❇ Chapter 17: Valentine's ❇

1K 28 0
                                    

"Akane nasa Peryahan ata tayo ah. Anong gagawin natin dito?."
Tanong ko kay Akane ng makababa na sya sa bike ko.

"Secret diba sabi mo sasamahan mo ako kaya tara na pumasok na tayo."
Sagot nya sakin at hinila na ako.

"Tika lang ipa-park ko lang ang bisiklita ko dun."
Sabi ko at itinuro ko sa kanya ang parking lot ng mga bisiklita. Hindi naman masyadong kalayuan kaya sumunod na sakin si Akane para sabay kaming pumasok ng Peryahan.

Nang makapasok na kami ay bumungad agad sa amin ang mga ibat-ibang palaro, pagkain, mga show at mga Arcades.
Basta Peryahan maraming mga Tao at ngayon lang ako naka punta sa lugar na ito. Hindi naman masyadong malayo sa school kaya hindi nakakapagod mag padyak ng pidal.

Hays pupusta akong mapapalibre talaga ako nito sa babaeng 'to.

"Shin, okay ka lang di ka ata mapalagay ah."
Tanong nya sakin umiling lang ako bilang sagot. Paano ba naman hindi ako sanay sa madaming tao.

"Okay lang ako, ano bang ginagawa talaga natin dito Akane?."
Tanong ko habang ang isang kamay ko'y napahimas sa batok.

"Basta wag ka ng magtanong bakit di mo nalang ako ilibre gusto ko nun oh."
Sabi nya at itinuro ang tindahan ng cotton candy.
'Sabi na mapapalibre eh.'
Wala naman din akong magawa at bumili nalang ng gusto nya.

"Manong dalawang cotton candy nga po."
Sabi ko sa nagtitinda.

"Anong kulay hijo."

"Kahit ano nalang po."
Sabi ko kukunin na sana ni Manong ang cotton candy na kulay blue ng umangal naman itong katabi ko.

"Kuya ayoko po nya'n pwede po bang Violet nalang po yung amin."
Naka ngiting sabi nya sa tindiro.

"Ah ganun po ba Ma'am sige po."
Kukunin na sana ni Manong ang kulay na gusto ni Akane ng sumabat ako.

"Blue po yung sakin."
Sabi ko.

"Hindi Violet po Kuya dalawa po."

"Ayoko Blue ang gusto ko."

"Violet nalang kasi."

"Ayoko sabi eh blue nga kasi gusto ko."

"Hindi pwede, Manong Violet na po talaga final order."
Sabi ni Akane. Napailing nalang ako at hinayaan nalang sya. Ang kulit nya din eh di talaga magpapatalo.

Si Manong naman napatawa nalang na ibinigay ang cotton candy kay Akane.

"Nakakatuwa naman kayong mag syota ang kukulit."
Sabi ni Manong magrereact na sana ako ng inunahan na ako ni Akane.

"Haha! Ganun po talaga pag nagmamahalan pfft!."
Sagot nya at hinila na ako para mag lakad na kami palayo na dun sa tindahan ng cotton candy.

"Uy bakit mo sinabi yun."
Sabi ko ng makalayo na kami at tapos ng maka pagbayad.

"Ano kaba ang OA mo. Malamang trip ko lang yun no!."
Sabi nya. Napailing nalang ulit ako.

"So saan ulit tayo?."
Tanong ko. Napa linga-linga naman din sya sa paligid at may biglang itinuro.

"Hehe! Doon tayo mukhang masaya dun eh."
Sabi nya sa masiglang busis at hinila na naman ako. Nakita kong papunta kami sa isang tindahan na maraming stufftoy na naka sabit tapos may naglalaro doong mga lalaki na kasama ata yung girlfriend nila.
'Ano kayang ginagawa nila dun?.'

She Turns He [ Completed☑ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon