Chapter 13 : Almighty Dragon

43 8 0
                                    

SABO : ALMIGHTY DRAGON
Written by : Brenda_Imp
************

"Meri !" narinig kong sigaw ni maximo.

Nakita ko ang malalaking tipak ng semento ang pabagsak sa kinaroroonan ko.
Nanigas ang buong katawan ko . di ko maigalaw ang katawan ko. Lord ayuko pang mamatay. Anong gagawin ko.

Naramdaman ko nalang ang isang kamay na humila sa aking braso.

"Gusto mo ba talaga magpakamatay huh!"sabi ni maximo sakin na may halong galit at pag aalala

Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata.

Nakarinig kami ng isang malakas na sabog mula sa kisame.

Tumakbo kami ni maximo palabas ng silid at ang dragon ay patuloy parin sya sa pag wasak roon.

Muli nanamang yumanig ang sahig kaya napatumba kami ni maximo sa lakas nito.

Nag sisitakbuhan ang lahat ng estudyante palabas ng paaralan habang ang mga professor ay naalarma din at hinanap nila kung saan nanggagaling ang pagsabog.

"Anong nangyayari?"natatarantang sabi nitong babae na papunta sa dereksyon namin.

"Xiarene tawagin mo ang grupo ngayon na"nagmamadaling tumayo kami ng makita namin ang dragon mula sa likod namin.

Agad naglaho si Xiarene habang kami patuloy lang sa pagtakbo.

A/N : (Xiarene - Sya-rin)

"Mukhang tayo ang hinahabol nito maximo. Anong gagawin natin?" Bumaba kaming hagdanan. Ilang estudyante rin ang nakikipag unahan sa pag baba.

Bumuga ng apoy ang dragon kaya sumigaw ang ilang estudyante mula sa taas na palapag.

May ilang Acers na water element ang nagtulong tulong pahupain ang sunog habang ang mga fire elements na estudyante ay pinagtutulungan ang dragon.

Muli nanamang bumuga sya ng apoy pero this timr sa direksyon namin. kaya napatalon kami mula 3rd floor pababa ng First Floor.

"Ahhhhhhhhhhh! Jusko ayuko pang mamatay"nagsisisigaw ako nang pabagsak kami sa baba.

"Ano ba kasi sumiksik sa utak mo at binuhay mo ang painting na yun!"

"Parang may umuutos sakin na ilabas ko sya sa painting at paulit ulit ito sa isipan ko"

May humiklas sa braso ko kaya di ko namalayan na nasa first floor ako habang buhat buhat ako ni Cyfroh.

Teka! Bakit ngayon lang sya dumating!

Kitang kita ko mula sa taas ang pabagsak na si Maximo.

Jusko ayukong makita ang durog durog nyang katawan sa sahig. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad.
Hinitay kong may lumagabog sa sahig pero walang tunog akong narinig.
Nung alisin ko na ang palad ko nakita ko syanaka floating na block at doon sya naka sakay.
Nahimas masan ako doon.

"Ilayo mo si Meri dito !"sigaw nya pa.

"Di mo ako kailangan utusan dahil yun naman talaga ang gagawin ko!" Inis na sigaw ni Cyfroh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon