Chapter 11 : Amateur Level 1

43 10 0
                                    


SABO: AMATEUR LEVEL 1
Written by: Brenda_Imp
* * * * *


ilang araw narin ang lumipas simula nung magwala si maximo, kinausap ako ni maximo, hinalikan ako ni maximo at napuyat ako dahil sa maximo na yun!

Nalibot din namin nila blade ang academic building at medyo nakakabisa ko narin ang bawat rooms sakada building ng paaralang ito.

Ang laki ng epekto nang nangyari samin ni maximo noong nakaraang araw.
But now, ok na.  di ko na yun masyadong ina alala, kong sya nga dini deadma lang ang nangyari samin dapat ganun din ako. deadma lang dapat.

Papasok palang ako ngayon sa assign room sakin . nakakalungkot mang isipin na magsisimula ako as first year pero yun talaga ang mangyayari sakin ngayon. I was suppose to be a graduating student this year . ewan ko ba sa buhay ko kung bakit 'to nangyayari sakin, Cheer nyo ako. Huhu.

Naglakad na ako papunta sa Amateurs Floor. Lahat ng makakasalubong ko titingnan nila ako mula ulo hanggang paa waring sinusuri nila ako.

"Diba sya yung babaeng nagpakalma kay maximo?"bulong nung babaeng naka red hair sa katabi nya.

"Di ko sure. And i don't care anyways, nagpapasikat lang ang tulad nya kay maximo feeling mapapansin sya ni maximo"sagot naman nito pabalik.

Ganun ba talaga sila sa mga baguhan na tulad ko?

Pumasok na ako sa loob ng room atnapatigil ang lahat nung makita nila ako.

"Hi?"nahihiya ko pang sabi.

Wala ni isa sa kanila ang sumagot at bumalik sa ingay ang buong estudyante sa kanya kanya nilang pwesto. Naglakad nalang ako patungong likod total yun nalang ang bakanti dito saka umupo.
"Napakamean nila, gusto ko na tuloy bumalik na sa school ko dati!"nasabi ko nalang .

"Ganyan din ako nung bagong transfer ako dito. Masasanay ka nalang din dito"sabi nitong katabi ko.

Ako ba ang kinakausap nya? close ba kami nito?

"Ahh. Hehe narinig mo pala ako."sagot ko nalang .

Ang hirap ng ganito. Wala akong kakilala kahit man lang isa dito. Hmp.

"Malamang katabi lang kita. Bobo!"sabay irap pa nya sakin .

Anak nang . sinabihan ba naman akong bobo! Bigla akong nang init sa sinabi nya. Sabihin nya na ang lahat wag lang ang bobo!

"Anong sabi mo?!"medyo tinaasan ko na sya ng boses kaya naman napalingon sya sakin this time.

"Wag ka dyan mag inarte at wag mo akong taasan ng boses baka di ako makapagtimpi sayo"mahinahon nyang tugon sakin na may halong pagbabanta.

The nerve! Ako pa talaga ang binantaan nya...

Biglang nag bell kaya nag si ayusan na ang mga bago kong kaiskwela sa kanya kanya nilang pwesto.

Nasa state ako nang pagpipigil habang ang teacher naming na kadarating biglang lumingon sa buong klase pawang may hinahanap sya.

Napadako ang tingin nya banda sakin saka nya ako tinawag at pumunta sa front para magpakilala.

Naglakad na ako papuntang unahan ng patidin ako ng kaeskwela kong babae na kulot ang buhok.

Buti nalang napahawak ako sa desk kong hindi subsob ako sa sahig. Nag tawanan silang lahat sakin.
Sinadya talaga nila yun gawin nung di nakatingin si sir Harry samin.

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon