Chapter 17:

996 76 34
                                    

Azaia's POV:

Nakatingin lang ako sa labas habang katabi ko si Hachi sa kotse.

Tahimik lang kami, si Felice lang talaga ang nagsasalita. Nahihiya kasi ako, kasi pangatlong pagkakataon nya nakong nakitang umiyak.

Yung una sa bahay though parang di ko alam kung nakita nya yun or nagkunwari lang sya na di niya nakita, pangalawa ay yung kahapon tas pangatlo ngayon.

Kakakilala lang namin ni Hachi pero kung ano ano nalang nakikita nya, kaya ayaw nya maging kaibigan ako siguro kasi napansin nyang ang hina ko.

Ang hina hina ko.

Etong nararamdaman ko para kay Fade, alam kong hindi ito madaling mawala. Kasi kahit ngayon kahit pagsalitaan nyo ako ng masama ay mahal ko parin sya inspite of sa mga maling nagawa nya.

Maiinis kayo sakin, magagalit kayo sakin pag sinabi kong totoong nararamdaman at iniisip ko, alam ko sa sarili ko na pag humingi ng tawad sakin si Fade, alam kong mapapatawad ko sya at matatanggap ko sya.

Oo, ganun ako katanga.

"Mm."

Napatingin ako sa biglang inabot ni Hachi,

"Huh?"

Napa angat ako ng tingin sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin,

"Kunin mo"

Utos nya, kinuha ko naman agad agad yung inabot nyang coke in a can.

"Salamat"

May nakatago pala syang coke in a can, palagi ba syang may dalang ganito? O talagang bet na bet nya lang talaga ang coke?

Hinatid muna ng Driver ni Hachi si Felice sa  bahay niya, since same village lang naman kami ni Hachi.

Hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay ko ay di ako kumikibo, wala lang talaga akong gana magsalita.

"Salamat sa paghatid sakin."

Pagpapasalamat ko kay Hachi, paglabas ko ay hindi muna ko pumasok sa loob ng bahay kasi ihahatid ko sana ng tingin paalis ang kotse.

Biglang bumaba yung window shield sa backseat,

"Hoy."

Di niya pa ba ko kilala or di nya lang mamemorize ang pangalan ko?

"I'll see you go inside."

Tas tinuro nya yung bahay ko,

"H-huh?"

"Kanina ka pa huh ng huh, papanoorin kitang pumasok sa loob."

Para namang mag aabot ang kilay ko, bat nya naman gagawin yun? Kaya nga hindi pa ko pumapasok kasi ihahatid ko nga ng tingin paalis ang kotse.

"Pasok na!"

Parang naiirita nyang sabi,

"S-sige. Bye, kitakits bukas."

Pamamaalam ko at tumango lang sya.

Tinalikuran ko na sya at binuksan na yung gate,

"Aya"

Napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon kay Hachi,

"Azaia's short, but I prefer it shorter. Aya"

Di ko alam anong isasagot ko sa mga sinabi nya, parang natutuwa ako kasi alam nya pala pangalan ko.

"Don't think too much, I saw you crying earlier, ang pangit mo talaga. "

Masama ko syang tinignan, masaya na ako't alam nya ang pangalan ko tas babawiin nya rin lang naman ang saya at pipikonin ka nya. Baliw talaga.

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon