Vampire 15

6 1 0
                                    


Third Person's POV

Lumipas ang mga araw na nagkukulong lang si Tyler sa kwarto ng kaisa isang babae na minahal niya ng sobra pero hindi pala siya minahal ng inaakala niya. Parang nawalan ng direksyon ang buhay ni Tyler ng nalaman iyon at lumayo ang babae sa kaniya.

Araw araw siyang lulong sa alak at ni hindi man lang lumalabas ng kwarto. Mahal na mahal niya ang babae at higit pa sa buhay niya.

"T-Thea *sobs* " mahina niyang bulong habang tumutulo ang kaniyang mahal luha. Sa buong buhay niya ngayon lang siya umiyak.

*******

"Thea kailangan mong kumain. Tignan mo nangangayayat ka na. Wag mo namang pabayaan ang sarili mo" hindi ito pinansin ni Thea at patuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.

"Ate Leah kamusta si-" hindi naituloy ni Harry ang sasabihin ng makita niya ang kalagayan ni Thea. Nasasaktan siya ng makita anf kondisyon ng taong mahal niya.

"Simula ng umuwi kami ganiyan na siya sobra na akong nag aalala at hindi ko na alam ang gagawin ko"

Nagpakawala ng buntong hininga si Harry at lumapit kay Thea na tulala at umiiyak. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil.

"Thea" dahan dahang tumingin si Thea dito at yumakap kay Harry.

"H-Harry *sobs* p-paano na s-si *sobs* Tyler p-pag nawala a-ako ?" Hinaplos haplos ni Harry ang likod nito at niyakap ng mahigpit.

"Thea isipin mo naman ang sarili mo. Kailangang malaman to ni Tyler may karapatan siyang malaman to " hindi sumagot si Thea sa halip ay lalo lang lumakas ang iyak niya.

"Thea makinig ka kay Harry. May karapatan si Tyler at sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niya to pag wala ka na. Huwag mo siyang iwan sa pagsisinungaling na ginawa mo. Alam kong mahal na mahal mo siya hindi mo lang siya sinaktan parang dinurog mo pa ang puso niya" naiiyak na din na sabi ni Leah sa kaniya. Umiling lang si Thea at tumayo.

"A-Ayokong s-sabihin sa kanya *sobs* d-dahil alam kong mahihirapan siya pag nawala ako"

"Oo alam kong mahihirapan siya pero Thea naman alamin mo muna ang mangyayari bago ka mag isip ng ganiyan"

Biglang nakaramdam si Thea ng matinding pagkahilo. Doon niya lang naramdaman ang sakit na yun. Napatayo sina Leah at Harry at lumapit dito. Bakas sa mga mukha nila ang matitinding pag aalala.

"T-Thea a-anong nangyayari ?" Kinakabahang tanong niya. Hindi na nakasagot si Thea. Umikot ang paningin niya at ang pagtawag sa pangalan niya ang huli niyang narinig.

**********

Seryosong naglalakad si Tyler papasok ng kanilang kuta ng mga White Vampire. Lahat ng mga bampira ay napapatingin at napapalayo kapag nakikita siya. Kahit sino ay hindi magkakamali na lapitan siya. Parang binabalutan ng itim na awra ang kabuuan niya.

Nang maramdaman niyang tumunog ang cellphone. Kinuha niya yun at natigilan siya ng makita ang wallpaper niya na si Thea. Na nakangiti at nakatingin sa kaniya. Sinagot niya ang tawag at...

(Hello Tyler)

"Who the hell are you ?" Kunot noong tanong ni Tyler sa kausap.

(This is Harry Lopez. Friend of  Thea) bumilis ang  tibok ng puso ni Tyler ng marinig ang pangalan nyo.

"What do you want ?"

(Pwede ba kitang makausap)

"Okay lets meet"

*******

Tahimik na nagbabantay sina Harry at Leah kay Thea na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed sa Hospital. Hanggang ngayon parang umeecho sa kanila ang narinig mula sa Doctor. Kumakalat na ang cancer sa buong katawan nito.

"Ate Leah may pupuntahan lang ako babalik din ako agad" paalam ni Harry dito. Tumango si Leah dito.

********

Prenteng prenteng nakasandal sa sasakyan niya si Tyler. Nang dumating ang isang sasakyan na pula at lumabas doon si Harry. Napaayos ng tayo si Tyler ng makita ito. Lumapit sa kanya si Harry at ngumiti ng tipid.

"Anong gusto mong pag usapan tungkol kay Thea ?" Cold na sabi ni Tyler dito. Nagpakawala ng buntong hininga si Harry bago magsalita.

"Walang alam si Thea na nandito ako. Sa tingin ko kasi may karapatan kang malaman ang totoo" napakunot ang noo ni Tyler sa sinabi nito.

"Anong gusto mong iparating ?"

"Hindi totoong hindi ka mahal ni Thea. Sobra sobra ka niyang mahal kahit ang kasiyahan niya kaya niyang ipagpalit para lang sa kaligayahan mo" napatawa ng pagak si Tyler sa sinabi nito.

"Tss "

"Tyler kailangan ka niya ngayon"

"You know what Harry Im sorry but I have an important matters to do" akmang tatalikod na si Tyler ng magsalita si Harry na hindi niya inaasahan.

"Shes dying!" Napahinto si Tyler at parang nag echo sa utak niya ang sinabi nito. Hinarap niya ito at marahas na kiniwelyuhan.

"What the fuck are you talking about ?!" Galit na galit na sabi nito. Tinanggal ni Harry ang kamay nito.

"The reason why she left you because shes dying. May Leukemia siya na namana niya sa Mama niya. Sabi ng Doctor niya may 100 days na lang daw para mabuhay siya. Pero sa loob ng 100 days na yun nakita kong naging masaya siya dahil nakasama ka niya. Pinilit namin siyang sabihin sayo ang kundisyon niya dahil sa tingin namin ikaw ang higit na may karapatan na malaman. Now, she have only one week to live. Kahit hindi niya sabihin alam kong kailangan ka niya...."

"...Oo mahal ko siya kahit na hindi ako ang mahal niya makita ko lang siyang masaya. Masaya na din ako kahit sa palihim ko lang siya minamahal kontento na ako at kompleto..."

"...Sinasabi ko to sayo dahil ayokong maglihim. Ikaw lang ang magpapasiya siya kaya Bro hiling ko lang sana habang buhay pa siya gawin mo ang lahat para pasayahin siya"

"....Sige Tyler salamat sa oras kung gusto mo siyang pumunta nasa PGH siya ngayon. Bumagsak na daw kasi ang katawan niya at kumakalat na ang cancer sa buong katawan niya"

Nang umalis si Harry naiwan si Tyler na natuod sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makakilos at paulit ulit na umiecho sa kaniya ang sinabi ni Tyler. Ni hindi niya magawang humakbang para siyang pinatay ng paulit ulit ng malaman iyon.

"B-Bakit ?.." nanghihina niyang bulong sa sarili.

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon