Vampire 9

6 1 0
                                    

Dara ->>>>>

Third Person's POV

Magkahawak ang mga kamay nina Tyler at Thea na pumasok sa school. Lahat ng tao ay napapatingin sa kanila. May mga natutuwa at syempre may mga naiinggit din.

"Thea!" Napatingin sina Tyler at Thea sa lalaking papalapit sa kanila na walang iba kundi si Harry. Nagdilim ang mukha ni Tyler ng makitang nginitian ito ni Thea at nagwave pa.

"May ibibigay ako sayo" may kinuha si Harry sa bag niya at kinuha ang isang envelop at binigay kay Thea. Para namang ispiya na tinitignan ni Tyler ang dalawa. "Matutuwa ka sa laman niyan. Ginawa ko ang lahat para diyan" masaya nitong sabi. Napairap naman si Tyler at inkbayan si Thea. Napatingin ang babae sa kanya ng wala sa oras. Pero binalik din agad ang atenayon kay Harry.

"Talaga ? Pero pagpatuloy mo lang yan alang alang sa ekonomiya ng bansa" natatawang sabi ni Thea napatawa din si Harry sa sinabi nito. Habang nagtatawanan ang dalawa hindi na napigilan i Tyler ang sarili at...

"Kung hindi naman nakakahiya sayo pwede bang padaanin muna kami ..." madiin na sabi ni Tyler. Napahinto naman ang dalawa sa kakatawa. Napakunot ang noo ni Thea sa sinabi ni Tyler. Samantala tumango naman si Harry dito at ngumisi.

"So pano ba yan ang taas na agad ng bakod sayo nito. See you around Thea Bye!" Hindi maintindihan ni Thea ang nangyayari sa dalawa. Nang umalis si Harry nag iba na ang mood ni Tyler. Kung kaninang umaga ay ang sweet nito bigla itong naging Cold.

**********

Tahimik na nakaupo sina Tyler at Thea sa bench. Nakaheadset si Tyler samantala si Thea naman ay nagbabasa ng libro pero panaka panakang sinisilip niya si Tyler. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit bigla itong naging cold sa kaniya. Gusto niyang kausapin ito pero baka naman snobin lang siya nito.

Maya maya tumayo si Thea at iniwanan si Tyler na nakapikit na.

********

Habang nakapikit si Tyler pinakikiramdaman niya ang babae. Naramdaman nigang lumapit ito sa kanya kaya naman napangisi siya. Bigla niyang hinila ang kamay nito at pinatungan. Napakunot ang noo niya ng makitang hindi pala ito si Thea kundi si...

"Dara ?!" Dismayado niyang sigaw. Ngumisi si Dara at niyakap si Tyler.

"Yeah its me ! Wala ng iba. Ikaw ha hindi ko alam na aggressive ka pala. Namiss mo ba ako ?" Tuwang tuwang sabi nito. Tumayo si Tyler at napairap sa sinabi nito. Akmang aalis na siya ng bigla itong sumabit sa braso niya "Hay kanina lang hinihila hila mo ko tapos ngayon pairap irap ka diyan. Bipolar ka talaga pero kahit na ganun love pa din kita" yumakap ito kay Tyler ng mahigpit.

"T-Tyler.." nanlaki ang mata ni Tyler ng marinig ang tinig na yun. Nakita niya si Thea na nakatingin sa kanilang dalawa. Kinabahan siya ng makitang aalis na ito.

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon