Vampire 5

7 1 0
                                    

Lance ->>>>>>

Thea's POV

"Harry!!!" Tawag ko sa kanya habang kumakaway. Kumaway din siya saken at huminto sa paglalakad. Hingal na hingal ako na lumapit sa kanya.

"Dapat hindi ka nagpapagod alam mo naman ang kondisyon mo di ba" ngumiti lang ako sa kaniya at pinagpatuloy na naman ang paglalakad.

"May ginawa nga pala akong tests para sayo mamaya may tutor session tayo"

"No need bigay mo na lang saken ang tests paper. You should rest"

"Pero-"

"No buts" nakangising sabi niya. Pabiro naman akong napairap. "About you and Tyler kayo na ba talaga ?" Napatingin ako sa kanya ng matagal at marahang napatango. "As long as your happy in that papayagan kita pero when the day comes na sinaktan ka niya nandito lang ako"

"Ah natouch ako" natawa naman kami parehas.

Hay nakakatamad naman ang araw na to. Natapos ang buong klase ng walang Tyler na nagpaparamdam. Ano kayang nangyari dun ? Namimis-

Haiyst ! Thea Magtigil ka hindi mo siya namimiss !

Napakunot ang noo ko ng makita kong nakapadlock ang gate. Bakit ? Nagbayad naman ako ng upa ah.

San na ako pupunta ? Pano na ako ? Kung kelan mas kinakailangan ko ng matutuluyan tsaka ako mawawalan.

"Come on..." napatingin ako sa nagsalita. Para siyang anghel na nahulog sa lupa. Hot na hot siya na nakasandal sa jaguar niya.

"Tyler..." lumapit siya saken at hinila ako at sinakay sa jaguar niya. "San tayo pupunta ? Kailangan kong humanap ng bagong apartment kaya hindi muna ako sasama say-"

"Sasama ka saken"

"Bakit naman ako sasama sayo ?!" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Pupunta tayo sa bahay ko at doon ka na titira whether you like it or not "

"ANO ?!!!!"

********

"This is your room.." napanganga ako ng makita ko ang kwarto ang ganda. Sobra may veranda pa at aircon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at humiga sa kama at nagpaikot ikot. Ang ganda talaga.

"Ang lambot ng kama!" Tuwang tuwa kong sabi. Umupo siya sa tabi ng kama.

"Im glad you like it" nakangiti niyang sabi saken. "Magpahinga ka na baka mabinat ka" hinalikan niya ako sa noo ko bago siya lumabas.

Pagkalabas niya napatingin ako sa kisame at nagpakawala ng buntong hininga. Kahit na minsan nakakainis siya bigla na lang siyang magpapakita ng side niya na mabuti. Minsan nga para na akong magkakadiabetis sa sobrang kasweetan niya.

Sana hindi siya magbago.

Third Person's POV

Sa isang bulwagan ay nagtitipon tipon ang mga Black Vampire. Sila ay ang mga Vampire na pumapatay ng mga tao. Sila ang kalaban ng White Vampire na kinabibilangan ni Tyler.

"Malapit ng dumating ang Eclipse at kailangan nating pigilan ang tinakda. Kailangan nating patayin ang Legendary Vampire" nanlilisik na mata na sabi ni Israel ang namumuno sa mga ito.

"Pero paano natin ito mapipigilan?" tanong ni Poseidon ang kanang kamay nito.

"Kukunin natin ang pinakamahalagang bagay na iniingatan niya" nakangising saad nito. Naglabasan ang pangil ng mga Bampira at naglikha ng mga nakakatakot na tunog.

Thea's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ng maalala ko na nasa bahay or should I say mansyon  pala ako ni Babe este si Tyler pala hehe.

Tok.Tok.

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Isang matandang lalaki ang bumungad saken. Nakaamericana siyang black. Baka ito ang tatay niya.

"Miss Thea pinapatawag po kayo ni Master handa na po ang umagahan" napangiwi ako sa paraan ng pagkausap niya saken.

"Ah pwede po bang wag niyo akong i-po at pwede po bang wag niyo akong i-Miss. Thea na lang po. Naiilang po kasi ako." Ngumiti siya saken at tumango ginantihan ko rin naman siya ng ngiti. "Ah sino po ba kayo ? Tatay po ba kayo ni Tyler?"

"Hindi Thea ako ang butler niya" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Butler ? Ang taray naman. Pangmalakasan pala yang si Tyler akala ko kasi adik lang sa kanto o rebelde " natatawang sabi ko. Nang mapansin akong nakatingin samin. Napalunok ako ng makita kong nakatayo si Tyler at pinapanood kami. Narinig niya kaya ang mga sinabi ko tungkol sa kanya ?

To be continue...


My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon