Chapter TWENTY THREE

140 9 0
                                    

Si Nicomaine


Biyernes. Hindi holiday pero hindi ako pumasok. Sinabi ko na naman kay Nate na hindi ako papasok ngayon. Andami kasing nangyayaring emosyonal sa opisina. Kasama yung mga major characters ng aking heartache, kaya mas minabuti kong wag pumasok. In short, nagpapabebe ako.

Ako lang yata yung intern na sampung araw lang papasok pero hindi pa nakakaisang linggo, may absent na. Pero ako rin naman yung intern na nakapag close ng account at nakapagpirma ng major na kontrata, nagkaroon ng bonus at dinoble ang sweldo.

Ako rin yung nakipag jowa at nakipaghalikan sa poging supervisor sa Tagaytay.

Tinaasan pa ako ng kilay kagabi ni Nate bago ako umuwi. Kumakalat na daw  yung kabaliwan kong pagbabanta kay Richard doon sa sexual harassment. Siyempre sinabi ko ulit sa kanya na hindi totoo. Hindi ko naman talaga magagawa iyon.

"Maine, kung hindi naman talaga niya ginawa yung sexual advances, wag mo na ulit gagawin yun ha?" sabi ni Nate. Alam kong hindi niya sinasabi bilang HR yun, kundi bilang kaibigan namin ni Richard.

"Promise, hindi talaga" sabi ko. Nagekis ako sa tapat ng dibdib ko. Nung makita yun nung dalawa, nagapir pa si Nate at Pochoy. Lekat itong mga ito, mukhang may alam na hindi sinasabi sa akin.

"Kasi Maine, hindi lang yung buhay ni beshie yung masisira pag nagkataon, pati yung mga taong umaasa sa kanya" sabay yakap ni Nate dahil alam niyang hindi ko naman gagawin yun. Siyempre, yakap din yun na naging ritwal na din namin tuwing uuwi sa gabi.

Umuwi kami ni Pochoy at ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa board room hanggang sa pagkikita namin ni Mr Ejercito.

"O basta hahanapin ko lahat ng social media account niya at sisimulan ko ng kilatisin" sabi ni Pochoy.

"Hoy, hindi mo trabaho yung pag stalk sa mga bossing ng opisina Pochoy" saway ko.

"Menggay, makakita lang ako ng kahit isang kahinahinalang picture niyang si Mr Ejercito, susugudin ko agad siya sa cubicle niya. Baka tanggalin ko pa yung damit ko pagdating doon" at nagkahalakhakan kami. "Charot!".

"Besh, wala akong naamoy na lansa" at tinaas taas ko pa yung kilay ko.

At parang wala namang problemang iyakan at sigawan, nakarating kami sa Bulacan ng walang puknat ang usapan. Pinaalala ko din sa kanya na hindi ako papasok kinabukasan kaya pwede na siyang wag dumaan sa bahay namin. Pero paghatid niya sa akin sa gate, sinabi ni Tatay na ihahatid pa din siya ni Ka Gerry sa sakayan ng bus.

Bago ako kumain ay nagcheck ako ng phone. Syempre sa kaibuturan ng isip at puso ko, sana ay may missed call o message si Richard. Pero wala. Wala kahit isang message na tinatanong ako kung nakarating na ba ako sa bahay, kung traffic ba sa NLEX o kung madami ang bituin sa langit. Pero wala.

Masakit bang umasa Menggay?

Hugot moment lang naman yun. Mga ten minutes lang akong nainis. Saka mga five times ko lang pinigil yung sarili ko na huwag siyang itext kasi wala naman talagang dahilan para itext ko siya.

"Hi Richard, galit pa din ako sa iyo pero miss na kita"

"Hi Richard, congrats sa atin. Ay sorry, hindi personal yung pinaguusapan natin"

"Hi Richard, bakit andaming poging boss sa sales?"

"Hi Richard, tayo pa din ba?"

Ang landi mo Menggay!!!

Masaya yung pagkain kahit may mga dalawang beses na nagkatinginan kami ni Lola nung ikinuwento ko kina Nanay yung nangyari sa Tagaytay. Yung dagdag sweldo, yung incentive at yung posibleng pagkapromote ni Richard. Pero siyempre hindi kasama yung lips-to-lips saka yung pagaaway namin sa board room.

#KungHindiArtista Featuring ALDUB MAIDENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon