Chapter 34: Stay with me

226 7 1
                                    

Ilang segundo, minuto at araw na ang nagdaan sa mga bagay na lahat tayo ay naranasan ng...

umiyak

Siguro tadhana talaga tayong umiyak at masaktan kasi kung wala iyon, hindi ka siguro magiging matapang. We dont have choice just to follow the rules of life. Kaya nga tayo ginawa para humarap sa pagsubok ehh, para subukan ang kakayahan mo.

"Haay" pagbuntong hininga ko habang nagsasagot ng exam namin na hindi ko alam ang isasagot. Kulang na lang na sabihin ko sa papel na ito

'Ma'am sorry po hindi po ako nagaral' pero hindi ehh, mahirap na baka sumikat ako sa school ng di oras.

"Okay pass na your papers"

---

"Ano kamusta exam?" salubong n tanong ni kristine

"Ewan ko? babawi na lang? haha"

"Talaga lang talaga! ugghh need ko na talagang magaral!!!" sigaw ni kristine

Malapit ng matapos ang midterms namin, konting push na lang at sasabak na kami para maging clinician, hirap din kaya nun! huhu

After namin magexam naglunch muna kami saglit at bumalik na ulet sa classroom, may class pa kasi whole day. Absent si paul kay hindi namin kasama, nagtxt naman siya, at sabi niya pumunta siya sa kamaganak nila dun sa side nung unang kumupkop sa kanya, gets niyo? 😁

At kung siya ay hinahanap niyo, syempre nasa grupo nila tin, hindi na kami naguusap simula nung nangyari yun, ewan feel ko magiging akward lang lahat. Pero I need to talk to him, asap...

"Guyss!! tara na't umuwi!" Sigaw ni anne na halata mong stress na stress na.

Oo tama kayo ng rinig, uwian na namin, tanong niyo si author baka natatae nung sinulat niya to 😂

Habang nagaantay kami ng pababang elevator, ang ingay ingay naman ng kaibigan ko! panay sermon nila sa mga pinaggagawa namin kanina.. hirap kayang magprep. ng apat na ngipin -_-

Nung nakita ko na, na 5th floor na, dahil 4th kami pindot ako ng pindot na pababa, minsan din kasi hindi nadaan dito if puno na ung sakay.

Ting! (tunog ng elevator hih😂)

Akma na sana akong papasok kasi bumukas na yung pinto, ng biglang huminto ang oras, at naririnig ko lang ang malakas na tibok ng puso ko,
halos wala na akong naririnig mula sa ingay kanina.

Ngayon ko lang ulit nakita ang mata niyang mukang...

'Masaya na'

"Miss! sasakay ka ba?" Nagising na lang ako sa pagkakatitig ko sa kaniya ng magsalita si kuya elevator

"Ay.. uhm.. sorry po, maghahagdan na lang po kami, sorry po!" sabay yuko ko ng madami kay kuya

Akma ng magsasara yung elevator ng may biglang sumakay

"Wait po!! ako sasakay!" tumakbo siya at natamaan yung braso ng bag niya, infairness masakit siya ha.

"Aww sorry miss" at sumara na nga yung elevator. UGHH!! ang malas mo maxenne!! Malas ka talaga ngayon!

Inalalayan naman ako nila airah pababa. mahirap din pa lang simulan ang tama.

"Oy tama na ang iyak!" sigaw ni aly sa akin, ewan ko kung dun sa sugat ko sa braso o sa puso ko ehh...

"Yah...yahh.. alam ko naman ehh"

Siguro oras na...

---

Simula na ng midterms exam namin bukas, kelangan na ng matinding pagrereview kasi feel ko, konti lang mga napasa kong quiz huhu

Nagrereview nga ako pero wala naman akong naiintindihan, kasi ang nasa utak ko ay siya, yung nangyari kanina na feeling mo yung mga mata niya sinasabi sayo

What If I Give Up? (Completed! :D) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon