Vampire 17

5 1 0
                                    


Third Person's POV

Pagmulat ng mga mata ni Thea napakunot ang noo niya na masilayan ang hindi pamilyar na kwarto. Dahan dahan siyang tumayo at binuksan ang pinto sa veranda. Bumungad sa kanya ang preskong hangin kaya naman napangiti siya. Ng maramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya.

"Do you like this place?" Tumango si Thea at hinawakan ang mga braso ni Tyler na nakayakap sa kaniya.

"Paano ako nakapunta dito ? Dinala mo ba ako dito habang natutulog ako ?" Tumawa ng mahina si Tyler at hinalikan siya sa pisngi.

"I just want to grants your wish. I own this rest house. This is my dream house, I promise to myself that I will live here with my beautiful wife and my loving children. So I decided to brought you here" napangiti naman si Thea sa sinabi nito. Humarap siya kay Tyler at ipinulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Hinawakan naman ni Tyler ang bewang nito.

"Thank you for everything Tyler . Thank you for coming to my life..." nanggigilid na ang mga luha ni Thea. Napapikit si Thea ng hinalikan siya ng mariin ni Tyler sa noo.

"Lets go ... around"

Magkahawak kamay sina Thea at Tyler na naglalakad sa tabi ng dagat. Bakas na bakas sa mukha ni Thea ang saya na nararamdaman pero si Tyler kahit na pinapakita niyang masaya siya sa loob nito ay natatakot siyang mawala ang babae na pinakamamahal niya.

"Naaalala mo pa ba nung bigla mo na lang akong hinigit at sinabi mong girlfriend mo ko sa harap ng madaming tao sa school?" Napangisi si Tyler at tinignan ito.

"Of course thats the first time that I tasted of the sweet lips of yours.." nag init naman ang pisngi ni Thea sa narinig. "I love it when you are blushing because of me"

"Dami mong alam .." natatawang sabi ni Thea. Umupo sila sa buhanginan at pinanuod ang papalubog na araw.

"Sana ganito na lang tayo habang buhay. Yung magkatabi tayong nakaupo. Hawak ko ang kamay mo at sabay natin pinapanuod ang paglubog ng araw. Sabay natin aalalahanin ang mga good memories natin na magkasama.." kahit hindi sabihin ni Tyler ramdam ni Thea na nalulungkot ang lalaki.

"Ako din.. Pero pangako ko na kahit na w-wala na ako *sobs* babantayan p-parin kita" napailing si Tyler at kinulong sa mga bisig niya si Thea.

"I love you Thea"

"Mahal na mahal din kita Tyler"

***********

Pagkatapos magbihis ni Thea na napakunot ang noo niya nang hindi makita si Tyler sa loob ng kwarto. Lalabas na sana siya ng kwarto ng makita niya ang isang puting sobra. Kinuha niya yun at binuksan.

To my beautiful wife...

   Meet me at the secret garden. Take care I love you... Always and forever..

Husband...

Napangiti si Thea ng mabasa ang sulat. Lumabas na siya ng bahay at sinimulang tahakin ang secret garde. Nang mapansin niyang sa bawat dadaanan niya ay may nakasulat...

  Right now the only thing that I am really sure abut is that I Love You.

Love is not how much you say I love you but how much you can prove that its true.

I love you when the sun burns bright, I love you when the moon turns white, in all the troubles my heart will become light if I have you in my sight!

You are the sun in my day, the wind in my sky, the waves in my ocean, and the beat in my heart. I Love you So Much.

I love you all the way to the moon and back 100 times.

You can’t start the new chapter of your life if you keep re-reading the last one.

Napakunot ang noo ni Thea ng mabasa yun. Hanggang sa mabasa niya ang tinutukoy nito. Napatakip siya ng bibig ng mabasa iyo hindi na niya napigilan ang mga luha na nagbabadyang pumatak sa mga pisngi niya.

Biglang nagliwanag ang paligid at bumangad sa kanya sina Ate Leah.. Si  Harry, Dr.Lopez,Mother at Father. At syempre si Tyler na nasa harap niya at nakangiti sa kaniya.

"P-Paanong--"

"Thea.." nakangiting tawag sa kaniya ni Tyler. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing hinalikan  ito. "Theres a lot of challenges that we've face together. First time I met you I didnt know that you are the only girl that makes me crazy. You are the only girl can make my heart beats fast. You are the only one person I want to be with for the rest of my life and grow old with. I love you my sweet heart." Dahan dahang lumuhod si Tyler at inilabas ang red na box mula sa kaniyang bulsa. Napatikip ng bibig si Thea ng makumpirma ito.

"T-Tyler.." mahina niyang sabi.

"Will you marry me  Thea Fuentabella?" Naluluhang sabi ni Tyler habang hawak hawak sa kamay nito ang isang sing sing na nagniningning.

"I-I'll marry you *sobs* Tyler" napangiti ng abot tenga si Tyler at mabilis na sinuot ang singsing sa kamay nito. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga.

"Mahal na mahal kita Thea Fuentabella-Tatum"

"I-Ito ang unang beses na sinabi mo yan sa t-tagalog" nakangusong sabi sa kaniya ng dalaga.

"Silly.." natatawang sabi ni Tyler.

"Mahal na mahal din kita Mister" ginawaran ni Tyler ito ng isang mahabang halik na punong puno ng pagmamahal.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila at lahat sila ay masaya para sa dalawang nagmamahalan.

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon