Chapter TWENTY SIX

85 9 0
                                    

Si Richard

Kanina pa kami nagtatawanan sa sasakyan. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi kagabi matapos yung harana session tapos gumising ng napakaaga kanina. Alam ko na sobrang puyat si Nate dahil ilang beses naming nahuli ni Pochoy na humihilik habang naguusap kaming tatlo sa sasakyan. Kahit naman ako, gusto ko ring maidlip pero baka sumakit lang yung ulo ko kung papabayaan ko.

Dinaanan kami ni Pochoy na nakasakay sa inarkila naming sasakyan. Kahit halata naman na ako yung pinakaatat sa aming tatlo, hindi naman pinabayaan ni Pochoy na ako lang yung magbayad. Nung pinagusapan namin ito noong Biyernes, siniguro naming na bago kami umuwi, nakaayos na ang lahat. Arte lang yung kunwari nagulat kami sa imbitasyon ni Pochoy.

Madami akong utang dito sa dalawa na ito, at hindi ko alam kung papano makakabawi. Alam ko din naman na pati naman sila masaya pag nagkasama sama kaming apat na parang magkakabarkada sa highschool, pero siyempre, pakiramdam ko hindi ako makakalapit sa mga magulang ni Maine kung wala silang dalawa.

"Alam ko na" sabi ni Nate at bumulong kay Pochoy. "Basta Richard, bawal mapikon sa gagawin namin ni Pochoy ha?"

Medyo kinabahan ako dun sa sinabi ni Nate. Pero hindi naman niya ako pinabayaan buong buhay namin kaya okay lang.

"Hashtag malaswa" sabi ni Pochoy. Napakunot yung noo ko.

"Hoy hoy, ano na naman yang pinagsasabi nyo? Isusumbong ko kayo kay Maine pag pinagtripan nyo ako!" kunwari sabi ko.

"As if naman kakampihan ka noon! Magpapasalamat pa nga sa amin yun sa gagawin namin!" sabi n Nate na tinanguan naman ni POchoy.

"Basta bawal mahalay ha? Alam nyo naman, bubot pa ang katawang lupa ko" sabay flex ko ng kamao ko.

"Malaswa, hindi mahalay!" paalala ni Pochoy.

"Kadiri ka Richard" comment ni Nate na parang diring diri. "Unang una, hindi ka namin pwedeng pagsamantalahan kasi bugbog kami kay Maine at pangalawa, hindi kami pumapatol sa kapamilya. Yuck. Kadiri".

"Sigurado ka friend?" sabi ni Pochoy na halatang nagbibiro. "Okay lang siguro na mabugbog ako ni Maine basta matikman ko lang yung abs nito" sabay tawa.

Tinakpan ko kunwari yung dibdib ko at para akong nahiya. Mas lalong lumakas yung tawanan.

May conference call ako with Miss Wil at Jean kaya si Nate at Pochoy na lang yung dumaan sa mall para bumili ng panligo. Sinabi ko na sana, sando at bulaklaking shorts yung bilhin para mukha talagang summer at mala-beach yung attire. Gusto ko din ipakita kay Maine yung biceps ko.

Pero nakita na nga niya akong nakahubad.

Nagsimula na yung conference call at ipinaalam ni Jean na dadalaw siya sa TVJ sa Lunes para makipagmeeting sa mga bosses doon. Ibang klase yung diskarte nitong babaeng ito, bigyan mo lang ng maliit na butas, makukuha yung gusto.

Kaya din siguro pinagseselosan ni Maine sa akin.

Medyo nangiti ako. Kagabi, inamin niya na nagseselos siya at pinangako na hindi na siya mag-iisip ng masama sa namamagitan sa amin ni Jean basta ayusin ko yung problema. Nagpasalamat naman ako sa langit dahil itinaon na iniassign ni Miss Wil sa TVJ si Jean ng Tuesday at Wednesday. Iwas issue sa office na ayokong maramdaman ni Maine at pangalawa, makakapag-usap kami ng hindi ako natatakot na baka makita ni Maine.

Pero ano ba talaga yung laro nitong si Jean? Bakit alam na niya na may pagtingin ako kay Maine, pinipilit pa ding pagselosan yung isa?

Mahal mo pa ba ako Jean?

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon