❇ Chapter 16: Shin's Back ❇

1K 27 0
                                    

וווו×
Thinkers Note: Hindi kuna 'to ereedit o ano man masyado na akong tamad para gawin yun. Haha! Kaya kung may common sense ka man maintidihan mo talaga 'to. 😆😆😆

וווו×

Kinabukasan

Nagising ako sa sigaw ng isang babae. Kaya napa balikwas ako bigla ng bangon at napabaling sa may-ari ng busis.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko si mama, nasa loob sya ngayon ng kwarto ko.

"Sino ka anong ginagawa mo dito. Nasaan ng anak ko!."
Sabi nya habang nakaturo ang hintuturo nya sa akin.

Napa kamot ako ng ulo.
"Ma, ako po 'to si Mina. Anak nyo po."
Naiilang kong sagot.

Napatakip sya ng bibig.
"Oh hindi! Sinungaling ka paanong magiging lalaki ang anak ko eh babae yun! Ikaw talaga, ano boyfriend kaba ng anak ko. Ha!."
Sigaw nya habang pinapalo na ang ulo ko minsan sinasabunutan nya ang buhok ko.
Tudo iwas at sangga naman ako ng kamay ko para di ako mapalo ni Mama.

"Ma, alam ko po'ng hindi kapani-paniwala pero maniwala po kayo sakin ako nga po ito si Mina."
Sagot ko napaurong si Mama sa narinig. Hindi mo mabasa ang nasa expression nya maiiyak ba sya o ano.

Nagulat na lamang ako ng bigla syang sumigaw.
"Miroooo! May sinungaling dito sya daw si Mina. May alam ka ba rito."
Pagalit na sabi nya habang naka pamiwang. May bigla nama'ng kumalabog na pinto sa kabilang kwarto at mabilis ang yapak na parang tumatakbo papunta rito.

Biglang pumasok si Miro halatang kakagising nya lang. Nagulat sya sakin at biglang ibinaling ang tingin kay Mama.

"Mama magpapaliwanag kami."
Sabi ni Miro at lumapit kay Mama.

"Oo ipaliwanag mo sakin kung paano nakarating ang lalaking ito dito at nasaan si Mina!."
Oo, galit na ngayon si Mama hindi na nga maawat ni Miro eh tapos ako hindi makalapit kay Mama baka paluin na naman ako.

"Ma, ang totoo po nya'n sya po talaga si Ate Mina."
Sagot ni Miro. Nagulat na naman si Mama at humarap dito kay Miro habang naka pamiwang. Ang isang kamay naman nya ay nakaturo sa mukha ni Miro.

"Aba sinungaling kana din. Di kita tinuturuang mag sinungaling para maniwala ako sa mga bagay na hindi kapani-paniwala. Kaya sabihin mo na ang totoo sakin, Miro."
Sabi ni Mama. Napa buntong hininga si Miro.

"Ganito po yun Mama...."
Pinaliwanag nga ni Miro ang lahat ng nangyari sa akin. Hanggang sa matapos magpaliwanag ni Miro.
Hindi namin alam na biglang mawawalan ng malay si Mama matapos nya marinig ang kwento ni Miro sa kanya.

"Nako di ata nakayanan ni Mama ang nangyari sayo Onii-chan."
Sabi sakin ni Miro ng mahiga na namin si Mama sa kama ko.

Ilang minuto din ang paghihintay namin para magising si Mama. Buti nalang hindi na ito galit at naiintindihan na ni Mama ang sitwasyon ko. Binigyan namin sya ng tubig para mahimasmasan. Sabi nya kailangan na naming pumasok ng School ni Miro dahil dalawang Araw na kaming hindi pumapasok.

Tumango naman din kami at naghanda na para pumasok kahit late na kami sa oras ng school.

Nandito na kami sa school.
"Sayoonara. Good luck sayo mamaya Onii-chan."
Paalam nya habang tumatakbo palayo sakin habang nakakaway. Papasok nayon sa room nya.

Nang wala na si Miro naglakad narin ako paakyat sa hagdan para pumasok na din sa Room ko.
Bigla akong napatigil sa pag akyat ng masalubong ko si Akane.

"Shin?. Oh Shin ikaw nga magaling kana ba. Buti naman pumasok kana ahh~ namiss kita."
Sabi nya at hinagkan ako ng yakap. Subrang higpit parang totoo ngang namiss nya ako. Niyakap ko rin sya pabalik at bumitaw na kami sa isa't-isa.

She Turns He [ Completed☑ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon