"Anong ibig sabihin nun Onii-chan huh! Bakit may girlfriend kana ngayon. Kabago-bago mo nga lang naging lalaki may girlfriend kana agad. Wow ha inunahan mo pa ko."Mahabang sabi nya ng maka uwi na kami sa bahay. Tinapon naman din nya ang bag nya sa kama ko at sabay binagsak ang katawan nya sa kama.
"Ano ka ba sabi ng hindi ko sya girlfriend."
Paulit-ulit kuna yung sinabi sa kanya kanina nung pauwi kami pero ayaw talaga akong paniwalaan."Bakit mo ba dene-denied ang isang babaeng maganda at sexy Onii-chan sya na ngang may sabi sa akin na girlfriend mo sya eh. Pakipot ka pa."
Sabi nya. Napa kamot nalang ako sa ulo dahil sa inis."Nakalimutan muna ba babae ako. Hindi kaya kami talo."
Sabi kong naka pout na naka upo sa shivel chair.
Pagkatapos ko yung sabihin sa kanya ay tumawa lang naman sya ng pahalakhak."Onii-chan nakakatawa ka as in. Laughtrip ano ba sa tingin mo sa sarili mo ngayon, babae parin. Alam mo, kalimutan muna ang pagiging babae mo at maging lalaki na. Tanggapin mo ng kasarian mo dude."
Sabi nya napa tahimik naman din ako. Iwan ko ba, bakit ba iniisip ko parin na babae ako kung alam ko ng ito na talaga ang naging kasarian ko ngayon bilang isang lalaki.
"Eh malay mo diba babalik din ako sa dati."
Sabi ko sa kanya. Nag kibit balikat lang naman sya at inabot ang bag nya tapos ay tumayo narin sa kama para lumabas ng kwarto. Bago sya maka alis ng tuluyan ay sandali syang lumingon sa akin."Tanggapin mo na Onii-chan hindi kana makakabalik sa dati. Kung hindi mo alam ang totoong nangyari sayo."
Mesteryoso at seryosong tingin nyang sabi sa akin bago sya tuluyang umalis.Ang weird ng lalaking yun. Pero napa isip din ako sa sinabi nyang yun. Kailangan kuna nga ba ito tanggapin o hahanapin ang sagot kung ano ba talaga ang nangyari sa akin.
Habang nag iisip ng malalim. May bigla naman din akung napansin sa loob ng drawer sa study table ko.
Umiilaw ito ng kulay pula na may halong itim ang aura. Dahil sa subrang pag tataka ay binuksan ko ng dahan-dahan ang drawer hanggang sa nasilaw ako sa sinag nito.
Napapikit ako at napa iwas ng tingin doon. Hanggang sa bigla nalang itong nag laho ang liwanag. Kaya binalik kuna ang tingin ko at may kunting liwanag parin pero hindi na kagaya kanina na subrang maliwanag.
Nakita ko na sa papel pala nanggaling ang liwanag nayon kaya kinuha ko ito at binuklat ang papel. May mga naka sulat na litra na umiilaw ng kulay pula binasa ko ito ng mahina lang yung normal lang na pagkakabasa.
"Sa iyong pangingialam sa sagradong banga ng Shimaya temple. Ikaw ngayon ay sinumpa biglang isang lalaki.
Pag iyong puso'y tumibok sa babae ang sumpay magiging pang habang buhay. Kikimkimin hanggang sa mawala ang iyong pagka babae. Tanggapin ang sumpang ito at tanggapin ang kaparusahan ng Goddess na si Katara."
Basa ko. Bigla akong napabitaw sa papel. Sa pag bitaw ko agad nalang itong nasunog at naging abo.
Napa takbo ako papunta sa kwarto ni Miro. Habang tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan nya.
"Mirooooo!."
Sigaw ko habang patakbo sa kwarto nya. Binuksan ko agad ang pinto nya at naabutan ko syang pumapatak ngayon ng chips."Yo! Bakit."
Sabi nya lumapit ako sa kanya ng mabilis at kinuha ang coke na can sa kaliwang kamay nya. Sabay mabilis na tinungga yun sa bibig ko.Bigla kasing natuyo ang lalamunan ko sa nalaman ko kanina.
"Uy Onii-chan mang aagaw ka bakit ba!."
Inis nyang sabi sa akin sabay agaw sa coke na ininom ko. Napa upo ako bigla sa sahig."M-may nabasa ako."
Nanginginig kong sumbong sa kanya. Bigla naman din syang napa kunot noo at biglang naging interesado ang mukhang naka tingin sa akin."Namumutla ka. Tika nga! Ano bang nabasa mo. Death threat?."
Sabi nya. Bakas sa mukha nyang hindi sya interesado sa sinabi ko. Dahil patak lang sya ng patak sa chips nya kaya kinuha ko ito agad at inilayo."Hindi. Sumpa Miro naka sulat sa papel na galing sa Goddess na si Katara na pag tumibok ang puso ko sa babae tuluyan na akong maging lalaki. Yun ang pagkakaintidi ko."
Sabi ko sa kanya na hindi maipaliwanag ang nabasa ko."Ano totoo ba yan?! Naku Onii-chan sumpa nga yan."
Sabi ni Miro sakin. Napa ngawa ako ng bibig maya-maya ay napa yogyog sa katawan ni Miro habang hawak ko ang balikat nya."Miro masama 'to tulungan mo ko~."
Sabi ko habang nag mamakaawa sa kanyang tulungan ako. Ayokong maging ganito babae ako nung pinanganak ako sa mundong 'to hindi ako lalakiiii."Ano ba Onii-chan nahihilo naku. Hayaan mo ng sumpang yan tanggapin muna. Kasalanan mo din yan dahil sa tatanga-tanga ka."
Sabi nya sabay agaw ng chips sa kamay ko. Iwan pero biglang naging chibi ang hitsura ko habang yung luha umaagos sa mata ko.Ang samang kapatid. Hindi man lang nag alala sa akin na sinumpa ako ng Katara'ng Goddess nayon.
"Nga pala Onii-chan saan mo ba nakuha yang sumpang yan?."
Tanong nya sa akin kaya napa tingin ako sa kanya at naging normal ang hitsura kong inaalala ang pangyayari.Biglang nag picture out sa isip ko ang camera'ng dala ko nung mga panahon noong umuwi ako ng bahay at nagka lagnat ako bigla.
"Tika naalala kung may dala akong camera noon baka nasa camera lang ang sagot kung saan huli akong pumunta ng lugar."
Sabi ko sa kanya."Ano pang tinutunganga mo jan hanapin mo ng camera mo."
Utos nya sa akin at tinulak ako. Nag mamadali naman din akong lumabas ng kwarto nya para bumalik ulit sa kwarto ko para hanapin ang camera ko.Ilang minuto sa pag hahalungkat sa mga gamit ko sa kwarto. Sa wakas at nakita ko ng camera ko. Patakbo ulit akong pumunta sa kwarto ni Miro at itinaas ang camera para makita nya.
"Miro nakita kuna."
Sabi ko sa kanya at mabilis na tumabi kay Miro.Sabay naming tinignan ni Miro ang mga picture na nakuha ko nung mga araw na kakalipat lang namin dito sa lugar at ang pag biglaang lagnat ko.
Huminto kami sa huling picture na nakunan ko. Nasa picture ang lugar kung saan kinunan ko ang Shrine at ang buong lugar nito.
"Onii-chan dito mo ata nakuha ang sumpa ng Katara nayon."
Sabi ni Miro sa akin habang seryosong naka tingin sa litrato.Napa tingin ako sa kanya at napa lagok. Ano bang nasa isip ko noon at napunta ako jan sa creepy'ng lugar na yan.
"Anong balak mo."
Sabi nya na hindi parin maka tingin sakin. Nagulat naman din ako sa tanong nya at nanlaki bigla ang mata ko."Huh! Balak wala naman. Bakit ikaw may balak ka ano!. Kung meron man wag mo ng ituloy."
Sabi ko sa kanya habang nagugulat at sabay napa kagat ng kamay habang ang isa naman din ay naka turo sa kanya."Alam mo Onii-chan kung gusto mo man malaman ang sumpang ito sayo ay kailangan nating pumunta sa Shrine ngayon mismo."
Sabi nya. Kaya mabilis akong napa atras sa kanya sa pagkabigla at napailing."Ayoko nakakatakot na. Madilim na oh alam mo bang mag gagabi na!."
Sigaw ko sa kanya. Bigla naman din nya akong sinamaan ng tingin at tumayo na sa kinauupuan nya."Wala akong pake alam tara na."
Seryosong sagot nya at hinila ako palabas ng kwarto nya."Hindiiii!."
BINABASA MO ANG
She Turns He [ Completed☑ ]
Science FictionTeaser: She's Harashin Mina Aoi. A juniour student in Tetsuka High School in Tokyo Japan. A simple student who turns in a Male Gender because of the stupid accident she does. In his first day of class. What will she do if his body is the most cute...