Andito na kami ngayon sa harap ng Shrine. Subrang nangangatog na ang mga tuhod ko sa takot hindi ko alam pero subrang nakakakilabot ang lugar nato.Si Miro naman ay wala lang sa kanya ang lahat ng mga ingay na naririnig namin sa paligid.
Bigla akong napakapit sa braso ni Miro ng makarinig ako ng mga kaloskos.
"Ano ba Onii-chan bitawan mo nga ako mapupunit ang damit ko dahil sayo eh."
Inis na sabi nya sa akin at naunang pumasok sa templo. Mabilis naman din akong sumunod. Mahirap na nu baka maligaw ang kapatid ko rito."Sa tingin mo may mahahanap tayong kakaiba rito."
Sabi nya sa akin habang kinikilatis nya ang sulok ng templo.Nag kibit balikat nalang ako. Hindi parin mawala ang kaba ko sa dibdib dahil sa kakaibang templo'ng napasukan namin.
"Onii-chan hali ka rito ito ata si Katara."
Tawag nya sa akin para palapitin ako sa kanya. Lumapit naman din ako sa kanya at nadatnan ko syang naka tingin sa isang malaking larawan.May isang magandang babae naka suot sya ng kimono. Maamo ang mukha nya na may dalang banga.
"Ito ata yung bangang nabasag ko noon dati ng hindi ko sinadyang masangga."
Sabi ko kay Miro sabay turo ko sa bangang hawak ni Katara sa litrato."Talaga?! Grabi ang tanga mo nga talaga Onii-chan yung sagrado pa na banga yung nasangga mo."
Sabi nya."Oy hindi ko sinadya yun nu?! Malay ko ba, madilim kasi noong mga oras nayon. Kaya hindi ko napansin na may naka patong palang banga sa gilid ko."
Paliwanag ko sa kanya. May biglang naman ding tumalon sa harap namin kaya nagulantang kaming dalawa ni Miro sa gulat."Ay Momo!."
Sigaw ko sa pagka bigla si Miro naman walang reaction at lumingon nalang sa tumalon na nilalang.Kaya napatingin na din ako at nakita ang isang pusa na kulay puti ang balahibo.
"Tika ito yung pusang nakita ko noon na may dalang papel. Onii-chan sya yung pusang sinasabi ko."
Turo ni Miro sa pusa'ng naka tingin sa amin. Lalapit na sana si Miro ng biglang nag bago ang pusa.Kaya napa atras kaming dalawa sa nakita. Yung pusa naging anyong tao na may buntot at tenga may suot syang kwentas ng pusa at may isa syang pangil.
"Salamat sa pag dating Curse lady."
Sabi nito sa akin at yumuko sa harapan ko. Babae nga pala sya at kasing edad nga lang siguro ni Miro.Pa simpleng lumapit sa akin si Miro at may binulong.
"Astig yokai."
Sabi nya at lumayo na sa akin. Inirapan ko nalang sya. Anong klaseng kapatid 'to wala lang ata sa kanya ang mga kakabalaghang ito. Habang ako subrang nanginginig na at ilang oras nalang mapapatakbo naku palabas ng templo."Wag kang matakot sakin Curse lady. Ako si Meow isang yokai at ako ang taga bantay ng templong ito."
Mahinahon nyang sabi matapos nyang yumuko sa akin. Hindi ako maka pagsalita dahil sa takot kaya si Miro nalang ang nag salita at nakipag usap sa yokai na nasa harapan namin."Ako si Miro gusto ko lang malaman kung nasaan na ang babaeng ito."
Tanong nya sabay turo sa lawaran ni Katara. Lumingon naman din si Meow sa litrato at nag salita."Matagal na syang wala. Ang totoo ay bigla nalang syang nag laho at hindi na nag pakita."
Sabi nito sa amin. Biglang napatahimik si Miro pero muli din itong nagsalita."Kung ganun ikaw ang nag sulat doon sa papel na pinadala mo at sinulat ang pangalan ni Katara."
Sabi ni Miro. Napatingin naman din sa kanya si Meow at tumango."Ako nga, isinulat ko lang ang mga salitang yun sa papel kung anong magiging epekto sa sumpa ng banga ni Katara."
Sabi nito. Bigla akong napa tanong sa isip ko at nag lakas loob na sabihin sa kanya."Kung ganun totoo bang, pag tumibok ang puso ko sa babae ay tuluyan na akong maging lalaki?."
Tanong ko sa kanya. Umiling lang naman sya bilang sagot sa tanong ko kaya bigla akong natuwa."Wag kang makampanti Curse lady. Dahil pupunta ka din doon. Hindi nga lang agad pero pag madalas mo na itong maramdaman na tumitibok ang puso mo sa isang babae ay matutuluyan kana din."
Dahil sa narinig ko sa sinabi nya ay biglang nag laho ang ngiti ko at napalitan ng pagkatulala."Sa oras na mangyari yun ay bumalik ka rito at sabihin ng buong puso na tanggapin ang sumpang ito at pag natanggap mo na ang iyong kasarian may posibilidad na mawawala lahat ng mga alaala ng mga oras na naging babae ka dati."
Sabi nito. Bigla akong nagsalita."Paano pag hindi ko tanggapin."
Sabi ko sa kanya. Umiling sya at napa buntong hininga."Sa ayaw at sa hindi kailangan mo itong tanggapin Curse lady. Pag hindi mo matatanggap ang nakalaang sumpa sayo ay mapapahamak ang babaeng mahuhulog sayo."
Sagot naman nito. Bigla namang umipal si Miro sa usapan namin ni Meow."Onii-chan tanggapin muna diba may girlfriend ka baka mapahamak yun pag nag kataong hindi mo tatanggapin ang sumpang ito."
Sabi ni Miro sa akin. Iwan ko ba pero bigla na naman akong nainis sa narinig ko sa kanya."Diba sabi ko sayo hindi ko sya girlfriend."
Sabi ko sa kanya. Habang naka tingin kay Miro ng masama. Umismid lang naman sya sa sinabi ko at umiwas ng tingin.Biglang nag clap ng isang bisis si Meow para tawagin ang atensyon namin.
"Sige na makakaalis na kayo yan muna ang masasabi ko sa inyo ngayong araw."
Sabi nito sa amin. Bigla nalang naming nalaman na sa isang kurap lang namin sa mga mata ni Miro ay nasa labas na kami ng templo."Ang astig nun Onii-chan nasa labas na agad tayo."
Sabi ni Miro sakin. Bigla nalang naging blangko ang hitsura ko sa kanya at hinila na sya palabas ng Shrine at bumaba na ng hagdan."Alam kung nabibilib ka pero kailangan na nating umuwi ng bahay dahil sa mag gagabi na at na gugutom nako."
Sabi ko.Pagkatapos naming kumain ni Miro ay pumasok na kami sa mga kwarto namin para maka pagpahinga at matulog.
Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Meow sa akin. Kailangan ba talaga?. Kung hindi ko tatanggapin may ibang mapapahamak.
'Aish! Nakakainis.'
Sabi ko sa isip habang ginugulo ang buhok ko dahil sa inis at ipinikit nalang ang mga mata para maka tulog...
BINABASA MO ANG
She Turns He [ Completed☑ ]
Fiksi IlmiahTeaser: She's Harashin Mina Aoi. A juniour student in Tetsuka High School in Tokyo Japan. A simple student who turns in a Male Gender because of the stupid accident she does. In his first day of class. What will she do if his body is the most cute...