Nang dahil doon sa nangyari kanina ay hindi na kami naka pasok nila Akane at Yumie sa isang subject.Naglalakad kami ngayong tatlo sa corridor para bumalik na sa room at pumasok na sa isa pang subject.
Habang nauuna akong nag lakad sa kanila ay may bigla akong naramdamang kamay na pumulupot sa isang braso ko.
Tinignan ko kung sino ito at nakita ko si Akane na naka ngiti. Hindi ko alam pero may bigla akong napansin sa likod. Si Yumie na ang dilim ng aura. Hindi ko alam pero nakakatakot sya.
Kinuha ko ang kamay ni Akane na naka pulupot sa braso ko at unti-unting lumayo sa kanya. Pagkatapos ko yung gawin ay napa puot na lamang sya at hinayaan nalang din nya akong lumayo sa kanya.
Lumingon ulit ako kay Yumie na nasa likod namin. Salamat naman at okay na ito at wala na ang itim na aura sa kanya.
'Ano kayang dahilan at naging ganun yun?.'
Takang tanong ko sa isip habang patuloy kaming tatlo sa paglalakad.________
_____________Ilang oras din ng matapos na ang klase. Isinukbit kuna ang bag ko sa balikat ko at palabas na sana ako ng room ng tinawag ako ni Yumie.
"Shin sandali."
Pigil nya kaya napa hinto ako at lumingon sa kanya."Bakit."
Tanong ko habang ang isang kamay ko ay nasa bulsa."Kanina kasi..."
Nag aalangang sabi nya. Ano naman kaya yung kanina?."Anong kanina?."
Takang tanong ko sa kanya.
Bigla naman din nyang inangat ang ulo nya sakin at biglang umiwas."Ano kasi kanina nag seselos ako."
Pag aamin nya at biglang namula. Nagulat naman din ako sa sinabi nya. Ayon ba yung kanina na ang dilim ng aura nya nung kumapit si Akane sa braso ko."Ah eh?."
Pakamot sa ulong iniwas ang tingin ko. Wala akong masabi sa kanya."Ano ahm... Bakit ka nga ba nag seselos eh hindi naman tayo-ffff!."
Sabay takip ko sa bibig ko dahil sa biglang pag labas ng salitang yun sa bibig ko.
Nalintikan na.Bigla naman ding napa tingin sakin si Yumie at napa yuko. Pansin ko nalungkot sya sa sinabi ko. Wala naman din akong magawa iwan pero bigla akong nataranta at naguguluhan kung pano ko sya mabalik sa dating sigla.
"Yumie sorry di ko sinadyang sabihin yun sorry."
Natataranta kung sabi sa kanya at nag dadalawang isip kung hahawakan ko ba sya."Hindi okay lang, totoo naman din ang sinabi mo na walang tayo para sabihin sayo ang mga ito. Pero shin gusto ko lang sabihin na gusto kita."
Pag aamin nya sa akin habang naka tingin sa mata ko. Pagkatapos ko yung marinig sa kanya bigla naman ding napatigil sandali ang pag hinga ko.Nakakagulat may gusto si Yumie sakin. Anong gagawin ko.
"Yumie kasi ahm... Salamat at gusto mo ko."
Pag iinusinte kung sabi at napa kamot sa pisnge ko habang nahihiya pang napa tingin sa sahig.
BINABASA MO ANG
She Turns He [ Completed☑ ]
Fiksi IlmiahTeaser: She's Harashin Mina Aoi. A juniour student in Tetsuka High School in Tokyo Japan. A simple student who turns in a Male Gender because of the stupid accident she does. In his first day of class. What will she do if his body is the most cute...