Chapter 31: Starting Again

226 7 1
                                    

Maxenne's POV

Simula na naman ng bagong sem, halos pahirap na ng pahirap ang mga ginagawa namin.Quiz dito, Homework dyan, paulit ulit na lang. Aminin ko mang nakakasawa, pero wala akong magagawa eto yung ginusto ko, at andito ang kinabukasan ko...

"Gabs!" Sigaw ng mga kaibigan ko

"Oh? problema niyo?"

"Hehe, nakapagbayad ka na ba?" -Aly

kung itatanong niyo, enrollment na kasi namin for 2nd year 2nd sem, bilis noh? hihi ^_^

"Hindi pa nga eh! si paul kasi eh!"

"Oh bakit?" kristine

"Si paul kasi! bwiset na yun! nasa gitna kami ng edsa ng biglang natae! basta!" irita kong sabi sa kanila na kanila namang dahilan ng pagtawa ng malakas.

Paano ba naman, nakakainis din minsan ang trapik dito sa pilipinas, masyadong mahaba. Kung tatanungin niyo ulit kung bakit kasama ko si paul at hindi si sky, kasi nauna si sky kasi may mga final exam pa siyang hindi natatake tapos kailangan maaga kasi aalis ang mga prof. So ayun, kasabay ko tuloy si kumag.

"Oh ayan pwede na tayo magenroll hihi" paul sabay kamot sa ulo niya. Kung bakit late dumating ang kumag na ito, hindi siya tumae okay? haha tumae na siya dun sa gasolinahan, Pinilit niya yung dean namin para makapagenroll kami, kasi may schedule lagi ang enrollment sa school.

"Tss bwisit!" Sabay bigay ko ng clearance ko kay kuya noki.

So tapos na kaming magenroll, syempre DMD2B ulet kami, hihi masaya na naman ang 2nd sem ko. Hinaantay na lang namin si Sky na lumabas ng room, at para na rin makapagenroll. Mga 3 subjects din kasi yung namissed niya kaya medj matagal.

Ilang oras din at lumabas na sila, madami din sila, mga 10 din ata, Anayways...

"Kuya, saan na ang next?" sabay lapit niya kay paul. Oo tama kayo ng rinig kuya na ang tawag niya kay paul, kasi tinuturuan din siya nila tita, kaya ayun, masaya naman kami at nakakarecover siya agad, pero ang masakit, ako ang hindi niya kayang alalahanin...

Flashback

Galing akong hospital kasi bibisitahin ko si sky. Habang palakad ako, bigla akong nabangga ng isang babae

"Aw" sabi ko

"I'm sorry miss" at nagulat ako kung sino iyon

"Doc?"

"Oh hija ikaw pala yan" and she smiled at me

"Okay lang po" at ngumiti din ako sa kanya. Paalis na sana ako nang bigla siya nagsalita

"Ahmm hija, if you have time today, can we have some coffee?" at pumayag na ako.

Andito kami ngayon sa starbucks malapit na din sa hospital.

"Ay hindi pa pala ako nagpapakilala sayo haha, By the way I'm Dr. Pauline Bonifacio from neurologist section. you can call me Doc Pao para hindi hassle haha" sabay abot ng kamay niya.

"Haha Nice meeting you Doc Pao" at kinamayan ko siya

"Are you maxenne right? the girlfriend of Mr. Park?" and I nodded

"Ow, alam mo bang 1st time kong magkaroon ng patient na mayroong amnesia? weird dba? kasi mostly nasa operation lagi ako, like pag tanggal ng ganito sa brain etc. mga ganun. Kaya ako nahihirapan at naninibago"

"Ahh, so bago lang po kayo sa field na ito?"

"Yeah, actually 7 months pa lang ako nagstart sa hospital na ito, kaya konti pa lang ang mga nakakaencounter kong patients" sabay kain niya ng strawberry cake niya, huhu parang gusto ko din nun :(

What If I Give Up? (Completed! :D) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon