Chapter 7:

960 68 21
                                    

Azaia's POV:

Nakatitig ako sa kawalan habang hinihintay matapos ang klase, hindi ako nakikinig sa teacher namin.

Martes ngayon at mamayang uwian kami mag-uusap ni Luke. Tatlong oras ko inantay si Fade sa usapan naming pagkikita, ngunit hindi siya sumipot. Wala akong natanggap kahit isang mensahe o tawag man lang sa kanya. Kahit anino niya hindi ko naaninag. Hindi ko siya pinapansin dahil doon.

"That's it for today! I need you guys to submit your assignment in the office later for those who haven't submitted it yet. That's the last chance. Bye!"

Nang lumabas ang prof namin sa room ay tumayo na ako para makipagkita kay Luke, walang kabuhay-buhay akong naglakad palabas. Paglabas ko sa pinto ay may tumawag sa'kin bigla.

"Taba."

'Di ko pa tinitignan ay kilala ko na kung sino kaya di na ko nag aksayang tignan at nagpatuloy sa paglalakad. It's the first time na hindi sya sumipot sa usapan namin. He apologized the day after pero I wan't an explanation kung bakit hindi nya ko sinipot!

Di naman talaga ako ganito. I could forgive him if he apologized together with a message or a call explaining to me why he couldn't make it. But he didn't.

It wasn't just for  one hour! It's almost four hours of waiting! Masyado akong may tiwala sa kanya na darating siya since he never texted me na he can't be there.

What made me more upset is that he never explained, he just said apologized!

"Taba!"

Alam kong sinusundan niya ko, kaya mas binibilisan ko pa ang paglalakad ko.

"Azaia!"

Napatigil ako ng mahawakan niya ang aking pulsuan, other than that, he called me by my first name.

"What do you need?" lingon ko sa kanya na tanong, badya sa aking boses ang pagkainis. Inagaw niya sa aking ang bag ko, saka ako hinigit kung saan man niya ako planong dalhin.

"Ano ba!" reklamo ko. Hindi  siya nagsasalita kundi patuloy lamang sa paghigit sa akin. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulsuan kung kaya't hindi ito masakit. Hindi na ako nanlaban siya at hinayaan siyang hilahin ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng science lab.

Binitawan niya na ako. Ibinaba niya ang bag kong inagaw niya kanina sa isa sa mga upuan dito sa loob ng science laboratory.

Tinignan ko siya ng masama habang hinihimas-himas ang aking pulsuan.

"Stop it." imik niya. "Stop what?" irita kong sagot.

"Yang hindi mo pagpansin sa'kin! Kahapon pa kita tinatawagan at tene-text, hindi mo sinasagot!" aniyang may bahid na pagkairita sa kanyang tono.

Sarap din talaga batukan ng lalaking to. Nakakatawa eh.  "Ba't 'di mo 'yan nagawa no'ng nakaraang linggo? Ni text 'di mo nagawa! Naghintay ako ng tatlong otras doon! Nanlalamig ako, feeling ko nga magiging statwa na ako sa kakahintay sayo!" paglabas ko ng saloobin.

"That's why I said sorry, 'di ba? Hindi ko talaga sinasadya." sagot niya, which I'm not satisfied at all. Anong rason 'yan?

Napakagat labi ako upang makontrol ang sarili na huwag sumabog, o mag-breakdown. Naiinis talaga ako ng sobra, tapos mas iniinis niya pa ako sa mga sagot niya.

"I need your explanation Fade, an explanation! Ba't 'di moa ko sinipot? Ba't 'di mo man lang ako sinabihan na 'di ka makakapunta? Bat mo ko pinaghintay?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Na-lowbat ako, okay? Na-lowbat ako. 'Di ako nakapunta kasi something urgent came up. Sana umuwi ka nalang when you had waited that long na pala." his explanation that sounds gibberish to me.

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon