Azaia's POV:
Naglalakad ako papuntang room ko na pawis na pawis,
Sino bang hindi? Ang init init ng panahon, tas ang sakit sakit pa ng thigh ko dahil halos paliparin ko na yung bisekleta ko sa bilis ko mag pedal.Tumigil ako sa gilid ng pintoan ng room ko at kinuha yung phone ko, tinignan ko ang mukha ko doon at nakitang ang haggard haggard ko.
Napangiwi nalang ako habang nakatingin sa repleksyon ng mukha ko sa aking cellphone.
Ba't kasi di ako nagdadala ng panyo?
I wiped my sweat using the back of my hand and then entered our classroom.
Napatingin sakin yung mga kaklase ko habang nakatingin lang ako sa lalaking nagdri-dribble nung bolang dala dala niya.
Napatingin siya sakin at halatang pinipigilan yung tawa niya nang makita ako, ang saya saya niya ah?
Naglakad ako papunta sa upuan ko at tahimik na naupo, buti nalang at may aircon yung room namin, kaya palaging nakasara ang pinto eh.
Pero kahit may aircon 'di ko mapigilang mapapaypay gamit yung kamay ko.
"Daijobu?"
(Are you ok?)Napatingin ako sa elyeng nagsalita, at may abot-abot siyang panyo sakin habang hawak-hawak ng isa niyang kamay ang bolang drini-dribble niya kanina
"Ano?"
Kasi di ko naintindihan ang sinabi niya ay pinaulit ko pero nginitian niya lang ako.
"Hoy prennndd~ what happened to you? Ok ka lang?"
Napatingin naman ako sa kanan ko nang makita ko si Felice na may inaabot ring panyo sakin,
Anong panyo ba gagamitin ko?
Nagpalipat-Lipat ako nang tingin kay Hachi at Felice hanggang sa ibalik ni Hachi yung inaabot niyang panyo sakin sa kanyang bulsa.
"Take hers. Mahilig ka sa PINK diba?"
Nakakaloko niya kong nginitian bago umalis at bumalik sa inuupuan niya, napatingin naman ulit ako nang mabuti sa panyo ni Felice at nakitang kulay pink nga yun.
"Pink pala favorite color mo? All along akala ko white"
Nagtatakang tanong ni Felice, para namang sasabog sa pula yung mukha ko.
Nakakainis talaga ang hapones na yun!
Nilingon ko siya sa upuan niya at masama siyang tinignan, 'tas di man lang ako pinansin. Bwiset talaga.
Nagsimula yung klase na hindi maalis sa isip yung nangyari kaninang umaga sa bahay, dapat ba nag black ako?
Luh? AZAIA! ano iniisip mo? Walang ka sense sense! Dapat mong iniisip ,dapat inayos mo nang pag butones ang yong uniporme! Di sana walang tumutukso sayo ngayon ng pink!
Kabwiset!"I will not be meeting you guys tomorrow. You know the reason already, right? It's because of the Valentine's event. Have fun tomorrow. Class dismiss."
Napahiga yung ulo ko sa aking arm chair nang makalabas na yung professor namin.
Wala namang maayos na klase eh! Marami ring wala sa room dahil busy sa mga activities na gagawin bukas.
Ba't naman ang big deal ng Valentines Day dito!
"Azaaaaaaa~ "
Napaupo ako nang maayos ng bumungad sa harap ko si Felice,
"Wala nang papasok na professor, gala tayo????"
BINABASA MO ANG
Past and Present Tense
RomanceWhen your past comes back and when your present is there, who would you choose? The one that got away? Or the one who stayed? Will you go one step closer to see who's been waiting for you? Or look back to where you were before?