Chapter 12:

942 90 40
                                    

Azaia's POV:

Isang linggo ako nagmukmok sa kwarto, isang linggong hindi kumakain ng maayos. Wala ako sa tamang pag iisip, ni walang laman isip ko.

Nalaman na rin ni Cassie pag transfer ko, at nalaman ko rin na malalayo ako kay Cassie kailangan kong tumira sa isang bahay namin malapit sa school na pagtratransferan ko.

Kung pwede lang magtransfer si Cassie kasama ko, kaya lang ayoko naman sya idamay.

"Sure ka bang ikaw kukuha ng mga naiwan mong gamit sa school? Hayaan mo nalang kaya o di kaya ako na kukuha para sayo?"

Nag aalalang tanong sakin ni Cassie, alam na alam ng buong students sa school yung nangyari samin ni Fade, marami ang nakakita.

"Ok lang, Hindi ako yung may kasalanan. Bat ako ang magtatago? Isa pa, yung mga damit at gamit ko sa locker ko, importante yun. Magpapaalam na rin ako ng personal sa prof at classmates natin."

Sana lang wag ko silang maabutan doon, o makasulobong man lang ang landas.

Hanggang ngayon namamaga pa mga mata ko,

"Nag aalala ako sayo, pano kung magkita kayo ni Brian at ng bruhang yun? Iiyak ka na naman? Awang awa nako sa mga mata mo!"

Nginitian ko si Cass kahit nahihirapan ako,

"Kaya ko."

Tumayo ako at kinuha yung shoulder bag ko na nakalagay lang sa tabi ko,

"Tara na, malate ka pa."

Kahit parang ayaw ni Cass na pumunta ako sa school ay wala na syang nagawa.

Sabay kaming pumunta ng school ni Cass, habang naglalakad kami papunta sa room namin ay ramdam ko ang tingin ng mga estudyante.

Rinig ko ang mga bulungan nila, naka uniform ako, gusto ko maramdaman sa huling pagkakataon na estudyante ako sa paaralan nato.

Sinamahan ako ni Cass sa locker ko, bahala raw malate sya, kesa sa iwan nya ko, baka raw ano mangyari sakin.

Masyado syang nag aalala.

Napatitig ako sa harap ng locker ko, bat parang di ko mabuksan?

"Az?"

Tawag sakin ni Cass, napatingin ako sa kanya

"Di mo ba bubuksan?"

Huminga ako ng malalin at dahan dahang binuksab yung locker ko,

At bukas ko dun ay andoon ang mga love letters na binigay sakin ni Fade nung mga panahong gusto nya lang ako bigyan ng love letter, pag valentines, at para daw palagi kong maalala na mahal na mahal nya ko.

Araw araw syang naglalagay ng short messages o love letters sa locker ko, now that I think of it, di ko man lang napansin na tumigil na pala sya bigla sa paglagay nun sa locker ko.

May nahulog na maliit na kapiraso ng papel sa sahig, kinuha ko yun at binuklat.

Happy 5th anniversary Taba, sa 6th anniversary natin, sisiguraduin kong sa kasal na natin yun. I love you, sana nagustuhan mo surprise ko. I love you, I love you, I love you to the moon and back, from my feet to my head, from myself to my heart.

Bigla nalang ako napatakip sa bibig ko, parang ilang segundo ay hahagolhol na ako.

"Yan na nga ba sinasabi ko eh, dapat ako na nagkuha ng mga gamit mo"

Sabi ni Cass sabay kinuha yung kapirasong papel sa pagkakahawak ko at ibinalik yun sa locker ko.

Napatingin ako ulit sa locker at may mga pictures namin ni Fade na nakadikit doon.

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon