Chapter 12: Secretum Locus

34 9 0
                                    

SABO: Secretum Locus
W

ritten by: Brenda_Imp
* * * * *

Wala akong kaide ide ideya kung saan ba kami pupunta nitong antipatikong si maximo. Basta di na ako pumalag dahil ayaw ko din naman masaktan.

Ang tahimik lang naming dalawa habang patuloy kami sa paglalakad.

May nakasalubong kami na ilang estudyante.

Nag vow sila samin at binabati nila si maximo pero wala man lang reaksyon si maximo. Grabi talaga 'to!

Huminto kami sa tapat ng malaking pintuan. Ano naman ang gagawin namin dito?

Maya maya bumukas ito at saka lang kami pumasok sa loob.

"Dito ka lang. Wag kang aalis hanggat wala akong sinasabi."at tumungo sa sa di ko alam na direksyon kasi nakayuko lang ako habang naka upo sa sofa. Di ko rin aya sinagot dahil nabwibwisit ako sa kanya.

Maya maya may narinig akong mga yapak na patungo sa direksyon dito.

"Waaaaaaaaaaah!"rinig kong sigaw  kaya napatingin ako sa dakong likudan ko. Napakunot ako ng noo at nakita ko ang mga babaeng naka uniform din sila ng katulad sakin pero ang bracelet nila kulay green.

"Totoo nga. Di ako makapaniwala!"sabi nung babae na hanggang balikat lang ang buhok.

"paanong nangyari yun? bakit kamukha nya?"sinusuri nya ako mula ulo hanggang paa. nitong babae na chinita.

"Totoo ba to? Sampalin nyo nga ako!"tapos nag aarte sya na gulat na gulat. Aakmang sasampalin na sya nung dalawa nyang kasama. "Nagbago ang isip ko wag na pala" nagtawanan naman silang apat habang ako na wi weirduhan na ako sa kanila.

Nakita ko si Maximo papasok palang ng silid na ito.

"Hey, di namin aakalain na magiging kamukha nya talaga si Oliv---"di nya natapos ang kanyang sasabihin dahil tinakpan ng kasaman ang bibig nya .

Derederetso lang ang lakad ni maximo patungo sa kaliwang dereksyon at umupo ito sa bakanting upuan.

"Isa itong makasaysayan. Ilang dekada na ang lumipas at hanggang sa libro nalang natin nalalaman ang kwentong yun pero ngayon di natin aakalain na makikita natin ang kamukha nya" galak na galak nyang sabi tapos hinawakan nya ang braso ko tipong sinusuri nya kong totoo ako.

"Kailangan malaman to ng iba pa nating kasamahan "suhestsyon nung chinitang babae.

Napatayo si Maximo "hindi na kailangan dahil hindi rin magtatagal malalaman din nila ito, kailangan ko na syang ibalik sa baba baka hinahanap na sya"sabi nya bago pa nya ako hatakin palabas ng silid, hindi pa kami gaano nakakalayo kaya rinig ko parin ang bulungan nila sa loob.

"Paano kong maulit ang nakasulat sa kasaysayan ? Kamukha nya si Olivia at maaaring mangyari din sa kaya ang buhay ni olivia. Hindi magandang palaisipan ito" narinig kong sabi nung maiksing buhok na babae.

"Ang nakakapagtaka ay kung bakit kamukha nya itong maigi."dagdag pa nung babaeng may violet na buhok sa dulo ng kanyang buhok.

Di ko sila gets. Ano ba pinagsasabi nila? Kanina di ako naka imik dahil di ko naman sila maintindihan.

"Kong iniisip mo kung sino si Olivia."panimula nyang sabi sakin.
" Sumama ka sakin para malaman mo kung sino sya" dagdag pa nya kaya naman imbis kumaliwa kaming dereksyon patungong baba.
Kumanan kami sa pantayang daan at derederetso lang kami sa paglalakad.

Nakarating kami sa dulo at bumungad samin ang isang napaka laking pintuan na may kakaibang desensyo gawa sa malalaking bagin na pinagdikit dikit at may mga tinik ito sa katawan.

Secret Academy: Birthmark OwnersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon