.Vampire 6

8 1 0
                                    

Third Person's POV

"Ngayon na ang tinakdang araw para paamuhin ang leon" buong tapang na sabi ni Israel.

"Kukunin natin ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng Tatum na yan !" Dugtong ni Poseidon. Naglikha ng ingay ang mga Black Vampire.

"Panahon na para ang lahi namin natin ang maghari!!!" Galit na galit na sigaw ni Samuel ang kapatid no Israel.

Thea's POV

Nakatingin lang ako kay Tyler habang nagmamaneho siya. Simula kasi kaninang umaga pansin ko na mukhang masama ang timpla niya at pansin ko din na maya maya siyang napapabuntong hininga.

"Tyler may problema ba ?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya ng hindi tumitingin saken. Pakiramdam ko tuloy dahil sa mga sinabi ko tungkol kanina. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga.

"Wag mong isipin na kasalanan mo. It just that.." napatingin ako sa kanya ng hininto niya ang sasabibin niya.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Parang may mangyayaring masama" seryosong sabi niya. Kinabahan naman ako at napasign of the cross ng wala sa oras. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin saken "Huwag kang matakot as long as Im beside you no one can hurt you" napatango na lang ako sa sinabi niya.

**********

Dumaan ang buong maghapon ng walang pumapasok sa utak pano ba naman kasi hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Tyler. Hindi ko rin siya nakita kanina sa school magmula ng dumating kami sa school.

"Nasan ka na ba Tyler?" Mahinang bulong ko habang naglalakad papalabas ng school. Napatingin ako sa paligid ko. Doon ko na lang napansin na ako na lang pala ang tao. Sabagay past 8 na.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaatras ako ng may nakita aking 3 mga kalalakihang nakaitim at nanlilisik na mata na nakatingin saken. Mga adik ba sila ? Nag iba ako ng direksyon pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng may nakita akong 7 mga lalaki na nakaitim.

"A-Anong kailangan n-niyo saken ?" Hindi ko na napigilan at nakaramdam na ako ng takot. Lord tulungan niyo po ako.

Third Person's POV

Napaatras si Thea at umabante naman ang 10 mga kalalakihan hanggang sa hinarangan siya ng mga ito sa daan. Naririnig na niya ang tibok ng puso niya sa sobrang takot. Dahan dahan inilabas ng mga ito ang ngipin at halos panawan siya ng ulirat ng makita ang mga pangil ng mga ito.

"B-Bampira.." nanlalambot ang tuhod ni Thea at anumang oras ay tutumba na siya sa sobrang takot "Ahh!!!" Napakurap siya ng bigla siyang higitin ng isa. Mariin siyang napapikit at hinintay ang susunod na mangyayari.

Ng biglang may humila sa lalaki na nakahawak kay Thea. Napamulat si Thea at napakurap ng ilang beses. Nanlaki ang mata niya ng malamang totoo nga.

Si Tyler sinasakal ang lalaking bampira na humili sa kaniya at katulad ng mga ito may pangil din ito. Napaatras si Thea at ilang beses na napailing. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at kung panaginip man iyon ay sana ay gisingin na siya.

Galit na galit na tinignan ni Tyler ang 9 na mga Black Vampire na natitira pa. Nagbago ang kulay ng mata nito ang dating itim ay naging pula. Isa isang lumapit ang mga Black Vampire at halos isang tirahan lang ni Tyler ay namamatay na ang mga ito. They turn into ashes.

Nang mawala na ang mga ito ay napukaw ng atensyon niya ang babaeng pinakamahalaga sa buhay niya na nakaupo sa sahig at patuloy na umiiyak. Parang tinusok ang puso niya sa nasaksihan niya. Unti unting bumalik ang kaniyang mortal na itsura.

Lumapit siya sa babae at binuhat ito ng walang babala. Wala naman siyang narinig na angal mula dito.

Nang makarating sila sa bahay ay dirediretso lang si Thea sa kwarto niya sinundan naman siya ng tingin ni Tyler.

"Thea.." mahinang tawag niya dito.

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon