Chapter TWENTY SEVEN

211 11 0
                                    

Si Nicomaine


Perfect. Iyun yung salitang makakapagdescribe nung araw na ito. Nakarating kami sa resort na ligtas, maganda yung sikat nung araw, kumpleto lahat ng mga mahal ko sa buhay at siyempre, magkasama kami ni Richard.

Holding hands sa beach while wearing yellow.

Nakita ko na naman yung katawan nitong si Richard. Iba doon sa tapat pa ng simbahan. Pero iba pala pag malapitan saka yung matagal na nakabilad sa araw yung katawan. Noon kasi, parang pinatakam lang ako. Siguro dahil nga sa sa harap ng bahay ng Diyos nangyari yung pagpapakita ng laman, kaya kahit nakakilig, hindi yung katulad ngayon.

Sobrang sarap nung feeling na damang dama yung pagmamahal ngayong kasama ko si Richard. Siguro din nakatulong na konti lang yung damit namin. Mas close kami sa isa't isa. Walang naghihiwalay sa amin --- damit, sikreto, hanash, wala. Buo yung tiwala namin na ngayon na magkasama kami, walang kahit anong makakapaghiwalay sa amin.

Pero ang daya nitong si Richard. Ilang beses nagnakaw ng halik sa akin. Tapos itinataon pa na hindi ako nakatingin. Diyos ko, kababae kong tao, nananamantala. Ako naman, walang magawa kundi magpaubaya. O minsan naman, gumaganti din ng halik. Pero ayaw namang magreklamo nitong lalaking ito. Kahit halikan mo ng paulit ulit, hindi naman nagrereklamo. Nakakainis.

Pero hindi naman nagrequest na magtama yung lips namin. Madami naman akong maisip na dahilan kung bakit. Una, syempre dahil kasama ko yung pamilya ko, dapat padamahin muna niya yung mga ito na good boy siya. Nakapuntos na siya dun sa ginawa niya kagabi, ang corny naman kung mababawasan siya ng puntos. Bawas pogi points. Pero in fairness, ambango.

Pangalawa, hindi pa nga kami. Informal pa rin kami sa harap ng mga magulang ko, although andaming times na nagparinig itong si Richard. Ewan ko naman sa mga magulang ko, ang slow makapick up. Siguro dapat talaga ispelengin ng malinaw sa kanila.

Pangatlo, hindi rin siguro magaattempt itong si Ricahrd makipag lips-to-lips sa akin kasi nga, ansikip nung swimming trunks. Oras na may gawin pa siyang ikakasikip nung trunks na, malamang sa may mageskandalo. Malamang magsisigaw ako. Malamang mapaghubad din ako.

Ano ba Menggay, ang landi mo!

Pero okay din naman itong naglalakad kami sa tabing dagat na magka holding hands. Kaya minsan, natutuwa ako pag may mga matatanda na magkahawak ng kamay na nakikita ko sa lansangan. Kasi alam mo na mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Masaya ka Meng?" tanong ni Richard. Napakagaling out of nowhere naman yung tanong.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Parang hindi" sagot niya.

"Paano mo nasabing hindi?" tanong ko ulit.

"Kasi naman, suot suot mo yung katerno nung gown na kulay dilaw mong swinsuit" tukso niya.

Kinurot ko sa tagiliran. Ang tigas ng muscles. Walang fats. Naghabulan kami na parang kami lang yung dalawang taong naiwan sa mundo.

"My God, Richard, may nakalusot sa trunks mo!" sabi ko.

Agad naman tinakpan yung harapan niya sabay takbo sa tubig. Kahit ayaw niyang magbasa, napilitan siyang umupo sa dagat para maitago yung sinabi kong nakalusot sa trunks niya.

"Wala naman ah!" sabi niya, parang may kinakapa kapa sa ilalim ng tubig.

"Meron, yung tarheta nung trunks!" sabi ko. "Ano bang akala mo?" at nagtatawa akong bumalik sa cottage namin,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon