Vampire 20

17 2 0
                                    


Third Person's POV

Ang liwanag lang na nagmumula sa Buwan nagsisilbing liwanag ng mga Bampira sa isang gubat kung saan itinakda ang kanilang sagupaan. Bawat isa ay nakahanda sa digmaan na ito. Bawat isa ay handang pumatay... Bawat isa ay nakahandang mamatay.

"Long time no see Tatum.." nakakalokong bati ni Israel. Ngumisi si Tyler sa kaniya at namulsa

"What is your dirty tactics now?" Tumawa si Israel at lumapit kay Tyler. Nagtagisan sila ng tingin.

"Pinapahanga mo talaga ako Tatum. Alam mo na agad na meron." Ngumisi sa kaniya si Tyler at tinulak papalayo sa kaniya.

"Huwag kang masyadong lumapit. Naaamoy ko kasi ang pagkatalo mo" napatawa si Israel ng pagak. Nang makabawi ang ay tinitigan niya si Tyler na punong puno ng galit.

"Simulan na ang gera !!!!" Anunsyo ni Israel.

Nagsimula ng maglabasan ang mga pangil ng bawat isa, nagpapalit na ang dating itim nilang mata sa pula. Lahat ay may kaniya kaniyang kalaban at kahit sino walang balak magpatalo.

Sa gitna ng patayan ng mga bampira nagtatagisan ng tingin ang dalawang pinuno ng kani kanilang mga grupo. Unting unting inilabas ni Israel ang kaniyang pangil at naging pula na din ang mata nito.

Inilabas din ni Tyler ang kaniyang mga pangil. Pero hindi kagaya ng karaniwang bampira na nagiging pula ang mata ang kaniya ay abo...

"Wag kang mag alala Tatum.. papatayin kita" nakakalokong sabi nito at sinimulan ng sumugod. Akmang susuntukin na ito ni Israel ng kaagad na nakailag si Tyler at binigyan ito ng malakas na sipa. Dahilan ng pagbagsak ni Israel.

Dahan dahang tumayo si Israel at napahawak sa tiyan niya na sinipa ni Tyler. Ngumisi sa kanya si Tyler at muling sumugod. Natumba ulit si Israel sa ginawa ni Tyler.

"T-Tatum t-tignan lang natin ang g-galing mo..." nanghihinang sabi nito pero nakuha parin nitong ngumisi. Mabilis na nilapitan ito ni Tyler at binigyan ng isang malakas na sipa na sanhi ng pagkawala ng malay nito.

Napatingin si Tyler sa mga bampira na nagsasagupaan. Mabilis niya itong nilapitan at tinulungan ang kaniyang mga kakampi. Nang may dumating na isang pulang sasakyan. Saglit silang natigilan at tinakloban ang kanilang mga mata dahil nasisilaw sila sa ilaw na binibigay ng sasakyan.

Napatingin si Tyler kay Isaac na wala pa ding malay at binaling muli ang paningin sa sasakyan. Parang slow motion na lumabas ang tao na mula sa sasakyan. Napakunot ang noo niya ng makababa ito. Naka leader jacket na itim, loose white shirt at black jeans ito. Humaharang sa mukha nito ang kaniyang buhok dulot ng hangin.

Dahang dahang inalis ng babae ang humaharang sa buhok niya. Napako si Tyler sa kaniyang kinatayuan ng makita ang mukha nito. Hindi na niya namalayan nabitawan niya na pala ang kalaban na hawak hawak niya kanina pa.

Napakaraming tanong ang pumasok sa isipan niya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon niya. Ni hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya.

"S-Surprise Tatum.." binaling niya ang kaniyang paningin kay Isaac na ngayon ay nakatayo na. Napatingin ulit siya sa babae na nasa harap niya.

Walang mababasang reaksyon ang mukha nito. Nakatingin ito sa kaniya ng tuwid. Hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.

"T-Thea...." mahina niyang tawag dito. Mabilis siyang lumapit dito at kinulong ito sa mga bisig niya. Nananatiling nakatayo lang ang babae.

"Hindi. Ako. Si. Thea!" Madiing wika nito at kasabay noon ang pagtulak niya ng malakas kay Tyler. Dahilan sa pagtumba nito.

Hindi magawang tumayo nito dahil sa lakas ng pagtumba niya. Nilapitan siya ng babae at madiin na tinapakan ang tiyan niya. Hindi niya mapigilan na mapadaing dahil dito.

"Mamamatay ka na" nakangising wika nito.

"Kailangan mong lumaban" napamulat si Tyler ng may nakita siyang imahe ni Thea na nakatingin sa kaniya at sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.

Buong pwersa na tumayo si Tyler dahilan ng pagtaob ng babae. Mabilis na kumilos si Tyler at sinakal ito. Tumaas ang babae sa ere dahil sa pagsakal nito.

"Hindi ka si Thea.." nahihirang sabi nito.

"Mali ka Tatum yang babaeng pinapatay mo ngayon ay ang babaeng pinakamamahal mo" napatingin siya kay Isaac na nakangising demonyo sa kaniya. Habang may hawak hawak ang isang kwintas na may half moon na pendant. "Kita mo tong kwintas na to oras na inilagay ko ang isa pang kalahating buwan ay babalik si Thea sa dating siya.." napailing si Tyler sa sinabi nito "Ayaw mong maniwala..."

Dahan dahang inilagay ni Isaac ang isa pang kalahating buwan sa kwintas kaya ito ay naging full moon. Napatingin siya sa babaeng sinasakal niya ngayon. Natigilan siya ng makita ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya habang tumutulo ang mga luha.

"T-Tyler..." nahihirapang tawag nito sa kanya. Napanganga si Tyler at hindina niya namalayan na nabitawan na niya si Thea.

"...P-Patayin mo na a-ako. G-Gamitin n-nila ako para p-patayin ka" nahihirapang wika nito. Unti unting tumulo ang mga luha ni Tyler sa sinabi nito. "M-Mahal na m-mahal kita T-Tyler k-kaya patayin mo na a-ako" umiling si Tyler at mabilis na kinulong sa bisig niya ang babae.

"Isang taon.. isang taon na hindi kita nakasama. I miss you so much wife. H-Hindi kita kayang patayin. A-Ayokong mamatay ka ulit..." umiling ang babae.

"Tama na ang drama Tatum !" Sigaw ni Isaac. Inilagay ni Tyler sa likod niya si Thea upang harangan.

"Hindi ko siya ibibigay sayo !" Madiing sabi ni Tyler. Tumawa naman ng malakas si Isaac.

"Okay sabi mo eh. Wag kang mag alala hindi ko siya kukunin kasi siya mismo ang sasama saken !" Kasabay noon ang pagtanggal muli ni Isaac ng kalahating buwan sa kwintas.

"Argh..." daing ni Tyler ng maramdaman ang matalim na bagay na sumaksak sa kanya. Napatingin sa babae na ngayon ay matalim na nakatingin sa kanya habang hawak ang kutsilyo.

"W-Wife...." nanghihina niyang tawag dito. Unti unti siyang natumba at ang malakas na halakhak ni Isaac ang kaniyang naririnig.

Nanlalabo na ang kaniyang paningin at parang nawalan siya ng lakas. Ang paghakbang ng dalaga papalayo ang kaniyang huling nakita bago siya nilamon ng kadiliman.

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon