❇ Chapter 18: Revealed Secret ❇

927 26 0
                                    


Maaga kung ibinigay kay Miro ang apat na envelope para maiabot kina Lyka, Yumie, Sarami at Akane ang sulat na para sa isa sa kanila.

Kung naitatanong nyo kung anong nilalaman nun ay tungkol yun sa pagkikita-kita namin sa likod ng building C3.

Habang nasa School si Miro at hinahanap na ang apat para ibigay ang mensahe. Ako naman pumunta sa Shrine para kausapin si Meow.

Buo na kasi ang isip ko na bumalik na sa dating Mina. Ayoko na kasing patagalin pa dahil mali ito. Nagkaka gusto na ako sa babae. Parang mahal kuna si Akane at paano ko nalaman yun dahil sa lagi kuna syang iniisip. Noong araw na namasyal kami sa Perya yung pakiramdam kung kakaiba para kay Akane yun na pala yun, in love na ako sa kanya.

Kahit mahal ko sya ayokong baka balang araw bumalik nalang ako bigla sa pagiging Mina.
Kaya hanggat maaga pa kailangan ko silang sabihan ng Secreto namin ni Miro sa sariling sumpa ko bilang paiba-iba ng kasarian.

"Meow buo na ang decision ko gusto kuna talaga bumalik sa dati."
Sabi ko sa yokai na si Meow.

"Alam mo bang may mapapahamak dito sa desesyong ginawa mo curse lady."
Naka kunot noong sabi nya sa akin. Bahagyang napayuko ang ulo ko at dahan-dahang tumango.

Oo nga pala pag hindi ko tinanggap ang sumpang ito mapapahamak ang mga taong mahal ko sa buhay at ayoko namang mangyari yun.

"Wala na bang ibang paraan upang bumalik ako sa dati kahit sandali lang, may kailangan lang kasi talaga akong patunayan."
Makahulugan kong sabi. Napansin kong gumalaw sya sa kinauupuan nya at tumingin ng naka ngiti sa akin. Kita ko kasi sa pheriveral vision ko kaya alam ko.

"Ah gusto mong patunayan sa apat na ikaw ay nagbabago ng kasarian para mapaniwalaan ka at hindi pagtatawanan ganun ba."
Dahil sa sinabi nyang yun napa angat agad ako ng ulo at tumingin sa kanya ng gulat na gulat.

"Paano mo nalaman ang plano ko?!."
Tanong ko habang naka kunot ang noo dahil sa pagtataka.
Ngumiti lang naman sya ng nakakaloko sakin. Kaya bigla akong napa tampal sa sariling noo ko dahil sa katangahan.

'Oo nga pala isa syang yokai na may kakaibang kapangyarihan. Baka nalaman nya ito dahil sa nakakabasa sya ng isip o iwan hula ko lang at baka yun nga.'

May ikinuha syang bagay sa bulsa nya at pinakita ito sa akin.

"Itong kwentas nato ang makakatulong sayo para bumalik ka sa dati pero wag kang makampanti rito curse lady limang minuto lang ang tinatagal ng pagkuntrol ng sumpa mo bilang lalaki."
Sabi nya. Natuwa naman din ako kahit papaano may maipapakita na ako kina Lyka, Yumie, Sarami at Akane nito.

Kukunin ko na sana ang kwentas na nasa kamay nya ng iniwas nya ito at inilayo sa akin. Tumingin sya ng maigi sa akin at may sinabi.

"Bibigyan na kita ng tatlong araw para bumalik rito sa Shrine at tanggapin na ang nakalaang sumpa para sayo. Pag hindi ka nakabalik sa takdang araw nayon mapapahamak na talaga ang mga taong nahuhulog na sayo."
Seryosong busis na sabi nya. Napa tango-tango ako.

"Naiintindihan ko. Sige na ibigay muna sakin ang kwentas para maka alis na ako kailangan kuna talagang umalis at hinihintay na nila ako."
Sagot ko. Ibinigay naman din nya sa akin kaya naka alis din agad ako dun sa lugar na yon.

She Turns He [ Completed☑ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon