Azaia's POV:
I told the taxi driver that he can take me anywhere, that he can just drop me somewhere. Anywhere and somewhere far from that place.
And I just found myself sitting in this swing , in an empty playground. The moment I sat down I can't think of anything but just stared at the blank space.
It's not that I really can't, but I refused to. Ayoko mag-isip ng kung anu-ano, I need to hear it from Hachi's mouth.
But the heck, that scenario keeps playing back into my head.
Habang naka-upo lang ako dito, naka tunganga, hindi ko namalayan ang oras, dumidilim na pala.
Gusto kong umuwi na pero bigla akong natakot, natakot ako na baka makita ko si Hachi sa bahay.
Napayuko ako, sa mga ganitong sitwasyon noon 'pag nalulungkot ako, 'pag nalilito ako, 'pag nasasaktan ako, biglang dumarating si Hachi, ipaparamdam niya saking hindi ako nag-iisa, na kaya ko ang lahat lalo na kasi andyan siya.
Pero no'ng mga panahon na yun, ang dahilan ay si Fade.
It'a Hachi right now, sino ang darating para makampante ako? Para mapangiti ako? Yung taong kukumbinsihin akong okay lang ang lahat?Tumulo yung luha ko,
Ba't ba ako nag-ooverreact, may tiwala naman ako kay Hachi eh pero kanina no'ng nakita ko sila ng secretary niya, bigla akong natakot.Natakot akong maiwanan ulit.
"Do you mind me sitting beside you?"
Napa angat ako ng ulo at napatingin sa gilid ko, may lalaking nakatayo doon.
Medyo mas napa angat pa ako ng tingin hanggang sa makita ko ang mukha niya, matangkad kasi siya,
'Di pa ko nakakasagot ay umupo na siya sa katabi kong swing. Napaka-pormal ng suot niya, mukhang kagagaling niya lang sa isang meeting.
"Anong ginagawa ng isang magandang binibini sa isang delikadong lugar?"
"Delikado?"
Lumingon siya sa akin at nginitian ako, ang gwapo naman ng lalaking 'to.
"Alam mo bang walang masyadong dumadaan dito? Delikado ang lugar na'to, marami ang nare-rape, at napapatay."
Bigla akong kinabahan, napatingin ako sa paligid, hindi ko napansin, no'ng tumigil ang taxi driver sa harap ng playground na 'to, wala ako sa tamang pag-iisip at umupo lang ako deretso sa swing na ito,
"Base sa reaksyon mo mukhang hindi mo alam, hindi mo ba napansin o hindi ba weird na walang naglalaro sa playground na 'to?"
Umiling ako sabay napahawak ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.
Napatingin ako sa kanya,
"What's with that look?"
Bigla siyang natawa,
"You must be thinking that i'm weird, and one of those i'm telling you right now, but ok, i might be weird at times but i'm not one of those murderers or rapists , look closely at my face , there's no rapist or murderer as handsome as this. So relax, especially the expression on your face, you look so frightened beside me hahaha"
I should not let my guard down, maaaring gwapo siya pero level up na ang modern world ngayon, may rapist ng gwapo at may murderer na ring gwapo!
Hindi ba 'to pyscho?
"Miss, i---"
*riiiiiiing*
Hindi niya natapos ang dapat na sasabihin niya sa akin nang mag-ring bigla ang phone niya, napatingin pa ako sa phone ko kasi akala ko akin.
BINABASA MO ANG
Past and Present Tense
RomantikWhen your past comes back and when your present is there, who would you choose? The one that got away? Or the one who stayed? Will you go one step closer to see who's been waiting for you? Or look back to where you were before?