Vampire 13

5 1 0
                                    


Third Person's POV

Kasalukuyang nag gogrocery si Leah na pinsan ni Thea sa isang supermarket ng makita niya si Harry. Matagal ng kilala ni Leah si Harry dahil naikukwento ito ni Thea sa kaniya dati at nagkabonding na din sila.

"Long time no see Ate Leah" nakangiting bati ni Harry dito.

"Harry kamusta na ?" Nakangiting bati nito.

"Ate Leah pwede ba kitang makausap"

"Tungkol san ?"

"Its about Thea"

Pumunta sila sa isang coffee shop at umorder ng kanilang mga pagkain.

"Im worried about Thea Ate Leah.." tumango lang si Leah dahil kahit siya ay nag aalala din dito "Kung mas tatagal pa siya sa puder ni Tyler mahihirapan siyang magpaalam dito"

"Naisip ko din yan Harry pero sa tingin ko si Thea ang may karapatang magdesisyon para sa sarili niya. Mahal ko ang pinsan ko tinuring ko na siyang kapatid ko at alam kong kahit ako ay mahihirapan sa pag nawala na siya. Pero alam kong mas mahihirapan si Tyler dahil kapag kinulwento siya saken ni Thea naramdaman ko dun na mahal na mahal niya ang pinsan ko" malungkot nitong sabi.

"Nag aalala lang ako sa posibleng mangyari. Umaasa pa din ako na magtatagal ang buhay niya."

"Mahal mo talaga ang pinsan ko nuh?" Panandaliang natigilan si Harry sa sinabi nito pero ng makabawi ay dahan dahan siyang tumango "Nung una kitang nakita kasama ang pinsan ko nahalata ko agad na mahal mo siya kung paano mo siya alagaan at tignan damang dama ko yun. Pero nalulungkot lang ako dahil hindi ikaw ang mahal niya" malungkot lang na napangiti si Harry.

"As long as masaya siya masaya na din ako kahit na hindi ako ang mahal niya. Ganun ko siya kamahal"

"Sa tingin ko kailangan na nating pilitin si Thea na sabihin kay Tyler ang totoo. May karapatan si Tyler na malaman yun" tumango tango lang si Leah sa sinabi nito.

Thea's POV

Nasa biyahe kami ngayon ni Tyler. Papunta kasi kami sa mansyon ng mga magulang niya para ipakilala ako. Sabi ni Tyler kilala daw ako ng ama niya kasi kinukwento daw niya ako dati yung ina niya kaya kilala ako? Baka hindi nila ako magustuhan at bigla na lang kagatin.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Stop thinking nonsense" ngumiti lang ako sa kaniya. Alam ko naman na nababasa niya ang iniisip ng mga tao at ewan ko ba hindi ko rin maipaliwanag kasi pag iniisip ko ang tungkol sa kundisyon ko hindi niya yun mabasa.

"Eh sa sobra akong kinakabahan eh baka mamaya niyan bigla na lang nila akong hilahin tapos ipakain sa mga bampira dun" nakanguso kong sabi sa kanya. Mahina naman siyang napatawa sa sinabi ko.

"Dont think so much Babe I promise they will like you"

*******

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng mansyon nila. Lahat ng mga nakikita mga hindi marurunong ngumiti. Para na silang mga poste eh.

May nakita akong isang medyo may edad na babae at lalaki na bumaba ng hagdan. Pero kahit na may edad na sila taglay pa din nila ang kanilang kagandahan at kagwapohan.

"Hi Mother , Father" nakangiting bati ni Tyler sa mga ito. So iyon pala ang magulang niya. Infairness hindi na ako magtataka kung bakit sobrang gwapo ni Tyler. Ngumiti yung Mama niya at Papa niya.

"Whos this fine lady?" Nakangiting tanong ng Mama niya. Inakbayan ako ni Tyler at..

"Mother, this is Thea Fuentabella the one that I love " pakilala niya saken. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ngumiti saken ang Mama niya at kinuha ang dalawang kamay ko.

"From now on call me Mother ha . " ngumiti ako sa kanya at tumango. Sa loob ng ilang taon pakiramdam ko nagkaramdaman ko ulit ang magkaroon ng ina. "What happened to your mother?" Nagtaka ako sa sinabi niya pero agad din naman nawala ang pagtataka ko ng maalalang may kakayahan pala silang bumasa ng iniisip.

"Namatay po siya nung bata pa ako.." malungkot na sabi ko. Naramdaman ko namang hinaplos haplos ni Tyler ang likod ko.

"Oh Im sorry to heard that pero bakit ba namatay ang Nanay mo?"

"Meron po kasi siyang Leu-.." napakunot ang noo nila sa pagputol ko sa sinabi ko kaya naman "N-Nagkasakit po siya ng Leu-Leukemia" tumango siya at laking gulat ko ng hinila niya ako at niyakap. Ewan ko ba pero gumaan yung pakiramdam ko nung niyakap niya ako. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at yumakap din sa kaniya.

"Hello Ija Im Jacob father of Tyler." Nakangiti niyang pakilala saken.

"Oh I almost forgot Im Sarah" natatawang sabi ng Nanay niya.

******

Third Person's POV

Pagkatapos nilang kumain sa mansyon nina Tyler ay umuwi na sila. Dumiretso si Tyler sa kusina at uminom ng tubig. Samantala dumiretso si Thea sa kwarto. Biglang sumakit ang ulo niya parang umiikot ang mundo niya. Napahawak siya sa ilong niya ng makitang may dugo. Agad na tinambol ng kaba ang puso niya. ...

Then everything went black...

Pagkatapos maligo ni Tyler ay napagdesisyunan niyang pumunta na sa kwarto ni Thea. Pero halos mawala ang kulay ng mukha niya ng bumungad sa kaniya ang walang malay na si Thea at may dugo.

Nasinghot niya ang dugo nito na parang inaakit siya. Pilit niyang pinipigilan iyon. Dahil mas kailangan siya ng babaeng mahal niya. Natatakot siya na baka dahil sa kapusukan niya sa dugo ay mawala ang babaeng mahal niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na binuhat niya ang babae at dinala sa hospital. Punong puno ng takot ang nararamdaman ni Tyler dahil natatakot siya na baka mawala ito sa kanya.

To be continue...

My 100 days with a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon