Chapter THIRTEEN

137 11 0
                                    

Si Nicomaine


Natapos yung morning session ng orientation ng hindi ko namamalayan. Puro kasi kalokohan itong si Nate sa mga side comments nya bawat presentation. Pero in fairness, naintindihan namin ni Pochoy ng mabuti yung mga company processes and policies dahil medyo light yung discussion. May mga kasama kaming iba na tila naaaliw din kay Nate.

Sabay sabay kaming mag-lunch kasama si Richard. Mabilis lang yung pagkain namin dahil may meeting sina Nate ng 1PM. Dahil saktong alas dose kami natapos ng morning orientation, nasabay kami sa mga kainan ng lahat ng opisina sa Makati. Buti na lang at may maliit na Japanese restaurant na nakatago sa likod ng isang building at doon kami niyaya ni Nate. Sakto, may ilang table pang bakante.

"Hindi ka ba pinahirapan ni Nate sa orientation?" tanong ni Richard.

"Hindi naman kasi tinutulungan nya naman kami na maintindihan yung information about the company" sabi ko. Nagorder lang ako ng California maki.

"Paano ko papahirapan yan Richard, eh halos minu-minuto kang nagmemessage sa akin na wag kong pababayaan si Maine" pambubuko ni Nate.

"Talaga lang ha?" tanong ni Pochoy. "Ako ba? Hindi nya kinukumusta kung okay ako?" sabay ngiti kay Richard. Nagramen si Pochoy. Gutom daw sya kakapakinig kay Nate.

Nung tignan ko si Richard, nagba-blush! Ang pula pula ng tenga at pisngi. Siguro automatic din na lumalabas yung biloy pag tinutukso.

"Ganern?!" biro ko. "First day pa lang ng OJT tapos under surveillance na agad?! Baka naman mag-resign na ako kaagad nyan!"

"Hoy!" bawi ni Richard, "maawa ka sa amin ha? Muntik na kaming masisante ni Nate kung wala kaming naipresent na OJT-intern by lunch time today". Tumingin sya kay Nate. "Lunchtime yung deadline Nate, baka naman hindi mo naisubmit yung name ni Maine saka yung request for budget ha?"

"Ako pa ba Richard?" sabi ni Nate. "First thing in the morning ko pa naisubmit".

"Ibig sabihin" sabi ni Richard, parang nagiisip, "Kanina pang umaga alam nyo na, na si Maine yung magiging OJT?" tanong niya.

"Kagabi pa" sabay na sabi ni Pochoy at Nate. Nag-apir na naman yung dalawa at sabay nagtawanan.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ulit ni Richard.

"Kasi naman" sabi ni Nate "kung sasabihin ko sa iyo, siguradong hindi ka makakatulog." Pagbibiro nito. "Kagabi nga, sa bus paluwas, puro yung sagala yung topic mo".

Tinignan ko si Richard, blushing ulit.

Feeling ko, nagba-blush din ako.

"Besh" sabi ni Pochoy, "Parang kailangan kong iretouch yung make-up mo sa pisngi pagkakakain". Kinurot yung kanang pisngi ko. "Masyadong namumula". Nagtawanan ulit yung dalawa.

Pagkakain (na libre ni Richard), sinabihan kami ni Nate na bumalik na lang sa conference room ng 1:30PM. May forty minutes pa kami ni Pochoy kaya kape-kape muna.

"Masaya ka Besh?" tanong ni Pochoy habang nakaupo kami at nagiintay na lumamig yung kape na inorder namin.

"Oo naman!" mabilis kong sagot. "Imagine, wala na akong problema ngayon kasi mako-complete ko na yung requirements ng school".

"Gaga, hindi yun" sabi ni Pochoy. "Si Richard". Kumindat pa.

"Hoy Pochoy, huwag ka nga!" sabi ko. "May hitsura, may magandang ugali, may magandang trabaho. Pero hanggang doon lang muna" patuloy ko.

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon