Chapter 7: The Secret Academy

62 11 0
                                    


Maaga kaming umalis ng palasyo ni mama para agad kaming makarating sa school. Sakop pa ng bayang ito ang paaralan na aking papasukan ngunit nasa pinaka dulo ito ng bayan at malawak na kabundukan ang pagitan ng eskwelahang iyon sa kasentruhan ng Vigor.

Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng sasakyan. di ko kayang makipagkwentuhan sa kanila sa subrang kaba na aking nararamdaman.
Feeling ko matatanggal na ang puso ko sa lakas ng aking kaba. Matagal na akong nag aaral at normal lang sakin ang ganung bagay pero ang biglaang pag aaral ko sa di ko alam na paaralan dito sa enchanted world ay syang nagpapakaba sakin. I mean, I'm just the odd beginner.

Ang hirap mag simula. Kung paano ako makakatiis na mamalagi dito , kung paano ko sila pakisamahan at kung paano magkaroon ng kaibigan dito. Actually di kasi ako mahilig makipagfriends. Kaya pili lang ang kaibigan ko at iisa lang ang close ko .. Si SCARLET lang tapos nagkahiwalay pa kami.

"Mukhang malalim ang iniisip mo anak"sabi naman ni mama habang nakangiting nakatingin sakin. Samantalang si cyfroh deadma to the bones lang.

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga saka ako sumagot. "Mama sa tingin nyo po makakaya ko po ang manatili roon?"tanong ko na may halong kaba. Hinawakan ni mama ang aking palad bago sya sumagot.

"Marahil sa una mahihirapan ka ngunit sa darating pa na ilang araw masasanay at makakaya mo na. We're the same situation princess. Before takot akong mag aral sa paaralang iyan dahil narin sa naririnig kong bulong bulungan sa bayan. Na once makapasok ka sa paaralang iyon wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ang sarili mo lamang dahil lahat na nag aaral daw sa secret academy ay mga selfish at ang gusto lang nila lagi silang nakakataas sa iba.  When the time goes by nadiskobre ko na mali ang mga bulong bulongan sa bayan at napatunayan ko din na mababait at maalaga sila at malaki ang naging papel ng secret academy para manatili ang bayan ng vigor ng maayos  at mapayapa . At alam ko na mas hihigitan mo pa kami ng iyong ama."agad syang napangiti sa mga sandaling iyon kaya naman napangiti rin ako kay mama. Siguro nga na sa umpisa lang mahirap pero di maglalaon masasanay rin ako.

"Salamat po mama"sabi ko nalang at agad ko syang niyakap.

Agad kaming napa
tigil nang umubo si cyfroh dahilan upang mapatingin kami ni mama sa kanya.

Tiningnan ko sya na nagmomoment-kami-ni-mama-wag-kang-epal. Habang sya naman di nagets ang gusto kong sabihin sa kanya kaya naman kinausap ko sya gamit ang isipan.

'Kahit kelan talaga cyfroh! ang hilig mong umiksena!'

'Nandito rin kaya ako kaya dapat kasama ako sa usapan nyo'

'Tsss!'

At dahil nga kami lang ni cyfroh ang  nagkakaintindihan gamit ang aming mga isip, doon nalang kami nagpalitan ng salita ni cyfroh.

Si mama naman ay bigla bigla napapatingin kay cyfroh kaya naman nagtataka si mama kung bakit nag po-poker face si cyfroh.

"Cyfroh. Ok ka lang ba?"tanong ni mama rito. Ngumiti lang si cyfroh at tumango na nagsasabing ok lamang sya.

Habang ako natatawa na sa mga sinasabi ko sa kanya.

'Anong tagalog ng I'm Ugly?' :) sabi ko.

'Anong ugly?'

'Ibig sabihin nun cyfroh ako ang pinaka gwapo' :)

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon