❇ Chapter 19: Decision ❇

945 27 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa kwarto at naka upo sa kama. Wala akong ibang magawa kundi ang mapa-buntong hininga at mapa-hilamos sa sariling mukha dahil sa mga nangyayari.

Alam kuna ang totoo tungkol kay Meow. Una palang ay niloko nya na ako at ginagamit nya lang ako sa mga masasamang plano nya upang mabuo ang Shimaya Crystal na nasa katawan ko ngayon.

Hindi ko alam na hahantong pa sa ganito. Dahil ang lahat ay nagiging kumplekado na. Buhay na ang kapalit sa sumpang nakalaan sa akin.

Hindi ko naman hahayaang madamay sila Yumie, Sarami, Lyka at lalong-lalo na sa mahal kong si Akane dito sa mga problema ko.

Kung hindi ko ibibigay kay Meow ang pakay nya ay mapapahamak ang apat dahil sa akin.

Kaya mas maiging ibigay ko ito sa kanya kahit ang buhay ko man ang kapalit nito. Kasi pag nakuha ni Meow ang Shimaya Crystal ay mawawalan na din ako nito ng buhay.

Habang naka yuko at hawak ang aking ulo. Biglang bumukas ang pintoan ng kwarto ko at pumasok si Miro na may dala na abo.

Magsasalita na sana ako. Nang bigla nya akong inunahan.

"Kuya bakit hindi mo sinabi sa akin... Pumunta ako kay Meow kanina at muntikan ko na syang masuntok dahil traydor pala sya at alam muna din ito na may masama syang pinaplano!."
Sigaw nya sa harapan ko. Umiwas naman din ako ng tingin.

"Hayaan muna. Ito na ang kapalaran ko. Ayaw kong madamay pa kayo dito."
Sagot ko sa kanya. Lumapit sya sakin.

"Kapatid mo ako kaya damay ako rito. Please kuya wag kang susuko wag mung hayaan na kunin nya ang buhay mo."

Humarap naman ako sa kanya at tumingin sa kanya ng deretso.
"Alam mo ba ang pinagsasabi mo Miro. Kung hindi ko isusuko ang buhay ko kay Meow at ibigay sa kanya ang Shimaya Crystal. Sila Lyka, Yumie, Sarami at Akane ang mapapahamak. Alam mo ba 'yon ayokong may mangyari sa kanila emportante sila sakin kaya ayokong mapahamak sila sa nangyayari."
Umiling si Miro.

"Hindi kuya hindi ko hahayaang mawala ka sa amin ni Mama dahil lang sa gusto mo silang protektahan. Pero nandito din kami ni Mama, kuya intindihin mo rin kami kung mawawala ka rin sa buhay namin."
Sabi nya hindi ko sya pinakinggan at umiling din ako.

"Pasensya na Miro."
Mahinang sagot ko. Napatulala sya at napa yuko habang hawak ang Banga na may laman na abo.

'Saan nya kaya yun nakuha?.'
Tanong ko sa isip habang naka tingin sa hawak nya.

"Saan mo nakuha yan."
Tanong ko sa haba ng katahimikan namin kanina.

"Sa Shrine kuya. Hindi ko alam kung bakit naisip kong kunin ang abo ni Katara."
Malungkot na sagot nya. Yumuko nalang ako.

"Ganun ba."
Sagot ko.
Muli na naman kaming tumahimik. Napansin ko ang lalim ng iniisip ni Miro. Ano kaya ang nasa isip nya.

Miro's Pov

Habang naka titig ako sa hawak kong abo ni Katara. Naisip ko rin kung bakit ko ba ito kinuha. Anong dahilan ko para kunin ito sa Shrine.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko rito. Kaya inilapag ko nalang ang abo ni Katara sa bedside table ni Kuya.

Ayoko sa pina plano nyang isusugal nya ang buhay nya para lang sa mga babaeng yun. Kahit alam kong mga inosente sila ni Ate Akane, Lyka, Yumie at Sarami. Gusto ko man din silang iligtas para hindi sila mapahamak. Pero hindi ko magawa dahil si Kuya Shin naman din ang mawawala samin ni Mama. Alam kong selfish ako pero mahal ko ang kapatid ko at hindi ko hahayaang ibigay nya nalang ng basta-basta ang buhay nya sa apat na babae.

She Turns He [ Completed☑ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon