Prologue:
Tag lagas.
Mga cherry blossom na isa-isa ng nag sisitanggalan sa mga sanga ng isang puno kung saan naka tayo ang nag iisang Shrine sa lugar.
Sabi-sabi ng mga nakakatanda sa lugar na iyon. Ang Shrine na ito ay may iniingatang kagamitan na bawal hawakan ng kung sino man.
Ang kagamitan na ito ay subrang napaka sagrado. Isa itong maliit na banga na hindi malaman kung ano man ang laman nito.
Dahil sa takot ng mga taga bayan doon sa kwento ng banga na iyon na may sumpa daw ay walang sino o isa mang pangahas ang pumasok sa Shrine nayon para lang mag dasal.
Maliban nalang sa isang babae.
Isang babaeng kakalipat lang sa lugar na iyon at walang alam.Paakyat sya ngayon sa mahabang hagdan kung nasaan nasa taas ng maburol na patag ang Shrine.
Dala nya ang camera nya na naka sabit pa sa kanyang liig.
Habang papaakyat sya at papalapit sa Shrine. Nakaramdam na agad sya ng kakaiba sa lugar na iyon. Pero binaniwala nalang nya ito at hindi nalang pinansin at nag patuloy nalang sa kanyang pag akyat.Medyo mahangin naman din ang paligid kaya napa hawak sya sa hibla ng kanyang buhok na tinatangay ngayon ng hangin.
Ilang sandali ng ngayon ay naka pasok na sya sa loob, nakita naman nya ang nag iisang nakatayong templo. Maluma ito at kakaiba kaya wala syang pakundangang pumasok roon at nag libot-libot sa loob.
Habang nag lalakad sya sa medyo madilim na silid at nililibot ang paningin. May bigla naman syang nasanggang bagay.
Dahilan ng mabasag ito sa paanan nya at may kakaibang ingay na lumabas sa isang bangang nabasag. Nagulat naman sya agad ng makitang may usok na itim na biglang sumanib sa kanya. Kaya napa sigaw sya agad sa subrang takot at nagkikikisay na napatakbong umalis ng Shrine.
Sa hindi malamang dahilan kusa nalang gumalaw ang kampana ng Shrine at tumunog ito ng kalmado at nakakakilabot na ingay.
Sa araw na yun nagsimula na ang sinasabing sumpa.
Isang sumpa na papalit sa kanyang pagkatao at hitsurang hindi natin batid kung babalik pa ba sya sa dati...
BINABASA MO ANG
She Turns He [ Completed☑ ]
Ciencia FicciónTeaser: She's Harashin Mina Aoi. A juniour student in Tetsuka High School in Tokyo Japan. A simple student who turns in a Male Gender because of the stupid accident she does. In his first day of class. What will she do if his body is the most cute...