Chapter TEN

142 9 0
                                    

Si Richard


Nakita ko siya. Ipinagdasal ko na makita ko siya ulit matapos syang hatakin ng mga kapatid nya. Akala ko nagmamadali silang umuwi. Akala ko, iyon na yung huling pagkikita namin nung gabing iyon. Medyo masama sa loob kasi hindi man lang ako nakapagpaalam at nakapag pasalamat. Nakakainis kasi,  nagpasalamat siya sa akin.   Ako hindi. Gusto ko lang makita ulit sya.

At heto sya, nakatingin sa akin mula sa malayo. Hindi naman kalayuan. Mga anim na metro. Biglang lumabas doon sa mga nagkalat na tao. Nakahinto sya ngayon. Nakatingin sa akin. Nakanganga ng kaunti. Tapos biglang tumalikod at tumakbo.

"Sheeet!" sabi ko. Naalala ko na nakahubad nga pala ako at magpapalit ng damit. Hindi ko pa lang isinuot yung damit ko kasi baka patuloy pa din yung pagpawis ko, eh iyon yung isusuot ko paluwas ng Maynila. Nakahubad akong nakita ni Maine.

Nag-isip ako kung magdadamit pa ba ako o hahabol na sa kanya. Tumingin ako at hindi ko nakita yung t-shirt kaya diretso na ako sa pagtakbo. Nakita ko na sumunod si Nate at yung kaibigan ni Maine. Si Lola ay naiwan at itinupi yung tuwalyang siya yung nag-abot sa akin para pampahid ng pawis.

Naabutan ko sya na nakahinto malapit sa pinto ng simbahan. Naghahabol ng hininga.

"Maine" tawag ko.

Lumingon siya. Nung nakita ulit na nakahubad ako, tumalikod ulit. Lumapit ako pero hindi ko magawang pumunta sa harap niya. Nahihiya man ako na nagtatakbo ako sa harap ng simbahan ng hubad, kailangang gawin koi to dahil pinagbigyan yung hiling ko.

Hahawakan ko na sana yung balikat nya ng may humawak sa balikat ko. T-shirt. Hawak ni Pochoy na ngayon eh nakahubad at may maliit na tuwalya na nagtatakip sa katawan nya. Daglian kong isinuot at pumunta sa harap ni Maine.

"Exhibitionist talaga, Richard?" tanong ni Maine.  Parang namumula pa yung mga pisngi sa kahihiyan na ako naman yung may gawa.

"Sorry" sabi ko. "Hindi ko naisip na magpapakita ka". Nakatingin ako sa mata nya ngayon. Ang ganda. Sa sobrang ganda, para akong malulunod. Yung puso ko parang lumalangoy.

"Siyempre magpapaalam ako sa iyo ng personal" sabi nya ng nakangiti. Para akong kinikiliti. Parang may umiihip sa puso ko na tumatagos sa kilikili ko. Ang sarap ng pakiramdam.

"Maine, can I have your... number?" tanong ko. Masyado ng limited yung oras namin at gusto ko kahit bukas o sa mga susunod na araw, magkakausap pa din kami.

"Oo naman" at ibinigay niya. Siya pa yung nagtype sa phone ko at pag soli nya, nagkadikit yung daliri ng mga kamay namin. Para akong kinakapos ng hininga sa sobrang kaligayahan.

"Ehem ehem" sabi ni Nate. "So ano, ganito na lang kami at naghihintay sa mga "da-moves" nyo ganun?"

"Beshie, magpicture nga muna kayo please?" sabi ni Pochoy. Noon lang nakita ni Maine na suot ko yung t-shirt ni Pochoy. "Okay lang ba Richard?" tanong nya sa akin.

"Oo naman" sabi ko. Nakangiti ako all the time dahil sobrang saya ko. At nagpose na kami ni Maine para kuhanan ng picture nina Nate.

"Richard, pwede akbay ka kay Maine? Okay lang Maine?" tanong ni Nate. Tumango lang si Maine. Nilagay ko yung braso ko sa balikat nya. Ngiti ngiti sa picture. Wacky daw pero puro dimples lang ang alam ko.

Pero nanlaki yung mata ko nung naramdaman kong ilagay ni Maine yung kamay nya sa bewang ko. Nakuhanan kaya yun? Mukhang awkward yung facial expression ko sa pagkagulat.

Matapos noon, nakita namin yung driver nila Maine na tinatawag na sila ni Pochoy.

Pasunod na sa sasakyan si Maine ng hatakin ko at hawakan ko sa kamay. Yes!!!   Hindi ko alam kung ano yung nagpalakas sa loob ko pero hinawakan ko sya sa kamay. "Salamat Menggay".

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon