpapagwapo.”

“So, you admit that I am handsome..?!!” I said it with a teasing smile.

“Grabe din bilib mo sa sarili mo no? Ang mabuti pa, sabihin mo na lang sa akin ang ipapagawa mo ngayon at ng makauwi na’ko.” Pag-uutos nito.

“Wow! Ikaw ang amo? Have you forgotten that your role here is to be my slave? That means you have to follow whatever I order you. Let me decide on things at sasabihin ko sayo kung  ano ang ipapagawa ko sa’yo sa takdang panahon hindi sa kung kelan mo gusto, is that clear slave cam girl?!!” ma-otorisadong sabi ko. Enough of teasing and flirting. Hindi naman ubra sa kanya eh. Eh di daanin sa santong paspasan. Kabahan na siya ngayon. Magaling kaya akong actor!

“Fine, boss. Whatever you say!” she submitted suddenly. Akala ko lalaban pa siya eh! Good girl, Amet. Dapat ganyan ka lang lagi eh, baka ma-fall pa ko sayo!...

What?!! Anu daw sabi ng isip ko? Fall? Tsss!!!

“Ganyan ang gusto ko, a submissive slave not a stubborn one. Don’t worry I’m not an evil boss naman eh. I just need you to do three major tasks for me and once you finished them, you’re totally free.” Pagpapahayag ko sa kanya.

“Alright, 3 tasks only! No more additional okay?” paninigurado nito. Medyo nagliwanag ang mukha niya. Hindi niya siguro inaasahan na ganun lang kokonti ang ipagagawa ko sa kanya. Well, I told you I’m not bad at all. Isa pa, the more I become bad at her, the more stubborn she becomes. Therefore, I have to compromise with this young lady.

I nodded.

“And can you promise me one thing? That after our deal, you won’t mind bothering me again? Act like as if we don’t know each other.”

“Uhmmmm… depende yan sa’yo. Let’s first finish our deal bago mo hingin sa akin ang favor na yan. Dahil baka sa huli, hindi mo na ko kayang i-resist? Hahanap-hanapin mo na ang gwapo kong mukha at ang masaya kong presensya?” nagiging flirt na naman ako. Haha! Sorry naman, ang sarap kasi nitong asarin eh, ang cute niyang tingnan. Siya lang ata ang nakita kong babae na mas nagiging cute pag naaasar na. XD

“Spell A-S-A!!!” iritang sambit nito. Hahaha! Nakita ko na naman ang cute nyang dimples. O di ba? Ang cute niya talaga pag naasar! Yieee! o_^

“Ayan ka na naman sa spell-spell mo eh! Tigilan mo na nga ko sa paganyan-ganyan mo ah. So, are we okay now?” pakikipagbati ko sa kanya. Ayoko naman na palagi kaming war, napaka-ungentleman naman ng dating ko nun. Pag nagkataon eh madismaya sa akin ang mga fan girls ko. Eh labs na labs ko pa naman sila.

“Hmmm… fine!” sabi niya na nagpangiti sa akin.

“Great! Well, I hope to have a good working relationship with you and hopefully, we could be friends in the end. It’s gonna be fun, I guess.” At inilahad ko sa kanya ang aking palad tanda ng aking pakikipag-ayos sa kanya. Hindi niya tinanggihan ito at sa halip nagbigay siya ng tipid na ngiti dahilan para makita ko ulit ang kanyang mga dimples. Waaaahh! Nakaka-adik lang. Wala kasi ko nun eh.

“If you’ll be nice to me then I’ll be nice to you as well.” Sabi pa nito.

“Alright, I’ll try to be nicer next time. Uhm… by the way, for your first work let’s meet tomorrow after lunch, I’ll fetch you. Is it okay?” I’m being kind to her na.

“No problem… But wait, f-fetch me? D’you know where I live?” taking-tanong niya sa akin.

Napakamot naman ako sa ulo ko. O-ow! I got caught.

Too obvious to lie.

“Ah y-yeah. Apparently, I did some research these past few days. So, I got to know some things about you. I hope you don’t mind. Peace!” at nag-peace sign pa ako sa kanya.

“Tsss! May magagawa pa ba ko eh nakapag-imbestiga ka na?! Kaya pala di ka nagpakita ah. Ayos ka ah!”

“Ayos ka din eh! Nakuha mo agad yung strategy ko? Ikaw na matalino!”

At dahil dito sabay kami natawa. Hayyy! Mas masarap pala siya tumawa kesa sa maasar. Mas lalo kasi siyang gumaganda sa paningin ko.  ^0^

Konting usap lang at nagpaalam na din si Amet sa akin. May lakad pa kasi sila ng mga kaibigan niya.

I feel better now. Magaan ang pakiramdam ko. Unexplainable ang happiness sa puso ko. Amet just simply set my mood today.

Since I’m in the mood now, I gotta meet my buddies and tell ’em my plans for tomorrow.

***Author’s Note***

Pa-fan, vote and comment na lang po readers if you don’t mind.

Thanks for the continued support. You may tell me your feedback. Feel free to do so.

Special Mention: dong saeng Kathleen and lil sis Elaine, thanks so much for the cover photos!.. Lurv it! Sorry ah, busy lang ang unnie nyo.. kkk

Saranghae,

Maskedgirl02

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon