Vampire 2

13 1 0
                                    


Thea's POV

Hay isang panibagong araw na naman ang tatahakin ko at panibagong araw na naman na mama-minus sa buhay ko. Pero think positive lang lagi kaya mo yan ! Fighting !

******

"Excuse me Padaan .. padaan po.. padaan." Kainis naman ano bang pinagkakaguluhan agang aga palang dumogan na silang lahat sa gate hindi tuloy ako makadaan.

"I love you Tyler honey bunch ko !"

"Akin ka na lang Tyler!"

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na ang pagdaan ng biglang....

"Aray ko po..." mahinang daing ko pano ba naman tinulak ako ng babaeng mahadera! Kainis ! Ano ba pinagkakaguluhan nila ?! Wag nilang sabihing lalaki ?! Kalandi yak !.

"Ang gwapo talaga niya"

"Mayakap ko lang siya pwede na along mamatay"

"All of you listen up..." natahimik ang mga tao sa paligid ko. Naagaw ang atensyon ko sa lalaking kasalukuyang nakatayo sa harapan ko. Nakatingin ito sa akin ng seryoso teka parang nakita ko na to.

"I want to inform you that my heart is taken by someone..." nagbulungan ang mga nasa paligid ko at halata sa mukha nila ang pagkadismaya.

"Tyler sino siya ?!"

"Oonga ! Dito ba siya nag aaral ?!"

"Nadito ba siya ?!"

Napakunot ang noo ko ng lumapit ito saken at tinulungan akong tumayo. Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin at lahat sila saamin nakatingin at parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Teka.. ano bang nangyayari ?

"A-Anong-" pinutol niya ako at...

"Shes my girlfriend and I love her . If you try to hurt her you will see the hell. Come on Babe" napanganga ako sa sinasabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Omo ito ba ang sinasabi nilang holding hands. Pero teka hindi ba dapat magalit ako !? Ako ?! Girlfriend ng walang hiyang to !!!

"Hindi kami naniniwala !"

"Oonga!!"

"Ang sama niya at mukhang nilisan ng talino!!"

Ano ?! Grabe na silang makapanglait ! Kala mo kung sinong mga dugong bughaw. Nanlaki ang mata ko ng bigla akong hinigit ng lalaking katabi ko at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"B-Bakit ?.. T-Teka bakit ang lapit ng- hmp"

Hinalikan niya ako.. yung first kiss ko..

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Pagkatapos niya akong halikan biglang siyang ngumiti saken. What the eff !? Ang gwapo niya ! Pero yung first kiss ko!!!! Huhuhu.

Third Person's POV

Magkahawak ang mga kamay nina Tyler at Thea na naglalakad papuntang rooftop. Lahat ng makakasalubong nila ay nahahawi pag silay dumadaan. Tahimik pa din si Thea samantala si Tyler panaka panakang sinisilip si Thea na nakayuko.

"Were here" sabi ni Tyler ng marating nila ang rooftop. Biglang uminit ang ulo ni Thea at nagsimulang umusok ang ilong niya ng maalala ang nangyari kanina.

"Hoy ikaw bastos ka ! Bakit mo ko hinalikan ?! At bakit mo sinabing girlfriend mo ko !? Ni hindi nga kita kilala eh ! Baka mamaya niyan ... oh my gosh ! Baka my aids ka-jsbzisnnwis" bigla niyang tinakpan ang bibig ni Thea gamit ang kamay niya. Sinamaan  naman siya ng tingin ni Thea samantala si Tyler wala man lang ekspresyon ang mukha.

"Hey woman can you please lower down your voice..." nanlilisik na mata na tinignan  siya ni Thea. Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig nito at naupo siya sa bench.  Lumapit si Thea at tumayo sa harap nito.

"Hindi mo ba alam ang ninakaw mo saken ?! Simula ng sinilang ako ng Nanay ko iniingatan ko na ang labi ko dahil gusto ko sa  tamang lalaki ko ibibigay yun!"

"Then I'll marry you" napaubo si Thea sa sinabi nito.

"Anong marry marry?! Anong tingin mo saken easy to get ! Huh ! Dont me ! " tumayo si Tyler sa kaniyang kinauupuan napaatras naman si Thea. Paatras siya ng paatras habang palapit ng palapit si Tyler. "T-Teka anong g-ginagawa mo ..?"

Hanggang sa dead end na. Napalunok ng ilang beses si Thea napakunot ang noo niya ng kinulong siya ni Tyler gamit ang mga braso nito.

"A-Alam mo bang harassment yang ginagawa - Hmp !" Nanlaki ang mata ni Thea at para siyang napako sa kinatatayuan niya ng muli siyang hagkan ni Tyler. Inilayo nito ang mukha kay Thea at nginisian ito.

"I told you lower down your voice Babe..." lumakad na ito palayo sakanya at tinaas ang kamay na nagpapahiwatig ng aalis na siya "See you around Babe" pahabol nito.

Ilang beses na napapikit si Thea at pilit na iniintindi ang mga nangyayari . Hanggang sa...

"AHHHHHHHHHHHHHHHH NAKAKAINIS TALAGA SIYA !!!!"

Thea's POV

Hanggang ngayon hindi parin nag eexist sa utak ko ang mga nangyayari. Nag iba kasi ang trato ng mga kapwa estudyante ko eh. Kung dati binubully nila ako ngayon iba na para akong isang siga na kapag dumadaan biglang humahawi sila na parang dagat at binibigyan ako ng daan.

"Thea!" Napatingin ako sa tumawag saken.

"Harry!!" Kumaway kaway ako sa kanya. Lumapit siya saken at kinuha ang mga libro ko at siya ang nagdala. Sinabayan niya ako ng paglalalad.

"I heard what happened yesterday.." nginitian  ko lang siya ng tipid "Totoo bang girlfriend ka niya ?" Napabuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot.

"Alam mo namang walang nanliligaw saken diba. Pero alam mo simula nangyari yung kahapon bigla na lang nagbago ang trato nila saken"

"What do you mean ?"

"Dati binubully nila ako wala silang pakealam kung ano ang mararamdaman ko pero ngayon tinatrato na nila akong tao. Pakiramdam ko nga para akong siga." Natawa naman kami ng mahina.

"Pero kung masaya ka naman diyan hindi kita pipigilan pero tandaan mo kung kelangan mo ng tulong ko nandito lang ako"

"Ah natouch ako" natawa naman kami ng bigla kaming napahinto ng makasalibong namin ang isang lalaki na hindi namin inaasahan.

"Babe what took you so long ?"

What the ?!

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon