Chapter FIVE

165 12 0
                                    

Si Nicomaine


"Enebe Pochoy!" bungad ko pagbaba ng hagdan ng makita ko yung gown na hawak hawak ni Beshie. Hindi man ako masilaw, hindi naman mapagkakaila na pagtitinginan ako sa sagala mamayang gabi. "Akala ko ba gold yung gown?" tanong ko.

Medyo kinakapos ako ng hininga habang iniisip ko yung sasabihin ng tao pag nakita nilang nakasuot sa akin yung gown. Malamang pagpyestahan ako sa social media ng mga tao sa Laguna matapos may magpost ng picture ko mamayang gabi sa prusisyon.

"Sorry Beshie ha?" paghingi ng paumanhin ni Pochoy. "Yung gown kasi na ni-reserve ni Lola mo, XL pala yun. Nung sinabi na mamaya na pala yung sagala, nagwalk out yung mananahi at hindi daw nya kayang mag-alter ng ganun kabilis" paliwanag ni Pochoy.

Kababata ko si Pochoy. Masipag na bata saka madiskarte. Naaalala ko na ginamit nya yung pera na dapat sana sa graduation noong elementary para bumili ng mumurahing make-up at siya yung nag-make up ng mga babae na paparada sa graduation. Tiba-tiba siya noon kasi puro booked ang mga parlor at yung mga walang budget sa make-up, sinabihan nya na siya na lang ang kunin. Thirty pesos bawat isa. Nakahigit bente yata sya yung mamakeup-an nya noon.

Doon na rin sya nagladlad. Hindi yung ladlad na magdadamit babae at kekendeng sa daan. Naglabas lang siya ng sekswalidad na itinatago nya sa lahat. Yung ibang babaeng may crush sa kanya, na-turn off. Yung iba, crush pa din sya.  Pogi naman kasi.

"Wala na bang iba Besh?" tanong ko. "Para naman akong pinahiran ng napakadaming mantikilya dito sa damit na ito" sabi ko. Syempre ininspeksyon ko yung buong damit. Wala talaga sa taste ko. Mas gusto ko kasi yung simple lang na walang decoration. Ito naman, kulang na lang balahibo, pwede na akong lumipad.

"Sorry talaga Beshie ha?" paumanhin ulit nya. "Wala na tayong makukuha ngayon kasi sagala season, lahat ng gown, nasa arkila na" sabi nya habang inaayos yung laylayan ng gown. "Pero huwag kang magalala, babawi tayo sa make-up" nangiti nyang sabi. May kindat pa.

May itsura itong si Pochoy. Malaki pero nangungusap yung mata, maganda yung tabas ng ilong at saka panga. Maswerte sa katawan dahil kahit maka-apat na banana cue at tatlong balot sa puti yung nilalantakan sa kanto tuwing magkikita kami pagkatapos magsimba, hindi tumataba. Dahil na rin sa dami ng raket, may pera na pang-gym.

"Ikaw ba yung escort ko mamya Pochoy?" tanong ko.

"You wish, Beshie! Mangarap ka ng gising!" pabiro nitong sabi. "Syempre kesa ako yung maging escort mo, magsusuot na lang din ako ng gown at hahanap ng sarili kong escort no!" sabay apir sa naghihintay ko ng palad.

"Pero nandun ka di ba?" syempre nagsisiguro ako. Kung yung mga magulang at kapatid ko magiging proud sa akin kahit anong isuot at itsura ko, si Pochoy yung magsasabi kung chaka o ngetpa yung dating ko. Gusto ko din maging kapatid itong si Pochoy, kaso di kami magkamukha. Magmumukha akong sidekick pag nag-ayos ito.

"Iyan na ba yung gown na sinasabi ko?" at lumabas na si Lola kasama si Nanay. Nakita ko yung itsura ni Nanay nung pagkakita nung gown --- parang nakaamoy ng mabaho na di mo maipaliwanag. Pero naman, kung galing ka ng Italy at araw araw kang nakakakita ng damit na "couture", di hamak na lalaitin mo din yung ganitong uri ng ipapasuot mo sa anak mo.

"Napakaganda hija" sabi niya kay Pochoy. Kinilig naman si Beshie na tinawag siyang "hija". "Bagay na bagay yan kay Nicomaine mamayang gabi" patuloy ni Lola.

"Parang masyado yatang magarbo Inay" sabi ni Nanay. In short, sinasabi nya na hindi akma sa taste nya yung gown. May point naman si Nanay. Ako din naman ayoko dun sa damit. Magnanay nga kami. Hindi maipagkakaila.

"Bagay kay Nicomaine ito" itinuro ni Lola yung mga ruffles sa laylayan ng gown. Bagay yung kasimplehan ng dalaga natin dun sa kagarbohan ng damit" paliwanag ni Lola. "Tiyak na pag-uusapan ka ng bung Santa Rosa Nicomaine".

Bigla akong nanliit dun sa sinabi ni Lola. Di hamak na paguusapan nga ako ng buong bayan kasi sasabihin nila na bakit nasa sagala yung anak ni Big Bird? Bakit nakawala yung isang bibe doon sa kantang "may tatlong bibe" at pumarada dito? Bakit late na yata pumarada itong babaeng ito eh tapos na ang People Power Anniversary?

"Oh my!" sigaw ni Coleen. Nagbulungan pa yung dalawa bago bumaba sa hagdan pero napaatras nung nakita na nakangiti si Lola habang sinisipat yung gown.

"Napakaganda nito para kay Nicomaine hindi ba?" taong ni Lola dun sa dalawa. Nakita ko na pasimpleng tumango si Nanay habang nakatingin sa dalawa na parang inuutusan na tumango rin.

"Well, kakaiba siya Lola" sabi ni Coleen.

"Sinabi ko nga sa Lola nyo na baka magarbo para kay Menggay itong damit" sabi ni Nanay. "Pero mukhang kahit ano ang sabihin natin, ito na yung isusuot ni Menggay mamaya".

"Basta ako yung official photographer" sabi ni Colette.

"Excuse me, ako dapat yung may hawak ng camera" sabi ni Coleen.

"Lahat kayo pwedeng kumuha ng larawan ni Nicomaine mamaya" sabi ni Lola. "Kaya naman para hindi tayo mahuli sa sagala, ngayon pa lang magumpisa na kayong maghanda at aalis tayo pagkakain ng tanghalian" utos niya.

Pumunta na ng kusina si Lola na humuhuni huni pa. Yung dalawang kapatid ko naman at si Nanay, biglang nagbulungan. Nag-roll lang ako ng eyes. Todo Alaska na naman ako nito bukas habang tinitignan nila yung mga pictures ko mamaya.

"Beshie, sorry talaga ha?" hawak hawak pa ni Pochoy yung kamay ko. "Promise, hindi kita kukuhanan ng picture".

"Talaga lang ha?" sabi ko. At bigla kaming napatawa ng sabay. "Ikaw pa, sasayangin mo yung opportunity para okrayin ako pag isinuot ko na yung durian costume na ito?". Tawanan ulit. At pumanhik na kami ng kwarto at nagpractice na si Pochoy ng mga make-up techniques nya sa akin.

"Beshie" lambing ko, "pwedeng yung i-makeup mo sa akin yung parang hindi nila ako makikilala?" sabi ko. "Para iwas kahihiyan".

"Ano ka ba Beshie!" saway ni Pochoy dahil nakikita nya akong sobrang lungkot. Dinig pa din naming yung tawanan nung tatlo sa baba. "Unang una, hindi ka naman talaga kilala nung mga tao dun. Pangalawa, sa tingin mo ba babalik ka pa sa Santa Rosa Laguna?"

"Eh kung may boylet?" tanong ko.

"Kung ganoon, ako yung babalik, hindi ikaw!" at humalakhak na naman kaming dalawa at nakalimutan naming na may gown na naghihintay na suotin ko.

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon