Chapter ONE

813 24 0
                                    


Si Nicomaine

Maaga akong nagising kanina. Kung pwede lang na hatakin yung oras para mag dapit hapon na, malamang na ginawa ko na. Kung pwede lang din ako na matulog buong maghapon, yun na lang yung gagawin ko. Pero hindi pwede. Kailangan gawin ko yung responsibilidad ko sa bahay. Ilang sandali pa...

"Nicomaine" tawag ni Lola. "Nicomaine, gising ka na ba?" sabay ng pagtatanong nya yung pagkatok nya sa pinto.

"Opo Lola" sagot ko. Medyo husky pa yung boses ko dahil nga kakagising ko pa lang.

"Bumangon ka na at nakahanda na yung almusal" paganyaya niya.

Bumangon ako pero hindi ako umalis ng kama. Umupo ako at niyakap ko yung dalawang binti ko. Ang sarap ng Sabado sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa orasan. Wala pang alas-otso, pero usually, mas maaga ako nagigising. Medyo napuyat ako kagabi kasi tinapos ko na yung mga assignment ko sa school para wala na akong aalahanin sa buong weekend. Saka syempre, kailangang may gawin ako kagabi kasi kung hindi, wala marahil akong tulog dahil sa excitement.

Excited ako kasi uuwi sina Nanay at Tatay mamaya. Galing Rome kung saan sila nagtatrabaho kasama yung mga kapatid ko. Almost six years na nung huling umuwi sila ni Tatay, per oms special ngayon kasi, kasama yung mga kapatid ko. Close family naman kami, pero syempre, iba pa rin yung excitement na dadating yung mga magulang mo kesa yung mga kapatid mo. Joke! Hindi naman malalaman nina Nicolette, Nicoleen at Dean.

Opo, service providers po ang mga pamilya ko sa Rome. SI Nanay at Tatay, almost twenty-five years na doon. Made in Rome nga ako at kailangan lang umuwi dito si Nanay nung ipanganak ako at si bunso – si Dynn. Isa isa na napunta dun yung mga kapatid ko bago pa man sila mag-eighteen, at nung legal na silang magtrabaho, lahat sila, nagkatrabaho na. Pero maganda na yung buhay nila doon. Kaya naman ako at si Dynn, may choice kung gusto naming pumunta doon at tumira kasama sina Nanay or magtapos mag-aral dito. Nakapag-aral naman sina ate at kuya, pero syempre, hindi kagaya ko at ni bunso na parehong nasa exclusive school.

Pero syempre, inisip ko pa rin na walang makakatalo sa pamilya pag sama sama. Kaya rin umuwi yung buong pamilya ko para after thirty days na bakasyon (na hindi ko alam kung paanong himala at pinayagan sila ng kani kanilang mga amo s apare parehong schedule), sasama na ako sa kanila. Si bunso naman, after a year, pwede na i-petition. Siguradong maaapprove naman kasi nga, halos lahat na kami eh nandun na.

Pero ayaw nina Nanay na tumigil ako sa school bago matapos yung thirty days na bakasyon. Nakiusap na ako sa mga teachers ko na i-advance na nila yung assignment ko para mabigyan nila ako ng advance na grades. Yung ibang subjects, okay lang naman. Isa lang talaga yung problema ko. Ten days na parang OJT sa isang corporate setting.

OMG! Nakalimutan ko palang i-email kagabi yung office na pinagtanungan ko kagabi! Last chance ko na iyon at pag hindi ako payagan doon, malamang lang na magiging incomplete yung grades ko. Hassle kasi siguradong hindi ako magkakaroon ng matinong transcript pag may incomplete. Baka akala nung college na pagtutuluyan ko sa Rome eh hindi ko nakumpleto ito kasi tamad tamad ako. Hassle!

"Nicomaine" tawag ulit ni Lola. "Lalamig yung pagkain" at kumatok ulit.

Napatayo ako sa kama nung marinig ko yung katok. Ibig sabihin, umakyat na naman ng hagdan si Lola. Baka naman mahulog pa yun.

"Opo Lola" at dali-dali kong binuksan yung pinto. Nakita ko na pababa na ulit ng hagdan pero agad kong inalalayan sabay akbay-yakap. "Good morning Lola" bati ko sa kanya.

"Magandang umaga Apo" sagot naman habang sabay kaming bumababa ng mabagal sa hagdan. "Nakatulog ka ba ng husto?" tanong nya.

"Hindi nga po Lola" sabi ko. "Malamang lokohin na naman ako nina Ate mamya kasi anlaki ng eye bags ko pagsalubong natin mamaya".

Huminto si Lola. Dalawang hakbang pa. Tinignan ako. "Kahit malaki eye bag mo Apo", hinalikan ako sa noo, "napakaganda mo pa din".

Medyo nangilid yung luha ko. Hindi dahil sa na-touch ako sa comment ni Lola kundi, alam ko na matatagalan na ulit bago nya ako mahalikan pag lipad namin papunta sa Italya. Ayaw naman kasi lumipad nito sa Roma kasi wala daw maiiwan sa amin ni Dynn para mag-alaga.

"Huwag kang mag-alala Apo" hawak nya yung mukha ko. "Dadalawin kita doon" sabi nya. Nabasa nya yung iniisip ko kasi pati sya ay nalungkot. Tumulo yung luha sa kanang pisngi ko kasi hindi ko na napigil. Pinunasan nya ito ng nakangiti. Niyakap ko si Lola at damang dama ko yung pagmamahal niya sa amin.

Bumaba kami sa hagdan at tumuloy sa mesang kainan. May gatas ulit ng kalabaw. Ayos, favorite! Yung sinangag na kanin, itlog, ham, sardinas at hotdog, nakahain na. Yung ibang ulam, lumamig na kasi nga, hindi pa ako bumaba kanina nung tinawag ako ni Lola.

Pero wala sa akin yung lamig nung pagkain. Punong puno ako ng init sa pagmamahal ni Lola. Punong puno nung pagmamahal yung bahay na naipundar at napalaki ng pagtatrabaho ng mga magulang ko. Inalagan naman ni lola ng buong puso. Noong namatay si Lolo nung maliit pa kami, ito na yung nagsilbing pahingahan at pinagkukunananya ng lakas.

"Nasan pala si Dynn Lola?" tanong ko.

"Maagang umalis at may project daw sa school" sagot ni Lola habang hinahainan ako ng kanin. Gusto nya na siya yung naglalagay ng pagkain, at pag nilagyan kami ni Dynn ng pagkain sa pinggan, dapat uubusin namin. Kaya natuto kaming magkapatid sa mabuting asal at paggabay ni Lola. SIguradong babaha ng luha sa airport pag hinatid ako ni Lola paalis.

"Aalis din pala ako pagkakain". Lagay ng itlog sa plato ko. "Dumating yung kaibigan kong galing Laguna at ipapasyal ko sa bayan" lagay ng hotdog at sardinas. Tapos nilagyan ako ng gatas ng kalabaw sa tasa. Mainit init pa. Sigurado akong iniinit muna bago ako tawagin para kumain.

"Wow Lola, talagang tour guide talaga ang peg ha?" sabi ko. "Sasamahan ka ba ni Ate Ludy?" tanong ko. Si Ate Ludy yung kasambahay namin na lumaki na sa amin. Siya yung pinakapaborito ni Lola kasi pwede nyang gawing bodyguard, taga buhat at minsan, tricycle driver din.

"Oo, isasama ko para makapasyal din" sabi ni Lola. "Kaya pinaligo ko na ng maaga at pinauna ko ng magalmusal, para wala ng matagal na intayan pag tapos nating kumain".

"Hindi na po ako sasama Lola ha?" sabi ko. Alam ko naman na pag niyaya ako nito, wala naman ako choice. Pero parang hindi pa kumpleto yung tulog ko. O Kaya baka magsulat na lang ako sa journal. Tula tula, ganun.

"Wala namang problema at hindi mo naman kilala yung kaibigan ko" sabi ni Lola. "Pero Nicomaine, ikaw na yung maghugas ng pinggan" utos nito.

"Wala pong problema" sabi ko habang ngumunguya. Hindi naman ako pinalaking sosyal ni Lola. Kaya naming magkapatid na gumawa ng gawaing bahay at kahit wala kaming kasambahay, mairaraos naman naming ang maghapon. Siguro nga lang at dadayain ako nitong si Dynn sa paghuhugas ng pinggan pero itatambak ko naman sa kanya ang mga damit ko para plantsahin.

Nagpaalam na si Lola pagkakain. Sinabi niya na babalik sila ni Ate Ludy bago mananghali at ibibili nya ako ng paborito kong lugaw tokwa't baboy sa palengke. May nakahanda ng ulam sa ref at pwede ko naming initin iyon kung sakaling medyo matraffic sila o masarap ang pagkukwentuhan.

Pagkahugas ko ng pinggan, diretso na ako pabalik sa kwarto. Kinuha ko yung notebook ko na ginagawa kong journal at nagsimula na akong humabi ng salita para makagawa ng tula.

Bakit ang pagmamahal

Parang pugad sa sanga

Ng isang puno na binubuo

Ng pamilya ng maya?

Kung lumaki ang inakay

At pakpak ay tumibay,

Isasama kaya ang pagibig ng pugad

Sa kanilang paglalakbay?


#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon