Pauwi na ko sa Mansion namin, hindi naman sa kalakihan toh, kasi sabi ng daddy ko Mansion daw ang itawag Kasi pagsinabi mo daw na mansion ay malaki pero ang sabi naman ni daddy
"Matatawag mo lang na mansion ang bahay kung kumpleto at masaya ang pamilya mo"
Oh diba ang 'Words of wisdom ni itay' hahha ang weird din ng buhay ko noh! speaking of weird.... naalala ko na naman si ngise Boyhaysst nakakaimbyerna tlga siya, pasalamat siya at may utang na loob ako sa kanya!
Pagdating ko sa Mansion "Baby maxenne! kamusta ang exam? nakasagot ka ba ng maayos?" salubong agad sakin ng mommy ko, natawa lang ako sa mga sunod sunod na tanong niya. Mother's Knows best talaga sabi nila.
Niyakap ko agad si mommy at sinabing "Okay lang po mom, madali lang! parang The Buzz nga lang eh!"
"Kamusta din yung pencil na binigay ko sayo? nagamit mo ba?" singit ni mommy habang magkayakap kami. Aissshh! nabanggit pa ni mommy yun! naka Relief na nga ako dun eh.. dahil sa lapis na yan nagkaimbyerna ung exam ko, pati na yung araw ko.. tsk !
"Opo, nagamit ko, Actually naging inspirasyon ko nga ea!" pagsisinungaling ko.
After kong sabihin yan, nakita ko tuwang tuwa naman si mommy, ganyan lagi si mommy kpag may binigay siya samin, kailangan gamitin namin... house wife lng kasi si mommy ang real name niya ay Isabela Marie Perez at so lagi niya kaming inaabala ng mga kapatid ko.
oo nga pla bunso ako sa 3 nilang anak ni daddy, yung panganay si Ate Megan Isabelle nagtatrabaho sa isang company accountant siya dun At yung pangalawa si Kuya Miguel Gabriel na graduating this year na ang course ay Information Technology.
At si daddy naman ang real name ay Dr. Gabriel Perez at isa siyang dentista.. idol ko na yang si daddy noong bata pa ko pinapakialaman ko ung mga gamit niya.And by the way Dentistry pala ang sinulat ko dun sa course ko, kasi gusto kong gayahin si daddy kasi nga idol ko siya hihi Kaya masaya ang pamilya namin... halos walang problema.. sana lagi na lang ganito.. :)
Pagakyat ko ng kwarto ko, nagshower muna ako, kasi grabe ung pila tska init pa sa school then traffic pa. Hayy kaya kung magsstart pa lang kayo magcollege dapat alam niyo yung phrase na 'Be Patience'
Tapos inayos ko agad ung gamit ko, at syempre nakita ko na naman ung Lapis ni ngise boy.. tinanong ko sa sarili ko
"Ibibigay pa ba kita?" ang hirap din kasi strangers pa siya para sakin. Ano ba yan namomoblema ako sa isang Lapis!
"HAY ! BAHALA NA NGA !"
---
Nagtext na ko sa mga BESTSFRIENDS ko...( oo bestSfriendS kasi madami sila, plural baga :) hahah ) kasi parang gusto kong magjamming pangpawala din ng stress..
To: MY BESTSFRIENDS ( group message )
..... Let's have fun guys, meet me at the story club @6 pm! Don't be late guys! Love you BESTSFRIENDS!!! See you there! <3 ......
SENDING
.
..
.
SENT !
pagkasent na pagkasent nag punta agad ako ng walkin closet ko, asusual maayos ang mga damit ko, kasi lagi na lng inaayos ni mommy yung gamit ko... sineseperate pa nga nya ung pang gig ko ea,... si mommy tlga :) I'm wearing yellow dress with black jacket together with my black boots, simple pero cool para sakin haha :) and konting brush ng long brown hair with kulot sa tip, nasa uso lng :)
BINABASA MO ANG
What If I Give Up? (Completed! :D)
Teen FictionGabriella Maxenne Perez, isang Cute at Simpleng tao lang, basta nasa kanya na lahat ng kabaitan at higit sa lahat masayahin. What if magbabago siya kapag nakilala niya, ang Hunk, at makulit na si Markus Skyler Park? And if one day nagkasawaan sila...