.
.
.
.
.
Mahal mo pa ba siya?
Yan yung mg huling kataga na sinabi niya nung maghiwalay kami. Lumabas na lang ako sa kotse na walang sinagot sa tanong niya.
Umakyat na ako ng condo, halos pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dito, kasi hagulgol yung iyak ko maski sa elevator naririnig nila yung pagsobbed ko na aminin ko na nakakahiya ito pero hindi ko mapigilan yung luha ko, kusang bumabagsak.
Hanggang sa makarating na ako ng condo ko. Doon ko binuhos ang lahat
"Sky? bakit? Ikaw na yung mahal ko! hindi pa ba yun sapat?" sabay dapa ko sa sofa
"Hindi ba sapat yung pinapakita ko? yung pagmamahal ko? F*ck!" at tuloy pa din yung luhang bumabagsak.
"Mahal kita pero bakit mo ako ginaganito!?" sabay hataw sa sofa
Ilang minuto din akong umiiyak. Naalala ko pa lang may quiz na naman bukas at kailangan pang magaral. So no choice ako bumagon ako na namumugto yung mata ko. Nagbihis lang ako ng pambahay, naghilamos kasi kumalat yung mascara ko sa mukha.
Nasa studying table na ako halos nakabukas na lahat ng gamit ko libro, notebook, panghighlight pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Lutang pa rin yung isip ko sa mga nangyari. Ngayon lang kami nakaranas ng ganitong away, halos yung away namin dati simple lang pero ito iba lahat na masakit ea.
Napayuko na lang ako sa table at nagsimula na namang umiyak "Aisshh! kelan ka ba titigil kakaiyak maxenne??" pagkausap ko sa sarili ko
"Magsawa ka naman kahit minsan!"
---
~Kring!...Kring!...Kring!~
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 6am na pala, hindi pa ako nakapag aral kagabi tsk bahala na nga lang si batman.
Habang papasok na ako ng building namin may sumigaw sa akin "Hey! maxenne goodmorning!" bati sa akin ni pao pero nginitian ko lang siya, wala kasi ako sa mood masakit pa yung ulo ko.
Napaisip ko na lang na maghagdan kasi ang haba ng pila sa elevator stress na nga ako dadagdagan ko pa ba?.
"Gabs!!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin at si kristine pala
"Problema mo? mukha ka kasing zombie eh!" natatawang sabi niya pero nginitian ko lang siya
"Nagaway kayo noh?" and I nodded
"Sus magbabati din kayo niyan!" sabay pat sa likod ko.
Sana nga. Sana maayos pa ito.
Pagkapasok namin, magsisimula na yung class, umupo na lang ako sa tabi ni Kristine ayoko munang tumabi sa kanya, mahirap na. Nagpalit muna kami ni Pao ng upuan, mabait naman si Doc Tiongco kaya hindi na niya tinitignan yung seating arrangement namin.
"Okay get 1/2 lenghtwise! no. 1" sabi ni Doc Tiongco
"Wait lang sir!!" sigaw ng mga classmate ko na naghahanda pa lang ng papel.
"Okay ka lang? nagaral ka ba?" tanong sa akin ni Kristine "Gusto mo kumopya ka na lang?" natatawang sabi ni kristine
"Hehe, wag na baka mahuli pa tayo" sabay tingin ko sa papel na blanko
"Okay no. 1!" sigaw ni Doc
.
.
.
BINABASA MO ANG
What If I Give Up? (Completed! :D)
Teen FictionGabriella Maxenne Perez, isang Cute at Simpleng tao lang, basta nasa kanya na lahat ng kabaitan at higit sa lahat masayahin. What if magbabago siya kapag nakilala niya, ang Hunk, at makulit na si Markus Skyler Park? And if one day nagkasawaan sila...