Chapter 15:

1K 83 45
                                    

Azaia's POV;

Nagba-bike ako papuntang school, maiksi yung skirt namin kaya naka jogging pants ako . Yung uniform kasi namin is long sleeves na white, at skirt na checkered, black and red.

Nagba-bike ako papuntang school since malapit lang naman sa village na tinitirhan ko, isa pa, nag iipon na ako. Gusto ko mag ipon para pag may gusto akong bilhin, hindi nako manghihingi kay daddy.

Napatigil ako sa pagpedal ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko,

Kinuha ko yung phone ko at nakitang tumatawag si Cassie,

"Cassieeeeee!!"

Bati ko, miss na miss ko si Cassie kahit kausap ko lang sya kagabi.

[Lakas ng boses nito hahaha]

Sabi nya sa kabilang linya,

"Sorry naman, bat ka napatawag?"

Kasi aga aga nga akong tinawagan, may klase rin kaya tong si Cassie,

[Bigla ko lang kasi naalala na bukas na death anniversary ng nanay ni Brian, bibisitahin mo ba puntod ng nanay nya?]

Matagal bago ako makasagot, mag ski-skip classes pala ako bukas para mabisita si Tita.

"Oo, bat mo natanong?"

[Sigurado ka? Baka makasalubong mo si Brian bukas]

"May possibility na magkasalubong kami, pero aagahan ko ng pagbisita para di kami magkasalubong."

[Nag aaalala lang kasi ako pag nagkita kayo ulit, alam kung hindi pa okay yang puso mo]

Napangiti ako sa sinabi ni Cassie, nawalan man ako ng boyfriend, atleast may kaibigan akong katulad ni Cassie.

"Salamat Cass, i love you talaga. Wag kang mag aa------ wag kang mag aaalala sakin, okay lang ako"

Naputol ako saglit sa pagsasalita ko ng makita ko si Hachi na dumaan sa harap ko na nakabisekleta rin,

[Sigurado ka ah? Pag pinaiyak ka na naman nun, susugurin ko yun!]

"Sabi mo yan ah? Samahan pa kita hahaha"

Habang sinasabi ko yun ay tumitingkayad tingkayad ako para makita si Hachi, di ko na makita, nakaliko na.

Di ba ko nakita nun?

"Cass, tawagan kita ulit maya o sa gabi, may klase ka pa diba? Male-late na rin kasi ako"

[Ah oo! Yung klase ko! Sige sige, ingat ka dyan ah?]

"Oo naman! Ikaw rin dapat!"

[For sure! Bye na, love you. Mwuahhhh!]

"Bye!! Love you too, mwuahh"

Ibinaba ko na yung phone at nilagay yun sa loob ng bag ko.

Mabilis akong nagpedal para maabutan si Hachi, nag pedal lang ako ng pedal, tumatayo na nga ko sa bisekleta ko hanggang sa makita ko sya.

"Hachiiiiii!"

Tawag ko sa kanya,

Pero di niya ata ako narinig kaya patuloy parin sya sa pagbibisekleta niya.

"Uiiiiii! Hachiiiiii!"

Tawag ko ulit, mauubusan na ata ako ng hininga, sumisigaw na nga ako, nagpepedal pa ko.

Di niya parin ako narinig kaya mas binilisan ko nalang pagpepedal ko, ewan ko rin bat ko sya hinahabol at tinatawag? Siguro gusto ko syang maging kaibigan?

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon