Azaia's POV:
(Read as Aza-aya)"My love flew like a butterfly
Until death swooped down like a bat
As the poet Emma Montana McElroy said:
"That's the end of that".I read after opening a book that I randomly picked in one of the shelves here in the library.
It's a message from the author to someone he loved. The book is about three siblings who encountered a series of unfortunate events, but I noticed how the author of this book frequently mentioned the woman he loves.
Too bad at hindi sila nagkatuluyan, sabi nga nila if it's not meant to be then it's not. Na kahit gaano niyo kamahal ang isa't-isa, 'yong tadhana na mismo ang kukuha sa taong minamahal mo. Pero hindi lahat ng nawawala hindi bumabalik, that's fate and fate is all about twist.
Isinara ko ang libro ng matapos ko itong basahin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at ibinalik ang libro kung saan ko ito kinuha.
Paglabas ko sa library napansin ko ang tahimik ng hallway.
Asan ang ibang mga estudyante?
Hindi ko na lamang gaanong pinansin at napag isipan na puntahan sa classroom niya ang aking boyfriend.
Napayuko ako at napatingin sa sintas ng aking sapatos;
"Buti napansin ko, baka nadapa pa ko.", sabi ko sa sarili. Lumuhod ako gamit ang kaliwa kong tuhod para ayusin ang sintas ko.
Nakakapanibago, ang tahimik ata ng campus ngayon?
Tumayo na ako since tapos ko na naman ayusin ang sintas ng aking sapatos. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa sapatos ko, nakayuko.
Napapangiti ako pag suot-suot ang sapatos na 'to, ibinili sakin 'to Fade no'ng kaarawan ko. Si Fade nga pala ay ang aking nobyo.
Brian McFadden, gusto ko siyang tawaging Fade, kasi ako lang tumatawag sa kanya ng nun.
Kilala ko na si Fade ever since I was 13. We fell in love in such a very young age, naging kami nang I turned 15. I know, we were too young. But in spite of our age, mature kami pareho mag isip.
Fade never kissed me before, he waited until I turned 18.
I'm now 19, 4 years na kami and stronger. Kinikilig ako palagi pag naiisip ko ang love story namin.
Plano namin to get married after we graduate at 'pag may trabaho na. Gano'n namin kamahal ang isa't-isa. We are each other's first love.
"Aray!"
Napatigil ako sa kakaisip kay Fade nang may mabangga akong matigas, pag talaga si Fade iniisip ko nagkakaroon ako ng sariling mundo.
Napapikit ako ng saglit, para naman akong nahilo sa impact no'ng pagkakabangga ko sa matigas na bagay na 'to.
"T*nga."
Napamulat ako agad-agad nang magsalita 'yong matigas na nabangga ko.
At doon ko napagtanto na hindi pader ito, kundi tao.
Napaangat ako ng ulo, matangkad siya. Pero huli na para makita ko ang mukha niya nang umalis ito sa aking harapan at naglakad papasok sa library.
Pero ano daw 'yon? T*NGA?
Masama kong tinignan ang pintuan papasok ng library. 'Pag nakita ko lang talaga mukha nun ay makikita niya talaga kung sino ang t*nga."Hmmp!", padyak ko sa sahig.
I flipped my hair at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Nakakasira ng araw pag tatawagin kang t*nga... Though he was kinda right, mukha nga akong t*nga kanina na kinikilig sa mga nilalaman ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Past and Present Tense
RomantizmWhen your past comes back and when your present is there, who would you choose? The one that got away? Or the one who stayed? Will you go one step closer to see who's been waiting for you? Or look back to where you were before?