Chapter 10: Maximo

45 11 0
                                    

Bago ang lahat. May part dito na Rated SPG. Pero slight lang . laktawan nyo nalang hah.

I alread warned you.

SABO : MAXIMO
********

Third Person POV

Halos magkagulo ang lahat ng makita nila ang pagwawala ni Maximo. Ngunit sa di inaasahang pangyayari sa paghawak lamang ni Kaye kay Maximo unti unti itong kumalma at bumalik sa tunay nitong anyo.Kasabay nito ang pagkawalang malay ni Kaye sa di malamang dahilan.

Nakarating ang balitang ito kay binibining klaryn maging sa mga professor ng eskwelahan kaya nagmadali silang tumungo sa kinalalagyan nila.

"Blade, anong nangyari dito?ipaliwanag nyo 'to?" Kalmadong sabi ni binibining Klaryn habang tiningnan ang kabuohan ng silid sa mga Amateur students.

"Ah, binibini nahuli na po kami ng dating kanina . nadatnan nalang namin ang pagtatakbuhan ng mga estudyante dito dahil nagwawala si maximo,  Ngunit ginawa na namin ang lahat ni Raffy upang pakalmahin sya pero di parin namin nagawang pigilan si Maximo"nanghihinang tugon ni Blade.

Kasalukulang ibinabalik ng mga Professor ang nasirang silid habang tumungo naman si binibining Klaryn kay Maximo.

"Hindi ko inaasahan na mauulit nanaman ito maximo. Binalaan na kita dati pa ngunit hindi ka parin nadala. Sa susunod na maulit ang insedenting ito maaari kitang tanggalin bilang pinuno ng  inyong Grupo. Nagkakaliwanagan ba tayo maximo?" Matalim na tiningnan ni binibining Klaryn si maximo habang si maximo wala sa sariling sinulyapan lamang sya na parang walang nangyari at sinabi si binibini. Titig na titig parin sya sa babaeng nakahiga sa kanyang mga bisig na kasalukuyan na wala paring malay.

"Binibini, kailangan na nyang magpahinga. Diba Maximo!?"pag iiba ni raffy at tiningnan lang sya nito sumagot-ka-nalang-ng- oo look.

Inabsorb ni maximo muna ang sinabi ni Raffy bago sya sumagot "ahhh. Opo binibini medyo masama ang pakiramdam ko kaya kailangan ko nang umalis, heto na ang babaeng ito mukhang mamaya pa sya magigising base sa kanyang kalagayan "marahan nyang ibinigay si Kaye kay binibini bago sila umalis ng tuluyan.

"Klaryn, mas mabuti kong ipahatid mo sya sa guardian nya sa kanyamg silid. Marahil nabigla syang gamitin ang kapangyarihan nya kaya siguro bigla syang nahimatay"suhesyon ni professor Zeif kay binibining Klaryn.

Wala pang nakaka alam sa tutuong pagkatao ni Kaye kaya maging si binibining Klaryn sumang ayon nalang sa suhesyon ni professor Zeif.

Agad namang ipinatawag ni Binibini si Cyfroh upang dalhin si Kaye sa kanyang Silid.

"Cyfroh, ikaw na ang bahala kay Prinsesa kaye. Bantayan mo sya hanggat maaari, eag kang aalis hanggat di pa sya nagigising maliwanag at kapag nagising na sya ipamalita mo sakin agad."ibinigay ni binibini si Kaye kay Cyfroh at nagtungo na sila sa silid nito.

Nag uusap ang mga professor at ang binibini sa superior office dahil maging sila nagtaka kung paano nagawa ni Kaye palamahin agad si maximo ng ganun kadali.

"Base sa birthmark ng batang iyon. Nag mamay ari sya ng 4 na elemento, nakakapagtaka sapagkat lahat ng royal families ay may dalawa lamang elemental magic." Hinihimas ni professor Zeif ang kanyang baba habang nag iisip ng malalim.

Nagbulungan ang lahat maliban kay binibini na nanatiling tahimik at nag iisip din ng kanyang ipapalusot upang di malaman ng mga professor ang pagkatao ni Kaye.

"Marahil sya'y nabigyan ng apat na elemento dahil sa dugong nananalaytay sa kanya bilang isang anak ng Range at anak ng Maharlika. Maaari yung mangyari ngunit bihira lang ang biyayaan ng ganun karaming elemento" pagpapaliwanag ni binibining klarynat halatang nakumbensi nya ang lahat sa kanyang sinabi.

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon