Chapter THREE

217 12 0
                                    




           

Si NicoMaine

Ang daming tao sa airport.  Siguro madaming kasabay uuwi sina Nanay galing Rome. O baka kaya madami lang pera ang mga tao at naisipan nilang mamasyal sa ibat-iabng panig ng mundo.  Tapos ngayon sila uuwi.  Baka rin madami lang tao pero karamihan sa kanila, susundo lang.  Wala pa nga yung eroplano, halos puno na yung waiting area na malapit sa arrival hall.

Nagarkila kami ng van sa kapitbahay.  Si Ka Gerry yung driver.  Mabait at mapagkakatiwalaan naman si Ka Gerry, na kahit noon pa eh inaarkila na ng pamilya namin.  Hindi nga bago yung sasakyan pero maasahan.  Nung isugod namin si Lola sa ospital dahil biglang nahilo at nanghina, ni-cancel ni Ka Gerry yung hatid nya sa airport para lang tulungan kami.

'Wala pa ba Nicomaine?" tanong ni Lola.  Siguro pang labing anim na beses na nya ako tinatanong.  Sinabi ko naman kasi na magintay na lang sa sasakyan para at least may aircon habang naghihintay pero tumanggi at nagpilit sumama sa intayan ng mga kamaganak na nagaabang.  Mainit at madaming tao.  Pero may wifi.

"Wala pa po" sabi ko.  Kasalukuyan kong iniemail yung kumpanya na sana eh mapag OJT-han ko ng sampung araw.  Nakatulugan ko kagabi yung deadline.  Sana sa Lunes pa sila magbasa ng email para hindi masyado halata na Sabado na ng hapon ko naipadala yung request ko.  Yung ibang mga kaklase ko, Martes pa lang, nagpadala na ng request.  Kayo na ang mga pabibo.

"Ate, okay lang ba kung sa sasakyan na lang ako maghihintay?" tanong ni bunso.  "Kawawa naman si Ka Gerry, walang makausap doon".

"Hoy Nico Dynn" saway ni Lola.  "Huwag kang umalis dito.  Syempre gusto ng mga magulang mo na makita kayong mga anak.  Hayaan mo si Gerry, baka namamasyal lang yun sa paligid ligid.

May point naman si Lola.  Kung ako din magulang, gugustuhin ko na makita agad na kumpleto yung buong pamilya ko.  Ang sarap siguro ng feeling na makikita mo yung lahat ng anak mo.  Napangiti ako. 

Hoy Menggay! Anong anak anak agad yung pinagiisip mo? Tanong ko sa sarili ko.   Tiyak na may kurot at pingot ka kung narinig ni Lola yung mga pinagsasabi mo sa sarili mo.  Aral muna bago lovelife. Pasok sa banga!

Wala pang isang oras, magkakayakap na ang pamilya namin.  Hindi delayed yung flight na nagstop over pa sa Qatar at dahil excited masyado, nangunguna silang lahat sa Immigration at paglabas ng terminal gate.  Parang kabisado ni Nanay at Tatay kung saan kami hahanapin.

Puro iyak si Lola habang niyayakap ang anak nya at mga apo.  "Akala ko hindi nyo na ako aabutan" ang drama.  Siyempre iwas sa mga ganoon kalungkot na topic sina Nanay.  Puro yakap at halik ang isinusukli sa mga luha ni Lola.

Ang daming bagahe!  Kumusta naman?  At siyempre, hindi mawawala ang napakalaking TV na nabili daw nila sa stop over.  Sana sa kwarto ko ilagay yung 60 inches yata na TV pero si Dynn lang ang makikinabang.  Walang hilig manuod si Lola at mas gustong nagbabasa ng balita.  Minsan, pinapabasa ko yung mga nagagawa kong tula at sinasabi niyang magiging sikat na manunulat ako pagdating ng araw.

"Menggay" tawag ni Nanay sa akin.  "Kumpleto na ba yung school requirements mo para sa tansfers?"

"Nay, Maine na po ako ngayon" nakangiti kong sabi.  "Konti na lang yung mga documents na kailangan sa school pero matatapos ko iyon" sabi ko.

"Ikaw pa din ang baby Menggay ko" at yakap na naman.  Mukhang lamog yata ang katawan ko ngayon.  Hindi bale, yayayain ko na alng sina ate magpa spa at masahe bukas.  Sila naman magbabayad.

Speaking of kapatid, natuwa ako ng sobra nung malaman ko na buntis si Ate Colette. Hindi pa lang nga nakasal at iniintay pa na matapos yung mga papers ng mga magulang ni John (yata yung name) pero pinagpaplanuhan na yung mangyayaring wedding.  Boto naman si Nanay at Tatay asi kilala naman nila yung pamilya nina John sa Roma.

Pinaliwanag din namin kay Lola yung sitwasyon.  Syempre, ayaw naming na isipin ni Lola na nadisgrasya si Ate, pero nakakapagtaka na tanggap nya yung mga pangyayari.  Kasi naman, hindi na din bata itong si Ate Colette. 

Nakauwi din kami sa wakas matapos tatlong beses pilit pagkasyahin yung mga maleta sa van ni Ka Gerry.  Pero ang pinoy, maparaan.  Kung gustong makauwi, uuwi.  Kung gustong magkasya yung siyam na tao sa van kasama yung higanteng mga maleta, kayang kaya.  Tiis nga lang sa pag-upo na siksikan pero mas gusto namin yun kasi malapit kaming magkakayakap.

Isang oras matapos makarating sa aming abang tahanan sa Sta Maria, Bulacan, nakahain na ang hapunan.  Si Ate Ludy at si Lola ang naghanda ng putahe kaya alam ko na sobrang sarap nitong nakahain sa malaking mesa.

Fresh ang mga pagkaing dagat na dinayo pa nila sa Hagonoy at yung mga gulay at prutas, di ako magtataka kung kakapitas at kakaani pa lang sa kalapit bayan.  May ulam na karne ng baka, baboy at manok.  May isda, sugpo, tahong, alimasag at talangka.  Buffet ito.  Period.

Siguro ay naamoy yung nakahain, napakabilis magsibabaan ni Nanay, Tatay at Dean (na kasama ni bunso sa kwarto).  Yung mga babae, syempre may pa "freshen up" pang nalalaman pero feeling ko naman eh nasa banyo at naglalabas ng kung ano man.  Iyon yung hirap sa mahabang byahe.

"Magbebeach ba tayo Nay?" tanong ni bunso.  Napakahilig sa tubig ng batang ito.  Wala namang abs pero mahilig lang talagang lumangoy.

"Aba'y kung gusto, eh di magbeach" sagot ni Nanay.  Sarap maging bunso.  Hingi kaya ako ng kotse?

"Basta tawagan niyo na si Gerry para hindi na sya tumanggap ng mga arkila sa iba" sabi ni Tatay.

"Patawagan niyo kay Ate Ludy" sabi ko.  "Lovelife nya yata iyon". Tawanan.

"Ayaw nga yata sa akin" sabi ni Ate Ludy.  "Pinapaamo ko pa" at nagkatawanan na naman ang lahat.

Si Lola, tahimik.  Pero bakas sa mukha yung kaligayahan.  "Pero huwag nyong kalimutan na pupunta tayo sa Manaoag para magpasalamat ha?" suhestyon nya.

"Oo naman Lola" sabi ni Ate Colette.  "Para din po mabasbasan itong bata sa sinapupunan ko" sabay hawak ng tiyan na akala mo naman eh halata na.  Sexy pa din yung kapatid ko.  Saka three months pa lang yung baby, anu ba!

"Saka nga pala" pagpapatuloy ni Lola.  "Nakausap ko yung kaibigan at kababata ko kaninang umaga".  Nagkatinginan kami ni Ate Ludy.  Nagsabi ng "sorry" na walang tunog.  At ako ay lalong na-curious.  "Tradisyon daw sa kanila na magkaroon ng Sagala na ang mga reynang dalaga ay hindi taga lugar nila." Patuloy nya.  "Kaya sinabi ko na bilang panata sa ligtas na paglalakbay at magandang buhay sa Italya eh ipinirisinta ko si NicoMaine at Colette" para maging dalawa sa mga reyna.

Nagulat ako. Slight.  Kaya naman nakanganga ako hang susubo sana ng kanin, kare-kare at bagoong. 

"Pero" hinawakan ni Lola yung kamay ni Ate Colette, "dahil sa may anak na sa sinapupunan si Colette, si Nicomaine na lang yung ipaparada natin".

Gulat man ako at ayoko mang pumarada sa kalsada, sino naman ako para tumanggi kay Lola?  Sa sobrang daming paghihirap sa amin ni Lola sa pagpapalaki at paggabay, ano ba naman yung pumarada ka isang gabi?  Yun nga lang, mapupuno ang social media ng comments at haters.  Pero ako na bahalang dumiskarte sa mga kapatid ko dun.

"Wala po akong damit Lola" sabi ko na lang.  Baka pwede pang umurong.

"Ako ang bahala" sagot ni lola.  "Inorder ko na patahian ka" nakangiti nitong sabi.

"Saan nga pala mangyayari yung sagala Lola?" tanong ni Dean?

"Malayo kaya kailangan natin si Gerry ulet" sabi ni Lola. "Sa Santa Rosa, Laguna".

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon