Chapter FOURTEEN

134 9 0
                                    

Si Richard


"Happiest day of my corporate life ever" isinulat ko sa planner ko yung petsa ngayong araw na ito. Uwian na pero ganadong ganado pa rin ako sa pagtatrabaho. 

Nagpaalam na si Nate thirty minutes ago pero heto pa din ako sa office at nagsisimula na ng report para bukas. Kung normal na araw, papasok ako ng maaga para magumpisa, pero ngayon, kahit yata walang tulog, okay lang sa akin.

Before 5PM, nagpaalam na yung mga new hires at nagsiuwian. Maganda rin yun para hindi sila maabutan ng traffic o rush hour, kung saan lahat ng empleyado ng mga buildings sa Makati, uuwi. Lalo na kung gagamit ka ng train sa Ayala o sa Buendia, mas mainam na maaga ka mauwi.

Nagpaalam sina Pochoy at Menggay kanina bago umalis. Parang balewala naman yung nangyari sa presentation kanina sa conference room. Biru-biruan ng magkakatrabaho. Kahit pinagdadasal ko na sana magkatotoo, hindi ako nagmamadali kasi gusto ko na makilala pa yung dalagang taga Santa Maria Bulacan.

Nasaan na kaya sila ngayon? Nakauwi na kaya sila ng bahay?

Nagbabasa ako ng email pero nakangiti pa din ako. Hindi maalis alis yung tapang at confidence na ipinakita ni Maine sa presentation.

"I can be your girlfriend if you want" paulit ulit na nagrerewind sa isip ko. Kung sa ibang tao yun, ganun din kaya ang gagawin ni Maine? O nilakasan lang nya yung loob nya dahil sa ginawa ko kanina?

Feeling special ka naman agad Richard!

Hindi ko tuloy napigilan yung sagot na "Yes, I want to be your boyfriend". Hindi ko alam kung saan nanggaling yun, pero nasabi ko na lang bigla. Dalawa lang naman yung pwedeng mangyari. Una, akala nung mga bagong empleyado na super cool akong boss na pwede akong makipagbiruan to that level, o pangalawa, obvious na may gusto ako kay Maine.

Inaamin mo na Richard na may gusto ka kay Maine?

Masyado pa maaga, masyado pa mabilis pero willing naman ako na makilala sya. Mukhang conservative yung family ni Maine, mukhang todo bantay sa kanya dahil siguro sa bunsong babae, kaya dapat alagaan din yung mga mahal nya sa buhay. Nagkakilakilala na kami sa sagala, bakit hindi pa tuloy-tuluyin sa totoong buhay.

Nag-ring yung office phone. Hindi pa nga nakakatapos yung ring ay nasagot ko na agad. Baka si Maine.

"Oh, hello Miss Pat" obviously, si bossing. Meron na naman siyempreng iuutos.

"So whole day po yun bukas?" tanong ko.

Pagkababa ko ng telepono, kinuha ko yung laptop at inilagay ko sa bag. Nagmamadali akong umuwi dahil busy day bukas.

Pagdating ko sa bahay, naghanap ako ng long sleeves na isusuot. Pati necktie kailangan kong iready kasi mahalagang meeting iyon with a client outside Manila. Matagal ko ng inaawitan for a meeting yung company na ito, at mukhang pinagbigyan naman kami to meet them bukas.

Pagcheck ko ng phone, may message si Maine.

"Hi Boss, can you be my boyfriend? Seriously, nakakatawa yung palabas natin kanina. Buti na lang sport ka at hindi ka pikon. Excited pumasok sa work bukas. See you".

Napangiti ako. Kung ilang beses binasa ko iyon hanggang pagtulog. Hanggang paggising. Hanggang sa taxi papuntang office kinabukasan.

"Richard, pinapatawag ka ni Mr Santos sa Admin office" sabi ni Nate. "May absent yata sa mga alipores mo" sabay alis.

Mabilis akong tumayo kahit na nagpeprepare ako ng mga documents na ipepresent sa mga investors mamaya. Tinignan ko yung dapat na workplace ni Maine. Bakante pa. Siguro na traffic. Ang layo naman kasi ng Santa Maria Bulacan.

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon