Chapter Thirteen: This Is It!

67 6 8
                                    

CHAPTER 13

TITLE:  THIS IS IT!

“Amet’s POV”

Kinabukasan, tulad ng napagkasunduan namin kagabi, sinundo ulit ako ni Tyler. Ngayon kasi namin isasakatuparan ang “prank” para sa kaibigan nila na hindi ko pa nakikilala.

Sa totoo lang, namamangha ako sa kakaibang samahan ng Daredevil Buddies. They may not be that bad after all. Grabe lang ang preparation nila para lang i-welcome ang lider nila ah. Nacu-curious tuloy ako sa taong iyon.

Hindi ko kasi alam ang hitsura niya at wala din akong ideya kung anong klaseng tao ba siya. Feeling ko kasi may pagka-notorious ang taong yun. Siguro dahil sa siya ang lider ng grupo. But I don’t wanna be judgmental, lalabas pa kong kontrabida dito. Hihintayin ko na lang ang aming pagkikita mamaya.

Isa lang ang dalangin ko, sana mag-work ang plano ko. Dahil kung hindi, patay ako kay Tyler. Back to zero akong muli at hindi pa ko makakausad sa utang ko sa kanya. Haist! Umayon sana sa’kin ang panahon…. *with fingers crossed*

Maaga siyang dumating sa bahay kesa sa oras na napagkasuduan namin.

Kasalukuyang nanananghalian pa lamang kami ni mama at ni bessy ng makarinig kami ng doorbell.

Pinapasok ko siya at inayang sumabay na kumain sa’min. Hindi naman ito tumanggi.  Bumati pa ito kay mama at kay Casey bago umupo.

“Hetong pinggan iho, kunin mo. Huwag kang mahihiya ah. Kain lang ng kain.” Magiliw na sabi dito ni mama. Ang alam nito ay kaibigan ko ang unggoy na ito. Hindi ko na ikinuwento pa sa kanya ang deal namin at baka masermonan pa ako.

“Thank you po.  Balita ko nga po masarap kayong magluto sabi ni Amet.” Nakangiting sambit nito, sabay kindat sa akin.

Walanjo! Kelan pa kami nagkwentuhan nito? Ayos din ito mambola ah. Ginamit pa ko. Hmpp! Pero syempre sinakyan ko lang ang trip niya. Baka kasi makahalata pa si mama. Mahirap na!

“Ah talaga iho? Ganun na kayo ka-close ng anak ko? Mabuti naman at may bago ng kaibigang lalaki ulit itong si A.L. maliban kay Lester at Wesley.” A.L. ang nakasanayang tawag sa akin ng mga magulang ko na minsan ay tawag din sa akin ni Casey. “Dahil dyan, tita na lang din ang itawag mo sa akin. Mukha ka namang mabait at mapagkakatiwalaan eh. Ang gwapong bata mo pa.”

Sunod-sunod ang naging papuri dito ni mama na ikinainis ko ng bongga. Bakit ba ang gaan agad ng loob dito ni mama? Pinilit kong pigilan ang sarili kong hindi sang-ayunan si mama.

“Ayy hindi naman po masyado tita.” Pa-humble epek nito at kunway napapailing pa. If I know, tuwang tuwa ito. Pumapalakpak pa ang mga tenga. Bwisit!

Naramdaman ata ni bessy ang inis ko kaya naman siniko ako nito at bumulong…

“Bessy, hayaan mo na. Kalma ! Baka makahalata pa si tita, sige ka, Ikaw din!” babala nito sa akin at sabay kaming ngumiti kay mama at sa Mr. Bush na iyon. Tama naman siya eh, kailangan kong magpanggap na umaayon ako sa lahat pero sa loob-loob ko, gusto kong batukan ang lalaking nasa harap ko.

Hindi naman sa magkagalit pa kami o ano, pero di ko lang talaga magawang pagkatiwalaan ang mga kinikilos nito. Alam kong may bait din ito pero paano kung kasama ito sa mga pagbabalat-kayo niya? Paano kung kasama ito sa mga plano niya? Mahirap na dahil hindi ko pa naman talaga kilala itong amo kong hilaw.

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon