Chapter Four : The Legends Are Back!

90 7 11
                                    

CHAPTER 4

TITLE: THE LEGENDS ARE BACK!

“Amethyst’s POV”

Sinundan ko ang mga daliri ni Lei kung saan ito nakaturo. At nakita ko ang grupo ng mga lalakeng pinagpala ng Diyos sa kagwapuhan. I may be man-hater, as what my fellas told me, but that doesn’t mean that I don’t know how to differentiate good-looking to ugly-duckling guys. I may not trust them and fall for them but I can appreciate their good looks… pero hanggang doon na lang iyon… period! Este ganito pala dapat .

I saw them as they enter the cafeteria with manner.  Ang anim na lalakeng may kanya-kanyang personalidad at angking kakisigan ay nakapukaw ng atensyon ng mga tao sa cafeteria. Undeniably, they look so hot on their rugged outfit. Oh my God! Ang lakas ng arrive nila ah, para silang “The Cullens” ng twilight dun sa scene na pumasok din sila sa cafeteria ng school nila. Sa sobrang hot nilang magkakapatid lalong-lalo na ni Edward Cullen ay kaya nilang pahintuin ang pag-andar ng oras. Nakakatulala ang presence nila.

Teka! Erase Erase! Amethyst, ano ba yang pumapasok sa kukote mo?! Bakit ba todo compliment ka sa mga unggoy na yun samantalang di mo naman sila kilala at ngayon mo lang din naman sila nakita sa campus. Umayos ka ah! OA ka na sa description mo, hindi na nakakatuwa! (Saway ko sa sarili kong pasaway!)

Well………. Sa hitsura nila imposibleng hindi sila popular dito? Masyado ba kong nagpakaburo sa pag-aaral at maski kasikatan ng mga ito ay hindi ko man lang nabalitaan? So, ano naman kung di ko sila nakilala? Kawalan ba?! Haist! Naiinis na talaga ko sa sarili ko ah!

“Trasnferees ba sila? Ngayon ko lang kasi sila nakita eh.:” pa-kyemeng usisa ko.

“Oh my! Ang gagawapo nila talaga! I’m glad they’re finally back.” Si Megan. Obviously, she knows them.

“Sinabi mo pa. Gwaveh! Umuulan ng hawwwtt men dito sa campus. Alam n’yo yun. Kahit na hindi naman talaga sila nawala dito sa school eh iba pa rin kasi yung dating nila pag sama-sama sila. Wapak ang aura! Buti na lang talaga dito ako nag-aral kahit pa kumontra ang father-loo ko!..” malanding sabi ni Lei.

“Shocks! The Daredevil Buddies are indeed back!” tuwang sambit ni Sasa na animo nakita ang mga idolo sa katauhan ng mga lalakeng ito.

Ok fine! Walang pumansin sa akin. As in dedma to the bones ako sa kanila. Lahat kasi sila nakatitig sa mga yun. Ok, granted they’re handsome and hot, but err so what?! Normal na tao lang din naman sila para sambahin ng mga estudyante dito.

“Daredevil what?!! Ano naman yun?!” tanong ni bessy Casey.

Thank goodness! hindi lang pala ako ang clueless dito. Pati pala si Cassandra, hindi rin pala kilala ang mga ito. One point for me, yey! Buti naman at may pumansin na sa aming dalawa at sumagot sa tanong ni Casey.

“You see those stunning hawt men over there?” turo ni Lei sa amin. “They are the legendary  ‘Daredevil Buddies’. Sila lang naman ang pinakasikat, pinakasinasamba at hinahangaan na grupo dito. Though last year, when we entered this school, nag-li-low sila for what reason?, nobody knows though madaming haka-haka or bulong-bulungan sa campus about this. Kesyo disbanded na daw sila na akalamo eh isa silang sikat na banda para sabihin yan, kesyo nag-away-away daw sila, kesyo iniwan sila ng group leader nila na si Tristan blah blah blah… Nothing was confirmed. Honestly, sila din ang dahilan why I decided to study here. Dahil maski sa labas ng campus na ito sikat na sikat sila. Matunog ang pangalan nila lalo na ang dalawang pinakalider nila na si Tristan at Tyler na OA sa kagwapuhan with oozing personalities pa. I was disappointed nga lang ‘coz I thought mapapalapit ako sa kanila eh kaso naghiwa-hiwalay naman sila so ayun..Buti na lang, nagbabalik silang muli, I missed them so much lalo na si Tristan, my fate!!!.”mahabang litany ni Lei na until now eh titig na titig pa din sa anim na lalake. Nasa mood siyang magkwento sa amin. Halatang inspired ang dyosa nyo!..

My Obnoxious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon