❇ Chapter 13: Im back to be Mina ❇️

1K 28 0
                                    


Kasalukuyan akong naka kulong sa kwarto. Kakauwi ko lang galing school. Hinubad ko na ang wig ko sa ulo at naka suot parin ako ng maid outfit ngayon.

Habang naka higa sa kama at naka talokbong ang katawan ko sa kumot. Naririnig ko ang walang tigil na pag riring ng phone ko sa bedside table na hinayaan ko lang na mag ring. Wala kasi akong lakas para damputin ang phone ko at tignan kung sinong tumatawag sa akin.

Baka sila lang ni Miss Pres., Sarami, Akane at Yumie. Paniguradong hinahanap na nila ako ngayon sa mga oras nato kaya tumatawag na sila ngayon sakin. Kasi hindi ba naman ako pumasok sa coffee shop dahil sa biglaang pag sama ng pakiramdam ko at hindi pa ako nyan naka pagpaalam sa kanila. T'yak na nag aalala nayong apat nayon sakin sa biglaang pagka wala ko.

Ilang oras din ang lumipas ng hindi parin tumitigil ang pag riring ng phone ko antok na antok naman rin ako kaya naka tulog ako agad at hindi naka abala sakin ang pag tunog ng cellphone ko.

Hanggang sa magising ako ng gabi. Nadatnan ko si Miro sa tabi ko na subrang nag aalala sakin.

"Hindi ko na ata alam ang itatawag ko sayo kung mag k-kuya parin ba ako o ate."
Sabi ni Miro sa akin ng magising ako. Bumangon naman din ako sa pagkakahiga ko sa kama ng maramdaman ang sandaliang pagkahilo ko at napa hawak sa ulo.

"Ano bang nangya---"
Naputol bigla ang tanong ko ng marinig ko ang sarili kung busis babae. Tinignan ko agad ang sarili ko at hindi maka paniwalang naka balik na ako sa dati.

"Miro bumalik na ako sa dati."
Natutuwa kung sabi sa kanya tumahimik lang sa tabi si Miro at hindi umiimik.

Paano nga ba ako nakabalik sa dati. Naalala ko may aksidente akong nahalikan kanina na lalaki ito siguro ang dahilan kung bakit ako naka balik sa dati.

"Paano nayan naka balik kana nga sa dati. Hindi ka pwede pumasok bukas na ganyan ang hitsura mo."
Sabi nya.
Oo nga nung pumasok ako ng school lalaki ako. Baka mag taka ang mga kaklase ko pag nakita nila na babae na ako.

"Paano na yan Miro hindi ako makakabalik sa dating Shin pag hindi ako makahalik ng babae."
Sabi ko na halatang depress na. Baka magtaka na ang mga kaklase ko nyan pag hindi na ako pumapasok dahil sa nangyari sa akin ngayon.

"Gusto mo tawagan ko girlfriend mo?."
Sabi nya sabay dampot ng cellphone ko sa bedside table.

"Sinong girlfriend?."
Kunot noong tanong ko.

"Edi sino pa si Akane-chan diba girlfriend mo yun."

"Uy hindi ko girlfriend yun no?! ilang bisis ko bang sasabihin sayo."
Nakukulitan na talaga ako dito kay Miro. Maniwala ba daw kay Akane.

"Whatever. Tignan mo oh ang daming tumatawag sayo kanina 201 miscall. Bakit hindi mo sinasagot apat na babae ang tumatawag sayo kanina."
Edi tama nga ang hinala kong sila nga ni Lyka, Akane, Yumie at Sarami ang tumatawag sakin.

"May text pa."
Dagdag ni Miro. "Babasahin ko ha." Sabi nya at binasa na nga nya.

"Shin nag sisimula na kami asan kana."

"Uy Shin asan kana."

"Tatawag kami ha."

"Sagutin mo Shin."

"Ano ba."

Ang daming binabasa ni Miro para sa akin pero hindi kuna tinatapos sa pakikinig. Hinablot ko ang cellphone ko sa kanya. Kaya napa tingin sya sakin.

"Ano nga ba ang nangyari at bumalik ka sa dati."
Tanong nya nag buntong hininga muna ako bago sumagot.

"Ano kasi may nahalikan akong lalaki kanina ng hindi sinasadyang nadaganan ko sya."
Sabi ko.

She Turns He [ Completed☑ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon