August 15
Huwag sanang ako'y bitinin
aking hinihintay preskong hangin
Palubog na ang araw
wala ka pa rin,
sabihin mo
Ano ba ang dapat kong gawin?
Aking naririnig huni ng mga ibon
nakikitang mga puno saan man ako lumingon,
malayo kung nasaan ako noon,
'di na nais pang bumalik doon
Habang nakaupo, ika'y minamasdan
walang masabi sa iyong kagandahan
pero higit sa lahat, ang aking hinahangaan?
ang nakikita ko sayong kapayapaan
Kapayapaan
Pace
Peace
Pinag-iisipan ko ang huling salita sa tulang ginawa ko.
Kasalukuyan akong nasa park, nakaupo sa bench habang ninanamnam pa ang kinain kong pizza for lunch. Inalis ko ang aking tingin mula sa screen ng cellphone ko at tumingin sa napakagandang bagay na nasa harap ko, ang bagay na nagsilbing inspirasyon sa ginawa kong tula. Parang wala pa rin itong pinagbago, maganda pa rin at 'di nakakasawang tignan. Pero ang nagbago ay ang pakiramdam ko habang minamasdan ang lawang nasa harap ko. Kung noon ay naiinggit ako sa kapayapaang taglay nito, ngayon kapayapaan na ang nararamdaman ko.
Dalawang taon na pala mula nung nangyari lahat 'yon, parang kahapon lang. Ang totoo wala naman talaga akong balak magtime-travel pabalik, hindi ko ginustong alalahanin ang nakaraan, kaya lang si Facebook ang nagpaalala sa akin. Sabi niya, 2 years ago daw mula nung pi-nost ko yung status na ang laman ay ang tulang sinulat ko. Iba na talaga ngayon, kahit gusto mong makalimot, meron at merong bagay o tao na magpapaalala sa iyo ng nakaraan mo.Aysh. Anong meron at parang ang deep ko naman ngayon?
Ako mismo 'di ko maarok ang mga pinagsasabi ko e haha
Ay bago ko pala makalimutan, ite-text ko na nga si Robi para sa lakad namin mamaya. Sigurado ako magtatatalon 'yun sa tuwa, kasi naman nalaman ko kanina lang na cancelled nga yung trabaho ko mamaya, delayed daw yung flight ng mga itu-tour ko..
well sorry sa akin kasi that means no work, no pay pero okay lang atleast makapag-eenjoy naman ako today.Dumaan muna ako sa bookstore bago ako pumunta sa meeting place namin ni Robi, malapit lang kasi siya at may time pa naman ako.
Hay..ang tagal ko na ring hindi pumunta sa bookstore na to, lagi kasi ako dating tumatambay dito kapag nagpapalipas ako ng oras.
Bukod kasi sa may aircon na, may mga upuan din para sa gustong magbasa, so di lang siya basta bookstore kundi parang library na rin.
Tumingin ako ng librong pwedeng basahin..
Ayun! May nakita ako, interesting yung topic. Kukunin ko na sana..nang may lalaking biglang dumampot na dun sa libro.
Sayang, nahuli lang ako ng 1 second.
So ano? Kala mo naman may magic na mangyayari, na ibibigay muna sakin yung libro para basahin?
BINABASA MO ANG
Finding Love in Rome (On hold)
Genel Kurgu"Love? Para lang yun sa mga taong walang magawa sa buhay. At sigurado ako, hindi ako kabilang sa mga 'yon." Stef/Stefy/Stefany..bigyan mo siya ng iba't-ibang nicknames huwag mo lang siyang tawagin sa pangalan niyang Stefania; 21 years old living in...