Chapter 5: Vigor Palace

53 11 0
                                    

SABO: VIGOR PALACE
Written by: Brenda_Imp
* * * * *




Naalimpungatan ako dahil sa ingay nagmumula sa labas. Kasalukuyan parin kaming nasa sasakyan. Lumingon muna ako sa labas para makita ko ang ganda ng lugar.

Nasa kabilang sasakyan sila mama at tanging si Cyfroh lang ang kasama ko sa sasakyang ito. Napalingon ako sa kanya,  'Anong klaseng Nilalang ka ba Cyfroh?'

Napatingin sya sakin at kunot noong sinabi "i told you before na kaya kong basahin ang nasa isip ng tao. Isa kaming tagapag ingat ng mga mamamayan ng Enchanted world. Nakadipende ang magiging guardian ng mga nakatira sa enchanted world sa estado ng buhay nila. Katulad namin na matataas ang estado. Obligasyon namin na ingatan ang katulad nyong maharlika."

Hala sya. Nabasa nya pala ang nasa isip ko kakaluka!. Napa speech pa tuloy sya.
Di ko naman inaasahan na mababasa nya yun dahil focus na focus sya sa paglalaro sa kapangyarihan nya.

"Ahh. Hindi kasi naikwento sakin nila mama. Sorry naman , malay ko bang mababasa mo agad agad ang nasa isip ko!"irita kong saad sa kanya.

Since malayo pa kami sa main part ng palasyo. May naisip akong kalukuhan haha.tutal wala naman akong magawa dito kundi tumunganga.

Ma-try nga kong anong magiging reaksyon nya.

'Cyfroh nung una mo akong nakita. Anong naramdaman mo'

This is gonna be FUN. Biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Cyfroh , from mapayapa aura to Kamatis look .

Hahaha. Kawawang guardian napagtripan ko pa.

"Hoy! Anong pi-pinagsa-sabi mo dyan. Wag ka nga magpapara sasalita gamit ang isipan mo. Hindi ka maganda."sabay sya umiwas ng tingin sakin.

Haha . napikon ! Nagsisimula pa lang nga ako ee. Suko na agad sya.
At ano daw?
Hindi ako maganda?
Aba sya lang ang nakilala ko na nagsabi sakin na hindi ako maganda.

Alam mo ang gwapo mo sa sobrang kapangitan at subrang kasungitan'

Nagpipigil ako ng akin tawa dahil sa reaksyon ng kanyang mukha .Kanina pa sya nag po-poker face.

"Ano bang problema mo sakin at kanina mo pa ako inaasar?"derekta nyang tanong sakin kaya naman nag behave na ako sa pwesto ko.

"Wala naman akong problema sayo. Hindi ko naman kasalanan kong kaya mong mabasa ang nasa isipan ko.malay ko bang sinusubaybayan mo ang mga sinasabi ko sa isipan ko" kung susungitan rin lang ako nitong kabuting guardian ko, sasabayan ko sya sa trip nya.

Hahaha. Pikunin pala to. >_____<. Strike 3.

Dahil ayukong ma beastmode sya sakin hahaha at.. Panalo ako at talo sya.

Nanahimik nalang ako dahil naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan . tumingin ako sa labas at doon ko napagtantong na nasa tapat na namin ang Palasyo.

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon